CHAPTER 10

8 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Inisa-isa nila ang mga classrooms sa first floor pero bigo silang makita ang mga ito kaya pupunta naman sila sa second floor.

"Time check: 20 minutes and 05 seconds left!" narinig nila mula sa speakers.

Paakyat na sana sila ng mapansin ni Mawee ang maliit na pinto sa ilalim ng hagdanan.

MAWEE: "Wait. May maliit na pinto sa may gilid nitong hagdanan. Tignan natin." sabi nito sa mga kasama.

JAYEL: "Maliit ang space sa ilalim ng hagdan. Sa tingin mo magkakasya sila? You're just wasting our time." sabi nito kay Mawee at nagpatuloy sa pag-akyat papuntang second floor.

KEN: "May point si Jayel. Too small ang space sa ilalim ng hagdan para magkasya sila." at sumama na rin ito paakyat kasabay nina Paul at Josh.

NICOLE: "Ang sungit talaga ng lalaking yon. Daig pa ang babaeng may regla."

RESTIE: "Tara tignan natin yong sinasabi mo. Wala namang mawawala sa tin kung titignan natin."

MAWEE: "Thanks guys." at pumunta na sila sa pinto.

Pinihit ni Restie ang doorknob at presto! Hindi ito nakalock kaya binuksan na nito ng tuluyan. At tumambad sa kanila ang maraming maliliit na monitor at kitang kita nila ang mga nangyayari sa paligid. Ito ang security office. Lahat ng kuha ng cctv sa buong school ay nandito. Tinignan nila ang lahat ng mga screen kung may kuha ba na makikita ang mga natitirang faculty and staff.

Samantala, sa ikalawang palapag naman...

JAYEL: "At talagang hindi sila sumama. Ang tigas ng ulo." sabi nito ng mapansing hindi sumunod sa kanila sina Mawee.

JOSH: "Hayaan mo na. Tayo na lang muna ang maghanap. Sigurado namang papanhik din sila dito." sabi nito kay Jayel na halatang bad mood na naman.

KEN: "Paul dito tayo sa kanan. Kayo na lang sa kaliwa." at tumakbo na ulit sila para maghanap.

Nakita na nilang lahat ang mga classrooms sa ikalawang palapag pero hindi pa rin pumapanhik ang kanilang mga kasama.

JAYEL: "Aba at mukhang iniwan tayo ng mga yon. Kabadtrip."

PAUL: "Chill bro. Ang nega mo naman pagdating sa kanila."

JAYEL: "Bakit mali ba ako? Natapos na tayo dito, wala pa sila. Tsk"

"Time check: 10 minutes and 30 seconds left! Tick tock tick tock. Time is running out. Hahahaha" narinig nila mula sa mga speakers.

JOSH: "Shit! Nawawalan na tayo ng oras. Let's go. Sa 3rd floor tayo." sabi nito na medyo nagpapanic na.

At the security office...

NICOLE: "Ano may nakita na ba kayo? 10 minutes na lang guys." napapanic na sabi nito sa mga kasama.

RESTIE: "Ilang beses ko ng tinitignan ang bawat monitor pero wala e."

MAWEE: "Mukhang wala tayong mapapala dito. Sumunod na tayo sa taas at baka umuusok na ang ilong ni haring sungit." sabi nito na ang tinutukoy ay si Jayel.

Papalabas na sana sila ng security room ng mapansin ni Mawee na may isa pa palang monitor sa loob na nakaseparate sa iba at nakapatay ito. Hindi nila ito napansin kanina dahil nasa likuran nila ito.

MAWEE: "Wait guys, may isa pang monitor dito pero nakapatay."

NICOLE: " Faculty Room" binasa nito ang nakasulat sa itaas ng monitor. " Bakit nakapatay? Lahat naman nakabukas pero ito lang ang nakapatay."

RESTIE: "Guys, sira ang wiring." at ipinakita ang mga putol na wires na nakakonekta sa monitor.

MAWEE: "Anong ibig sabihin nito? Hindi kaya nandoon sila?"

RESTIE: "Maaari. Sige pumunta na tayo sa faculty room." at lumabas na sila sa security room.

Pagkalabas nila ng security room ay nakita nilang papasok naman ang grupo nina Mio sa Academic Bldg.

NICOLE: "Guys sa faculty room. Dali!" sigaw nito kina Mio at kumaripas na sila ng takbo paakyat sa hagdanan.

Pagdating nila sa ikatlong palapag ay sumigaw ulit si Nicole para makuha ang atensyon nina Ken na abala sa pagtingin sa mga classrooms.

NICOLE: "Sa Faculty Room, dali!" at umakyat na ulit sila at sumunod naman yong apat.

Pagdating nila sa harap ng faculty room ay nakita nilang nakasara lahat ang mga venetian blinds kaya hindi nila makita ang loob nito. Pinihit ni Josh ang doorknob pero nakalock ito.

JOSH: "Nakalock. Maghanap tayo ng pwedeng pambukas."

MIO: "Ces hairpin mo." sabi nito ng maalalang kaya ni Ces magbukas ng nakalock na doorknob gamit ang hairpin.

"Time check: Exactly 4 mins left. Say goodbye to your beloved faculty and staff. Hahahahahaha." sabi nito na tumawa pa ng malakas at malademonyo.

JOAN: "Oh my G! Gahol na tayo sa oras."

KATH: "Ces bilisan mo diyan."

CES: "Wait lang. Mas lalo akong natetense sa inyo e."

JAYEL: "There's no enough time left." sabi nito at kinuha ang halamang nakapaso sa gilid at ibinato sa bintanang salamin.

Wasak na wasak ang paso pero hindi man nagcrack ang salamin. May konting gasgas lang ito.

PAUL: "Bulletproof!" sabi nito.

CES: "Gotcha!" sabi nito ng mabuksan niya ang pintuan.

Agad silang pumasok sa loob pero walang tao sa loob ng faculty room.

JAYEL: "Wala namang tao dito. Pinagloloko niyo ba kami?" galit na sabi nito kina Nicole.

MAWEE: "Pero kasi-" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng biglang may nagsalita na naman sa speaker.

"Time check: 2 mins and 30 seconds left. Dahil isang minuto na lang, I will give you a clue kung paano mapapatigil ang mga bomba. RAINBOW. It only requires one wire.Good luck! Hahahahaha."

JAYEL: "Shit! Kung makasigaw kayo kanina parang sigurado. Oh ano ngayon?" bulyaw nito kina Nicole.

MAWEE: "Sorry. Akala ko kasi-"

JAYEL: "Akala? So dinamay mo kami sa akala mo lang?" sigaw nito kay Mawee.

PAUL: "Bro wag mo namang sigawan. Babae yan." at inilayo nito si Mawee na teary-eyed na sa harap ni Jayel.

CJ: "Guys I found a secret passage." sigaw nito ng aksidenteng mabuksan niya ang secret passage papunta sa teacher's quarters.

Agad nagtakbuhan papunta sa direksyon ni CJ ang kanyang mga kasama.

MIO: "Tara pasok tayo." sabi nito sa mga kasama.

Hindi pa sila nakapapasok lahat ng may narinig na naman sila sa speaker.

"Time's up! hahahahahaha." at biglang may sumabog sa dulong kwarto ng teacher's quarter. Sa lakas nito ay tumalsik ang pintuan ng kwarto.

"Nnnnnnoooooooo!!!!!!!" halos sabay-sabay na sigaw nila.

"I'm sorry pero natalo kayo sa larong ito. Hahahahaha. Til our next game. hahahahaha." sabi nito na tumatawang parang demonyo.

Nag iyakan naman ang mga bata habang papalapit sila sa sumabog na kwarto. Pagdating pa lang sa harap ng kwarto ay nakita na nila ang nagkalat na mga pira-pirasong katawan. Hindi nila makayanan ang kanilang nakita kaya minabuti na lang nilang umalis sa lugar na yon.












A/N:

Super late ako nakakaupdate. Ahay. Sinusulit ko kasi ang bakasyon. Haha. Malapit na naman ang pasukan. Kamusta naman ang bakasyon niyo?

Anyways, malapit na ang sunod sunod na patayan. Abangan niyo yon ah. Hehe. Thank you. :)

Song Joong Ki nga pala bilang Paul. Hehe. Naks pren, ang pogi mo dito sa story. Hahaha :p

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POTTER'S FIELD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon