Kabanata 1
Tulong
Sabay ng pagtayo ko sa kauupo ay ininat ko ang aking katawan. Hinilod ko ng kaunti ang aking beywang dahil medyo masakit na ito dahil sa pagkakayuko. Dalawang bandehera ng labahan ang nilalabhan ko ngayon galing sa kapitbahay. Iyong ang trabaho ko para may ipantawid kami sa araw araw.
"Ito ang sweldo mo, Fay." Sabay abot ni Aling Nena ang isang libong piso.
Nagulat ako sa laki ng kanyang binigay sa akin kaya ibinalik ko iyon sa kanya, "Nako, sobra po ito Aling Nena dapat po five hundred lang." ani ko at inabot pabalik.
Umiling iling ang matanda at hindi kinuha sa akin ang isang libong piso, "Hindi, ibili mo iyan ng laruan ng kambal o pagkain para sa kanila. Naawa ako sa kanila, tumitingin tingin sila noong nakaraang araw sa mga apo ko na para bang gustong gusto din nila ng ganong laruan. Ibili mo ang kalahati para sa kanila."
Hindi ko mapigilang mapangiti at hindi mapayakap kay Aling Nena. Simula noong bumalik ako dito sa Isla Fera apat na taon na ang nakakaraan ay parati niya akong tinutulungan sa lahat ng bagay. Pinapautang niya ako ng walang dagdag at hindi niya naman ako pinipilit na magbayad ako pero hindi ko naman pinagsasamantalahan ang kabaitan niya kaya binabayaran ko siya kapag may pera ako galing sa paglalaba.
"Maraming salamat po, Aling Nena. Babayaran ko po ito kapag nakakuha na ako ng panibagong labahan." Sabi ko ng mahiwlay na kami sa pagkakayakap.
"Huwag na, para talaga iyan sa kambal."
Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat bago ko nilisan ang kanilang bahay. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ni Aling Nena sa bahay namin kaya nilakad ko nalang papunta sa bahay namin.
Apat na taon na simula noong tumakas ako sa Mansion Madreal parang naging impyerno ang buhay namin. Napatay si Nanay dahil sa sakit niya, hindi namin nakayang ipagamot siya dahil walang wala kami. Ang nagawa namin ay pinapanood nalang siya na hinahabol ang kanyang hininga hanggang sa hindi niya nakayanan. Walang kaming magawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Nalubog kami sa utang sa pagpapalibing kay nanay, wala akong matakbuhan kundi ang kambal na Madreal at si Amer. Tinulungan ako nina Zav at Zoe, sila ang nagbayad ng kalahati at ako naman ang kalahati noon. Pinag-igihan ko ang pagtatrabaho ko sa munisipyo ngunit seguro sa walang pahinga at puspus sa trabaho ay nahimatay ako, dinala ako sa hospital doon nalaman na nagdadalang tao ako.
Hindi ako makapaniwala na may nabuo sa pagtatalik namin ni Rhav bago niya ako pagsalitaan ng masasama at sinaktan ng sobra sa araw na iyon. Pumasok sa isip ko noon na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko dahil hindi ko sila kayang buhayin, hindi ko nga kaya pakainin ang pamilya ko tapos dadagdag pa sila sa pasanin ko?
Pero hindi ako nagtagumpay na ipalaglag sila. Oo, malaki ang galit ko kay Rihav, pero hindi ibig sabihin non na ang galit ko ay ipupukol ko sa mga bata. Inosente sila at hindi alam kong ano ang nangyari.
Tinuloy ko ang pagbubuntis ko hanggang sa nalaman nina Zav at Zoe. Maging sila ay nagulat nakita na malaki na ang tyan ko. Simula noon halos linggo linggo silang pumupunta sa bahay para kamustahin ako, mas excited pa sila sa akin na lumabas ang bata sa sinapupunan ko. Sinabihan ko sila na kahit kailan ay huwag sabihin kay Rihav na may anak kami, simula rin noong umalis ako sa kanila ay wala na akong naging impormasyon kay Rihav dahil ayaw ko na siyang pumasok pa ulit sa buhay ko.
Sa tulong nina Zav at Zoe ay naitawid ko ang pagpapanganak, sila rin ang bumili ng mga gamit dahil daw pamangkin naman nila ang mga anak ko. Noong araw na nanganak ako hindi ko alam na kambal pala ang magiging anak ko dahil hindi ako nakapagcheck-up basta ang alam ko lang ay buntis ako noong nahimatay ako sa munisipyo.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire's Twins (Hiding Series #2)
General FictionHiding Series #2: Billionaire's Twins (Completed) - Soon to be Published SYNOPSIS Fayre is a promdi girl who has a simple dream. And that dream is only to give her parent and her younger sister a good and wonderful life. Dahil sa kagustuhang iyon ay...