Kabanata 4

46.4K 1.4K 279
                                    



Kabanata 4

Sean


Ramdam ko ang lamig ng aking kamay habang nakaupo ako at naghihintay ng customer. Hindi ko alam kong totoong narito si Rihav o na mali lang ako ng dinig sa sinabi ni Ella. Medyo maarte kasi ang pagkakasabi niya kaya siguro namali lang ako ng pagkakadinig.


Nakaupo lang ako sa ngayon dahil hindi pa gaanoong kadami ang mga tao sa loob ng Highden, pero tama nga ang hinala ko noong una palang natungtung ang paa ko dito sa building. Halos lahat ng tao dito ay mayayaman, makikita iyon sa kanilang kasuotan at mga nakakabit sa kanilang mga katawan.


"Okay lang ba, Fay?" tanong ni Farah sa gilid ko na kumakain ng lollipop.


May makeup narin siya at ang ganda ganda niya. Dito sa likod ginagawa ang kanilang pag-aayos ng kolorete. Inaya niya din ako na maglagay pero hindi ako pumayag, pulbo lang ang inlagay niya sa aking mukha at kaunting lip shiner. Hindi ako maalam sa kolorete at wala rin ako pambili kaya nanibago pa ako sa ginawa nila kanina.


"Okay lang ako," tipid kong sabi at ngumiti sa kanya.


Inikot niya ang kanyang mata at hinahawakan ang kamay ko, "Bakit ang lamig ng kamay mo kong ganon? Nalalamigan kaba dahil diyan sa suot mo? Sasabihin ko kay boss Tessa na ibahin ang uniform mo." Aniya.


Agad akong umiling sa kanya, "Hindi naman, ayos na 'to baka nanibago lang ang katawan ko. Hindi ako dati bababad sa aircon at sa araw ako sanay kaya siguro ganito ang pakiramdam ko." Tangi ko sa kanya.


Baka kong anong sabihin ng ibang mga nagtatrabaho dito. Kay bago bago lang ako dito at may pa-special treatment agad. Baka maapi pa ako dito ng wala sa oras. Ayaw ko ng dagdagan pa ang problema sa buhay ko.


"You looked so tensed girl, anyari ba?" tanong pa ulit nito, "Huwag mong sabihin na natatakot ka sa mga pangit na iyon?" tinutukoy niya ay sina Ella.


Hindi ako takot kay Ella takot ako sa sinabi niya ang pangalan ni Rihav. Paano kong narito ang lalaking iyon?! Walang wala ako sa kanya.


Umiling ulit ako, "Hindi ako sa mga iyon, ang totoo..." nahiihirapan pa akong magpasiya kong sasabihin ko ba kay Farah ang problema ko o hindi na.


Akina ng problema na iyon baka kong ano pang isipin niya sa akin. Umiling nalang ulit ako at sinabihing wala nalang akong sasabihin.


Hindi din ako sigurado kong magpagtitiwala ba si Farah o hindi. Bago lang kami nagkakilala at hindi pa namin kilala ang isa't isa, baka doon pa ang katapusan ko kapag sinabi ko ang sekreto ko sa kanya.


Niyogyog niya ang kamay ko bago siya nagsalita, "Alam kong bago lang tayo nagkakilala at kita ko sa mga mata mo na wala kang tiwala sa akin. I will respect your decision Fay, pero kong handa ka na sabihin sa akin. I'm just here, ikaw na nga lang kaibigan ko dito..." pumaos ang kanyang boses sa mga huling salita.


Napatingin ako sa kanya, ang kanyang mata ay puno ng kolorete at bagay na bagay sa kanya ang kanyang mapulang lipstick. Kita ko na nakanguso siya habang nakatingin sa kawalan.

Hiding the Billionaire's Twins (Hiding Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon