Kabanata 5

49.7K 1.4K 402
                                    



Kabanata 5


"Saan mo ko dadalhin, Sean?" tanong ko sa kanya nang higitin niya ang aking kamay papasok sa building pero sa likod kami dumaan.


Hindi ko alam ang pasikot-sikot nitong gusali pero nakakamangha nang sa likod kami dumaan. May exclusive elevator tapos mamahalin din ang mga bawat sulok, kakaiba talaga siya doon sa mismong harap ng gusali. Pinapasok ako ni Sean sa elevator habang hawak parin niya ang noo ko, pinipigilan ang panyo na matanggal.


"Ako na, Sean." Sabi ko at inlayo ang aking ulo sa kanyang kamay.


"Daming trabaho Aphro bakit dito kapa pumasok?" matigas na aniya.


Bumuntong hininga ako, "Kailangan ko magtrabaho, Sean." Tipid kong sabi.


Pwera kay Amer, isa si Sean sa mga kaibigan ko dati sa La Meyanda. Hindi ako gaanong mapalakaibigan sa mga kababaehan noong nag-aaral ako dahil nakakarinig ako ng mga kwento tungkol sa akin at sa kanilang bibig pa iyon mismo lumabas. Simula noon, wala na akong nilapitan.


Simula bata palang kaming si Amer na lang ang kasama ko, pero umalis din siya noong college kami. Lumuwas siya ng Manila at doon ko naman nakilala si Sean, naging masaya ako kay Sean. Nakakarinig din ako sa campus na ginagamit ko siya kasi mayaman siya, pero kahit ganon hindi niya ako iniwan. Pwera nalang nong umalis na siya dahil kailangan talaga niya.


"Narinig ko kay Lola Sonya na may anak ka na daw, Fay." Napatingin ako sa kanya.


Iba talaga noong nalaman ng mga kabaranggay ko na buntis ako, nakaabot pa talaga sa Lola ni Sean ang balitang iyon. Malayo layo ang mansion nila Sean, pero hindi na ako nagtataka kong maabot pa iyon sa kanila ang balita.


"Meron," ayaw kong magsinungaling kay Sean, isa pa siya iyong pinagkakatiwalaan ko noon pa man.


"Nasaan ang ama? Mag-isa ka daw umuwi sa La Meyanda sabi ni Lola."


Gigisihin pa talaga ako ng tanong nitong ni Sean.


"Aray!" pag-iinarte ko sabay hawak sa aking noo.


Dinig ko ang pagmura niya sa gilid ko at kinuha ang kamay ko para matignan ang aking noo. Hindi pa ako handa para sabihin sa kanya ang kagagahan ko. May tiwala naman ako na hindi niya ako pagsasalitahan ng masama pero nakakahiya parin talaga na ang isang desenteng babae, mataas ang pangarap, nabuntis lang ng isang gago.


Pinunasan ni Sean ang aking sugat. Nang bumukas na ang elevator ay lumaki ang aking mata na kakaiba ang palapag na ito sa mga dinaanan namin ni Farah kanina.


"Sean baka bawal tayo dito." Sambit ko ng pumasok kami sa isang silid.


May kong ano siyang ginawa at kasunod non ang pagbukas ng pinto. Kahit ang silid na ito ay kakaiba din. Para siyang hotel na napasukan namin dati ni Rihav.

Hiding the Billionaire's Twins (Hiding Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon