Kabanata 3
Iwasan at magtago
Hawak hawak ang papel na binigay sa akin ni Amer, kasalukuyan ako ngayon na katayo sa harap nitong club na tinuro niya sa akin. Halos lahat ng gusali dito sa La Fera Dos ay malalaki kumpara sa La Fera Uno, ngunit sa lahat ng gusali dito isa ang building nasa harap ko ang pinakamalaki. Magara din ang labas nito at parang mayayaman lang dito sa Isla Fera ang makakapasok sa loob.
Hindi naman ako mapili sa trabahong mapapasukan, ang importante ay marangal ito at karespe-respeto. Ang sabi naman ni Amer sa akin ay waitress ang kinuha niyang trabaho sa akin at hindi magpapaligaya ng lalaki, ayos na iyon sa akin ang importante mabili ang gusto ng mga anak ko.
Ayaw kong manghingi lang ng manghingi sa Kambal at kay Amer. Ayaw ko rin manghingi ng sustento sa tatay nila. Noong nakita ko si Rihav sa mall na iyon nakaraang linggo nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko. Mayaman siya mahirap lang ako, salat sa pera. Natatakot ako na baka isang araw ay iwan ako ng mga anak ko at sumama sila sa tatay nila. Bata pa sila at walang kamuwang muwang sa mundo, bibigyan lang ng kung anong nais nila baka kakagat sila.
"Miss, mag-aapply ka din?" parang bumalik ang kaluluwa sa akin sarili dahil sa presensyang iyon.
Napahawak ako sa aking dibdib at hinarap siya, "May binigay na sa akin ang kaibigan ko, ibibigay ko lang daw ito sa may-ari tapos pwede na akong makapagtrabaho." Sabi ko sa kanya.
Tumango tango siya at nilagay ang daliri sa kanyang panga, "Ah, may backer. Swerte mo girl, ako nahirapang makapasok diyan. Isa ang Club Highden, sa pinakamalaking gusali dito sa La Fera Dos kaya medyo mahigpit. But don't worry, alam kong kaya mo naman dito. You're pretty naman at makakabingwit ka ng papi!" aniya at parang kinikilig.
"Aso?" inosente kong tanong.
Tumawa siya at hinila na ako papasok ng gusali, "Gwapo na mayaman, hindi aso." Sagot niya at pinapasok ako isang silid.
Akmang lalabas na sana ako ng sinirado niya ito at ay binigyan ng maliit na uwang, bumulong siya ng 'Goodluck' bago tuluyang sinirado ang pinto.
Huminga ako ng malalim at naglinga-linga dito sa loob ng silid. Isang babae ang nakita ko na nakaupo at nakaharap na pala sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti din ako sa kanya. Lumakad ako papunta sa kanyang gawi at binati ko siya.
"You must be Amer's Friend, Am I correct?" panimula niya.
"Yes, Ma'am. I am Amer's Friend." Sabi ko sa ingles na lingwahe.
Nakatungtong naman ako ng college kahit papaano kaya alam ko rin ang lingwaheng iyon. Iyon din ang ginagamit na lingwahe sa bahay ng mga Madreal kay nakasanayan ko na rin kahit papaano.
"Amer is right, you looked pretty. Waitress lang ba ang gusto mo dito sa Highden Club? Or you want other job for better earnings?" sabi niya at pinaupo ako sa upuan na malapit sa akin.
Umiling kaagad ako sa kanyang tanong, alam ko kong anong tintukoy niyang trabaho at iyon daw ay tangihan ko sabi ni Amer. "I just wanted to be a waitress here, Ma'am. Sabi ni Amer iyon naman ang kulang dito kaya iyon po ang kukunin kong trabaho." Sagot ko naman.
Binasa niya ang kanyang bibig, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ulit siya nagsalita, "Sure, you can start later. Don't be late, three times late you will be fired immediately. Your uniform is now on your locker, every end of the month you get salary from me. The owner of this club is here every first week of the month, better to meet him soon." Paliwanag nito tungkol sa akin trabaho.
BINABASA MO ANG
Hiding the Billionaire's Twins (Hiding Series #2)
General FictionHiding Series #2: Billionaire's Twins (Completed) - Soon to be Published SYNOPSIS Fayre is a promdi girl who has a simple dream. And that dream is only to give her parent and her younger sister a good and wonderful life. Dahil sa kagustuhang iyon ay...