Kabanata 6

57 2 1
                                    

Kabanata 6

After ng SR namin ay pinabalik na kami sa loob, we are grouped together. Pinakiusapan na rin ni Jas kung pwedeng sa iisang group kaming tatlo, buti at pinayagan kami. We are called ‘SG1’ or ‘Small Group 1’, may apat pa kaming ka-group kaso nakalimutan ko na ang names nila. And then, kami rin ang Work Group 1, kasama namin ang SG2. Over all, there are 8 SGs and 4 WGs.

“Mga housemates, nasa group niyo na ba kayo?” tanong ni Kuya Larry “Ang next activity natin ay Cook Fest. Kayo mismo ang magluluto ng mga pagkain niyo, siyempre dapat kasali ang mga counselors niyo. Nasa labas na lahat ng kailangan niyo pero may isang ingredient kaming nilagay na pang-gulo, bahala na kayo kung paano niyo gagawan ng paraan. Of course, ija-judge namin ang bawat luto, may prize kung anong group ang mananalo. Game?”

And before we knew it, lumabas na kaming lahat at may tables na naka-set per Work Group. Nagtaka ako kung bakit may manok, yun pala Calderetang Manok ang lulutuin. Like what? Hindi ako marunong magluto. “Sinong marunong magluto?” tanong ng isang ka-member namin, si Kuya Elmer. Lahat naman kami umiling. “Nako! Paano na yan? Hmm.”

Later on, we agreed na lahat na lang ng babae, maghihiwa ng kung anong kailangang hiwain, kaming mga lalake ang kakatay sa manok at magsisibak ng kahoy. Unfortunately, we need to use wood for cooking, no gas stoves. Good thing I went to a boy scout once, I learned how to make fire. Tumulong na ako sa pagsibak ng kahoy at gumawa ng apoy. Nung natapos na ako, tinignan ko kung kumusta na si Sophie at Jas. They are both slicing something, at yung Kuya Nathan ang nagga-guide sa kanila, he’s one of our assigned counselor by the way.

I can say na it’s a miracle that we were able to cook! Yung mga babae ang nag-plating since we guys don’t really know how to do it. Nilapitan ko naman si Sophie at pansin kong ngiting-ngiti siya, “Looks like you had fun.”

“You bet I did kuya. It was fun even though that onion made me cry. ” sabi niya at pinunasan niya ang mukha ko, “You got something on your face.” At pinagpatuloy niya ang pagpunas sa mukha ko. “There, all done.”

“Thank you, princess.”

Pinapasok naman na kaming lahat sa mess hall para kumain na, per WG ang table. Katabi ko si Sophie at kaharap namin si Jas.  In-announce na rin kung sino ang nanalo pero sa kasamaang palad, hindi kami ang nanalo. “Hayaan niyo na! Kain na lang tayo!” sabi nung isa naming ka-member, si Kuya Regie.

Palabiro pala yung mga iba naming kasama, kahit maingay sila masaya pa rin. Hindi mo mahahalatang kakakilala lang namin kanina, pero look at it, the atmosphere between the group is light. Kahit nga si Sophie nakikihalubilo na rin eh.

“Kuya, pwede pong paabot nung rice?” tanong ng isa kong katabi, si Ria. Kaklase niya rin si Jas nung high school sila. Inabot ko naman sa kanya yung rice.

“First camp mo rin ba to?” I asked her.

“Opo kuya.” and there it goes. Hindi pala sila magka-schoolmate ni Jas sa ngayon, she’s taking up BS in Criminology. “Seryoso kuya!” she insisted pero natatawa na rin sa sarili niya.

“Hindi halata sayo na ganun ang course mo.” Hindi kasi ako makapaniwala, she looks so feminine pero masyadong panglalake ang course niya.

Hindi nagtagal ang conversation namin ni Ria kasi Work Period na namin, kami ang dishwasher ngayong gabi. Hindi ko namalayan na gabi na pala. At pagkalabas namin, umuulan na.

Naging maingay na naman ang work period namin dahil naisipan ni Kuya Elmer na maglaro kami habang naghuhugas ng mga plato. Pero hindi ako nakisali, kausap kasi ako ni Nanay Alice, siya yung cook ng camp. “First time mo hijo?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEY KID!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon