Kabanata 2

63 2 0
                                    

Kabanata 2

Natapos na ang finals namin at ngayon ay ang araw ng kasal ni Pats at Brandon. Pumunta ako noon sa university nila, kaso hindi ako nagpakita ni kahit isa sa kanila, kahit kina Cheska, Dannie o Vince ay hindi ko sinabi na pumunta ako doon. Besides, saglit lang naman ako nun doon. Tinignan ko lang kung ayos lang ba si Pats, nakita ko siya noon, kaso iba na ang itsura niya. Alam ko naman kung bakit, kaya hindi na ako nagtaka na makita siyang ganoon. Magkakasama pa rin silang tatlo, at gumaan ang loob ko nang makita siyang okay lang. Sumunod naman na araw ay nakita ko na magkasama sila ni Brandon, parang bumabalik lang ang eksena noong mga bata pa kami, mukha kasing nagtatalo sila nung oras na yun. Lagi kasing pinipikon ni Brandon si Pats. Tingin ko naman ay okay lang silang dalawa, pero pag may malaman lang talaga akong kagag*han ni Brandon ay malilintikan siya sa akin.

Nandito na kami ngayon sa reception ng kasal nila. Wala pa talaga akong balak magpakita sa kanila, susurpresahin ko sila. Halata rin naman kasi na busy ang bagong kasal. Andaming bumati sa kanila at halos hindi na makahanap si Pats ng tiyempo para maupo.

Natapos na kasi ang speeches ng families and friends ng bride and groom, sayawan na ang sunod. Habang sumasayaw sina Pats at Brandon sa gitna ay hindi ko akalaing makikita ko sila bilang mag-asawa na. Ibang-iba sa Pats na nakilala ko noong bata pa ako. Siguro kung hindi ko kilala ang dalawa, masasabi kong bagay na bagay sila. They fit each other sa unang tingin.

Bigla namang napatayo si Sophie at nakita kong namumula ang mukha niya at nahihirapang huminga. “Princess, why are you turning into beet red?” napatayo na rin ako at nilapitan siya.

“Allergies.” malalim ang bawat paghinga niya at pinagpapawisan na siya.

Naalarma naman ako at agad kong hinanap sa paligid si mommy, siya kasi ang kasama namin ni Sophie dahil nasa work pa si daddy. “Where’s mom?” tanong ko pero tinuro niya ang direksyonng comfort room. “Stay here. I’ll call her, okay?” tumango naman na siya at agad akong pumunta sa comfort room. Kumatok naman ako dun sa ladies’ room at wala na akong paki kung may nakatingin sa akin. “Mom? Are you there?”

“Preston? Ikaw ba yan anak? Teka lang.” rinig kong sabi niya at maya maya ay binuksan na niya ang pinto, “Why?”

“Sophie got allergies. We need to go home.” nauna namang lumakad si mommy sa akin at kung minamalas ka nga naman ay may nakabunggo pa sa akin at nasalo ko pa tuloy. “Watch where you’re going—Cheska?” si Cheska nga to. Anong nangyari sa kanya?

“Sino ka?” tanong niya at medyo tipsy na siya. My guess is that she’s drunk.

“Preston?” napatingin naman ako kay Dannie na kakarating at mukhang sinundan itong si Cheska.

Bago pa ako makasagot kay Dannie ay biglang—

“Sh*t!” mapapamura ako ng wala sa oras dahil sa ginawa ni Cheska. She just barfed at me! Oh hell. “I gotta go.” Wala na akong panahon para maglinis ng sarili. My sister is being attacked by her allergies and she needs to go home immediately.

“Hey! Watch it! I just bought this dress.” Sabi pa ni Cheska pero iniwan ko na sila doon.

Tinanggal ko na lang yung coat ko at naabutan kong nagpapaalam na si Mommy dun sa mga ibang associates ng nila ni Tito. Agad ko namang nilapitan si Sophie na ngayon ay nangangamot na dahil sa allergies niya, “Kuya.” Sabi niya at hinawakan ko na siya sa kamay para makaalis na kami.

“We’ll buy first your medicine. Okay?” sabi ko sakanya nang makasakay na kami sa kotse. Si mommy naman ang nasa passenger’s seat at si Sophie ang nasa backseat. We don’t have a driver today since kaya ko namang ipagdrive sina mommy.

HEY KID!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon