Kabanata 3

94 2 0
                                    

Kabanata 3

Kinabukasan naman walang magawa, since semestral break namin. Ewan ko lang sa university nila Pats, sa pagkakaalam ko ay wala na silang semestral break dahil late silang nagstart ng school year. Pero may 3 days ata silang walang klase next week. (Kung iniisip niyo kung paano ko nalalaman ang mga ito, it’s RESEARCH.) Kami kasi 1 week lang ang semestral break namin. Wala naman akong plano na mag-out of town sa ngayon tulad ng lagi kong ginagawa, wala kasi ako sa mood na pumunta sa ibang lugar. Masiyado akong stressed nung nakaraan dahil sa finals namin. Mas gusto kong magpahinga na lang buong linggo.

“Kuya..” tawag sa akin ni Sophie na ngayon ay nakasalampak sa sahig dahil gumagawa siya ng project niya. Semestral break din kasi nila, pero masiyado silang pinapahirapan ng mga teachers nila sa projects na pinapagawa. “Kuya, I’m all out of glue and colored papers. Can you go to National Bookstore? Like, right now? I really need to finish all of these.”

“Is that all princess?” tanong ko sakanya at tumayo na ako para kunin ko ang susi ng motor ko, “You want to eat something? Like, ice cream or—“ hindi pa ako natatapos ay nagsalita na siya kaagad.

“I want rocky road please. And kuya, ate Jas is already at the bookstore. I told her that I’ll be there too, but since I’m busy right now, can you please pick her up? I invited her here, is it okay?” tanong niya sa akin at matatanggihan ko ba ang pagpapa-cute niya sa harapan ko? But wait..

“She’s already there?” tanong ko ng ngayon ko lang marealize na inimbitahan niya si Jas dito sa bahay. Paano niya na-contact si Jas without telling me?

Tumango naman siya at ngumiti, “Yup. You can’t make her wait, aren’t you kuya?” tumingin naman siya sa akin na para bang nang-aasar siya. Alam niyang ayokong pinaghihintay ang isang babae. “Kuya, just go already. Go out with her. And try not to stay in this house for the whole week.” Pinagtutulakan na niya ako palabas ng bahay at natatawa na lang siya dahil nagpupumiglas ako.

“I am staying in this house for the week and princess, this is new. You’re throwing me out of the house?” napataas naman ako ng kilay sa kanya. “I thought you love me?” pag-iinarte ko at sumakay na sa motor ko.

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko at napa-iling, “I love you kuya that’s why I’m doing this. Hey! Ate Jas is waiting!”

“Alright, alright. I’m going.” Sabi ko at hinalikan na niya ako sa pisngi.

Pinaandar ko naman na yung motor at wala na akong nagawa kundi ang magtungo sa National Bookstore. Kailan sila nagbigayan ng phone numbers sa isa’t-isa? Mabuti pa yung kapatid ko may number niya samantalang ako na nakakilala sa kanya ay wala. Teka, bakit ko ba ginagawang big deal ang tungkol sa number niya?

Nakarating naman na ako sa National Bookstore at hinanap si Jas sa bawat section kaso hindi ko siya mahanap. Akala ko ba nandito siya?

Aalis na sana ako doon para hanapin ko siya sa labas nanng may napansin akong biglang yumuko sa book section. Lumapit naman ako doon at tumayo na siya at nakita kong si Jas yun. Nakita ko kung paano mamilog ang kanyang mata, siguro ay si Sophie ang inaasahan niya at hindi ako. Nakalapit na ako sa kanya at pinanood ko kung paano niya isinauli ang librong hawak niya. “Ikaw pala kuya.” Sabi niya.

“Michael Crichton? Mahilig ka palang magbasa ng mga ganyan.” Sabi ko at nginitian niya naman ako. “Normally, a girl at your age likes to read love stories.”

“Mas gusto ko po kasi yung sci-fi, adventures, mga ganun po. Nakakasawa na kasi yung mga love love na yan.” Iritadong sabi niya pero nakangiti pa rin. Natawa naman ako dahil sa ekspresyon niyang yun. Kakaiba itong batang to. “Ay kuya, kasama mo po si Sophie? Nagpromise kasi ako sa kanya na ngayon ko ibibigay yung mga hand-outs about sa journalism.”

HEY KID!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon