Kabanata 4

43 1 1
                                    

Kabanata 4

Sising sisi ako kung bakit ko sinabi yun. Pero may nagtulak kasi sa akin na sumali, may parte sa akin na ayaw ko pero may side rin na gusto ko. Hay nako! Naguguluhan na ako sa sarili ko! Kaso wala na akong magagawa, nagsisimula ng mag-impake si Sophie. By the looks of it, mukhang ang saya saya niya. Hindi naman siya ganito whenever she goes to a camp. Yes she attends some camps but not like this one. And there’s one more thing, our parents need to know about this. “Sophie, I’ll call mom. Ipaalam ko lang sa kanya ito.” Tumango lang siya at patuloy sila ni Jas sa paghahanap ng dress na pwede niyang gamitin sa camp.

Lumabas naman na ako ng room niya at tinawag si mommy, “Oh anak? Bakit ka napatawag?”

“Mom, is it okay if me and Sophie, uhm..can go to a camp?” kahit naman hindi na namin ipaalam sa kanya, okay ang sa kanila ni dad, as long as magkasama kami ni Sophie, panatag ang loob nila.

“Of course son. Have a break, make sure to take good care of your sister, okay?”

“Mom, I’ll be taking care of two girls actually.” Jas is included, well I’m the guy, and I should look after her too. She’s part of my responsibility.

“Two girls? May I know who that other girl is?”

“Si Jas, mom. Originally, siya yung pupunta sa camp, but then Sophie wanted to join too. It’s a college camp we’ll be joining, a Christian camp to be precise, you know; religious groups?” Although we don’t usually know about things Christians do, we too are Catholics. Okay lang naman kina mommy na sumali kami ng mga ganito, wala rin naman kaming pinapanigan na religion group, as long as we know God, that’s what they told us. “Hindi naman ganun kalayo ang venue mom, sa Tuguegarao City po yun; 3 hrs lang naman po ang biyahe. It’s a five day camp actually, just so you and dad know.”

“It’s no problem anak. Sasabihin ko na lang mamaya sa daddy niyo, okay? Nasa meeting kasi siya ngayon eh, mag-iingat kayo ha? Alagaan mo sila Preston, magdala ka ng mga gamot niyo in case something happens. Magpahatid na lang kayo kay Manong Ben, don’t even think na ikaw ang magdadrive papunta doon.”

I knew it, kahit hindi na niya sabihin, alam kong yan ang sasabihin niya. “Yes mom, take care too. Say ‘hi’ to dad for me.”

“Take care! Bye bye na anak! Dumating na yung bisita namin.” Binaba naman na ni mommy ang tawag kaya pumasok na ulit ako sa kwarto ni Sophie.

“What the?” nagulat na lang ako na tumambad sa akin ang sandamakmak na damit ni Sophie sa higaan niya at sa sahig. Wala pang limang minuto na nawala ako pero anong nangyari? Bakit ganito? “Sophie..”

“Kuya, I think I’ll need another bag.” Sabi niya at nakita kong napa-facepalm si Jas sa tabi niya.

“Sophie, wag mong sasabihin na hindi kakasya lahat ng gamit mo sa maletang yun?” sabi ni Jas at tinuro ang higanteng luggage bag ni Sophie sa cabinet niya.

Tumango naman si Sophie at tumingin sa akin, “Do you have an extra bag kuya?”

“Sophie, halika. Tulungan na lang kitang ipagkasya yang mga gamit mo. And tanggalin mo na ang mga shorts mo sa mga damit mo kasi hindi mo rin naman magagamit yan kasi hindi ka papayagan.” Naupo naman si Jas sa kama ni Sophie at kumuha ng tshirt. “I suggest na magdala ka na lang ng tshirts, pjs, jackets, jogging pants and pants. Tshirt good for 5 days, magdala ka ng extra for the challenges and kung gusto mong magshower pag gabi. And I almost forgot, you can only wear your pjs at night. Hindi pwedeng naka-pjs ka pag session.”

HEY KID!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon