Kabanata 5
Sumakay naman na kaming lahat sa sasakyan at yung gamit namin ay nasa likuran na, at si Jas at Sophie ay naupo na sa likuran namin ni manong, ako naman sa passenger’s seat naupo. 3 hours lang naman ang biyahe kaya matulog muna ako saglit, yung dalawa sa likod mukhang nagkukwentuhan na naman tungkol sa camp na sinalihan ni Jas nung summer. “Manong, pakigising na lang po ako pag-stop over n para makakain tayong lahat.”
Kaya yun, matutulog muna ako. Medyo napuyat ako kagabi dahil sa paggawa ng bookmarks at pag-impake. Pati pala sa paghahanap ng bible namin, kailangan daw sa camp eh.
--
Naramdaman ko namang ginigising ako ni Sophie kaya nag-unat unat na ako. Tumingin naman ako sa labas at nasa parking lot na kami ng…Jollibee?
Tinignan ko naman si Sophie at nag-peace sign siya sa akin. “Guess what kuya, me and ate Jas are craving for Jollihotdog. Please?”
Tinignan ko naman si Jas at nginitian niya ako. “Let’s go!” sabi ko at bumaba na kami. “Manong tara na po. Sabay ka na sa amin.”
After namin maglunch ay nagpatuloy kami sa pagbyahe. Pero itong si Sophie, inunahan ako sa passenger’s seat. “Sophie, dun ka na sa likod.”
“Kuya, I wanna sleep for a while.” Sabi niya at medyo inaantok na nga. Tinaasan ko siya ng kilay at tinuro niya ang aircon. Ngiting-ngiti naman siya nang sinara ko na ang car door at pumasok na sa likod. Nakakatulog kasi si Sophie tuwing biyahe kung katapat niya ang aircon.
Naupo naman na ako sa tabi ni Jas kasi yun na lang ang pwede kong maupuan. Literal kasi na nasa backseat ang iba naming gamit, like pillows. Tapos andun kasi yung gitara ko, nakalimutan kong doon ko pala nilagay. “Opening na daw sa camp kuya. Pero pinaalam ko pong matatagalan tayo.” Sabi sa akin ni Jas.
Pinaalam na nga pala ni Jas na sasali kami ni Sophie sa camp, mabuti na yun para hindi na sila magtaka kung bakit sumali kami.
“Alam mo ba kung saan yung venue?” tanong ko.
“Hmm, sa Libag Sur yun kuya, sa may Tuguegarao City Training Center and Dormitory. Alam ko po kung saan yun.” tumango naman ako at nginitian siya. Nagring naman ang phone niya bigla kay sinagot niya naman yun, “Hello kuya? Bakit po?.....Opo, dito pa lang po kami sa Isabela….Pumasok po kami kanina kasi sa school kuya, may tinignan po kami….Haha, lol kuya. Hindi no, sige po…..Opo, siguro mamayang 2 kami makakarating…..Thank you po, bye!”
Kuya? “Kuya mo?” tanong ko.
“Ha? Hindi po, wala akong kuya. Isa siyang counselor sa camp, makikilala mo rin po.” sabi niya at may kung anong kinuha sa sling bag niya, earphones?
Inilagay niya naman yun sa tainga niya at tumingin sa labas. Sumandal naman na ako sa upuan at parang dinadalaw na naman ako ng antok.
“To see You high and lifted up
Shining in the light of Your glory”
Narinig ko ang mahinang pagkanta ni Jas at tinignan ko siya, nakapikit siya at nakita kong may nagagawang beat ang mga daliri niya, kahit yung paa niya parang may beat na nagagawa. Kinuha ko naman ang isang earpiece niya at pinakinggan ko ang music na pinapakinggan niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero inilipat niya naman ang earpiece niya sa kabila para hindi kami magkahilaan.
“Open the eyes of my heart Lord
Open the eyes of my heart, I want to see You”

BINABASA MO ANG
HEY KID!
Historia Corta(Preston Kyl Cortez side story) They said that she's too young for me, but the hell I care? All I know is that we are perfectly fine together. I'm happy when I'm with her; I'm glad I've met her; I may be crazy over her and God knows how much I love...