Chapter 3

1.7K 39 1
                                    

Chapter 3

“MAGKAKILALA NA KAYONG dalawa?” tanong ng Mommy ni Gab sa kanilang dalawa.

Imbis na sumagot ay hinila siya ni Gab paalis sa kwartong iyon at papunta sa labas kung saan sila p’wedeng mag-usap na silang dalawa lang. Nagpunta sila sa garden area ng bahay.

“Tell me honestly, ano’ng kinalaman mo sa arranged marriage na ‘to? Woah! Hindi ko alam na ‘di ka lang pala stalker, obsessed ka na pala--”

“Can you please cut it out?!” halatang inis na sinabi nito. “How many times do I have to tell you na hindi ako stalker mo? Wala akong kinalaman sa arranged marriage na ‘to. Tingin mo gugustuhin kitang pakasalan, eh puro pangbibintang na lang ang ginagawa mo sa’kin?”

“I can’t believe this! Noong una, hinalikan mo lang ako pagkatapos no’n lagi na kitang nakikita kung nasaan ako and now ikakasal ako sa’yo? What kind of fate is this?”

“Look, nagkataon lang ang lahat ng ‘yon, okay?”

“So, you mean na pinagsusundo talaga tayo ng tadhana? Is that you’re trying to say, huh?”

“Mukha ba’ng gusto ko ‘to? Ni wala nga akong gusto sa’yo!”

“Ouch! Ang harsh nun, ah!” sagot niya at nag-inarte pa na nasasaktan siya.

“Umupo ka na nga muna,” sabi nito sabay hila sa kanya sa isang upuan at pinaupo siya doon. Umupo na rin naman ito at tinabihan siya.

“P’wede huminga ka muna? Ayoko na makipagtalo sa’yo, eh. H’wag naman masyadong mainit ang ulo mo sa’kin, p’wede? Inhale, exhale.”

Sinundan niya lang ito at nag-inhale and exhale siya ng ilang ulit hanggang sa kumalma ang pakiramdam niya. She’s just so shocked sa mga nangyayari. Who would’ve thought na ang lalaki na umagaw ng first kiss niya sa graduation ball nila ay magiging kaklase niya pa sa college and now, nalaman niya na ito pala ang mapapangasawa niya. What freaked her out more is that ngayon niya lang nalaman na may arranged marriage pala na magaganap. Ni wala man lang siyang idea at kung hindi pa nadulas ang Mommy ni Gab ay hindi pa ito mababanggit sa kanya.

“Para naman makilala mo ako at hindi mo na ako pagbintangan ng stalker o magnanakaw, I’ll give you a brief background about me, I’m Gab Teppei. Mahilig ako sa music, more on rock at tumutugtog din ako ng gitara. Ugali ko lang talaga na maging tahimik lang. I am not a stalker. Mukha man akong gano’n para sa’yo pero hindi. Again, it was all a mistake,” pagkekwento nito. “Sa nalaman mo, wala rin akong alam do’n. Parehas tayong victims dito. Like you, ayoko rin naman ikasal sa taong hindi ko talagang kilala lalo na at may iba akong gusto.”

Bigla siyang na-intriga at na-curious lalo sa lalaking katabi. Now that she is talking to him, mukha namang okay ito kausap at mabait. Sadyang pangit lang ang naging impression nito sa kanya dahil pangit din ang unang pagmimeet nila.

“Sino naman ‘yung babaeng gusto mo?” may pagka-chismosa na tanong niya.

“My childhood friend, Mika. Mikaela Valdez.”

“You mean, that Mean Mika? Gusto mo siya?! Woah! Now it makes sense! So ibig sabihin, hindi ako ang ini-stalk mo kung hindi siya! Kaya pala nandoon ka din sa kung nasaan ako dahil lagi rin nando’n si Mika,” na-realize niya.

“Parang gano’n na nga pero hindi ako stalker nino man, okay?”

“Fine. I got your point. So ano na ang gagawin natin? You have someone you like and I have a boyfriend... well, wala pa kaming official closure ni Zeke so technically, he is still my boyfriend. Paano tayo niyan?”

“Dapat maipa-realize natin sa parents natin na may iba tayong mahal. Hindi naman nila tayo p’wedeng pilitin na magpakasal dahil lang sa negosyo nila. Kailangan niyo na mag-usap ni Zeke.”

Game of Love RetoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon