Chapter 5
SA LOCKER AREA ng school naabutan ni Jin si Zeke pagkapasok niya. He is waiting there for her at may dala-dala pa ito na bouquet of pink roses. Kagaya noong highschool pa lang sila, they are back as the “perfect couple” na kinaiinggitan ng iba.
“Hi, flowers for you,” he said with a wide smile at nang kunin iyon ni Jin ay nag-attempt ito na halikan siya pero agad rin niyang naiwasan.
“Thank you for this but Zeke, if you don’t mind, h’wag naman sana dito. Ang daming tao eh,”
“Jin, college na tayo! People won’t mind and care.”
Pilit na lang na ngumiti si Jin na parang tinatanggap niya ang sinabi nito but she is really uncomfortable sa ginagawa na public display of affection ni Zeke sa kanya. She really doesn’t think na she will ever get used to it.
Sa ‘di kalayuan, tahimik lang na nagmamasid si Mika sa pagiging sweet ni Zeke sa kanya. Hindi nito maiwasan na mainggit at magselos sa dalawa.
“Girl, kaya naman pala cold na sa’yo si Zeke, eh. Nagkabalikan na sila ni little miss perfect! Natalo ka na naman niya!” sabi ng kasama nito na bakla.
Lalo itong nainis sa sinabi ng kasama. Umiwas na siya ng tingin sa dalawa at tiningnan ng deretso ang kasama.
“You shut up! No! I will never lose in this game of love! Hindi ako papayag na maisahan ng babaeng ‘yan. No wonder why pinupush niya ako kay Gab dahil dinidiskartehan niya na si Zeke. Babawi ako and I’ll make sure na Zeke will be mine sa huli!”
Just then, may bigla siyang naalala at nakaisip siya ng plano para paghiwalayin ang dalawa...
PAGKAPASOK NI JIN sa classroom ay napansin niya kaagad na wala si Gab sa usual seat nito kaya nagtingin tingin ito sa loob but Gab is nowhere to be seen. Nasa’n kaya siya? May sakit?
Their class started at habang nagkaklase ay patuloy niyang naiisip kung bakit absent si Gab. Natapos na lang ang isang klase nila pero hindi pa rin ito dumadating. In the end, kinuha niya na lang ang phone niya para i-text ito.
Gab, where are you?
Pagka-send niya ng text ay inilapag niya na ang phone niya at tumungo. Every once in a while, tinitingnan niya ang phone niya to see kung nagreply na ba ito pero wala.
Hello? Uso magreply. Snob lang? :( Nasaan ka na?
Muli niyang inilapag ang phone niya sa desk at naghintay siya ng naghintay until nag-ring ang phone niya... meaning, may tumatawag sa kanya. Nagkukumahog pa siya na kunin ang phone just to discover na si Zeke ang tumatawag at hindi si Gab. Kitang-kita ang dissappointment sa mukha niya pero she tried to sound normal as she answered the phone.
“Hi! Sunduin kita after your class? Let’s hang out!”
“Sa’n naman tayo pupunta?”
“Anywhere. Do you have anything in mind? We can go there,”
“Wala naman in particular. Sure, I’ll see you after class.”
Jin hangs up at nang ibaba niya ang phone niya sa desk, tumungo siya at inuntog paulit ulit ang ulo sa desk. Obviously, gulong gulo siya. Zeke is her boyfriend pero si Gab ang nasa isip niya. For the last time, she checked her phone for a text pero wala pa rin.
Ano na bang nangyari sa’yo, Gab? Ba’t ‘di ka sumasagot?
SA LAST SUBJECT nila for the day, ibinigay na ang test papers nila at nagtaka siya sa 5 incorrect answers niya sa exam which is kung titingnan ay alam niya naman ang sagot. Bigla niya tuloy naalala ang deal nila ni Mika. Ipinakita niya kay Mika ang test paper niya.
BINABASA MO ANG
Game of Love Retold
Teen FictionGame of Love by aine_tan :) Rewritten based from Wattpad presents Game of Love on TV5.