Chapter 8

2.2K 45 2
                                    

Chapter 8


PAGKABUKAS NI JIN ng locker niya ay may nahulog doon na pink rose. Dinampot niya 'yon at binasa ang note na kasama noon. From this day on, araw araw na kitang liligawan. Love, Zeke. Dapat ay matuwa siya dahil doon pero she smiled sadly. For her, it would've been better if Gab is behind that rose. Why can't she get him out of her mind?

Pagkasara niya ng locker niya, she discovered Zeke na nasa likod niya.

"Zeke!" gulat niya nang makita ito. "Thanks for the flower," she said and smiled.

"Totoo 'yan?"

"Ang alin?"

"Na liligawan kita araw araw,"

"Zeke, you know you don't have to do that. Girlfriend mo naman na ako,"

"But I want to do that. Ngayon, I realized how much I really love you. Please allow me to do at least this for you. This will make me happy."

Tumango na lang siya. Alam niya naman na wala siyang magagawa sa gusto nito. It's not like ang gagawin nito ay makakasama sa kanya kaya hinayaan niya na lang ito. Inakbayan siya ni Zeke at sabay na naglakad papunta sa classroom niya. Ang hindi nila alam, there are two persons watching them. Si Mika sa isang corner na galit na galit at naiinggit sa kanila at si Gab na nasasaktan na makita silang ganoon pero walang magawa.

ON ANOTHER DAY, dumating si Jin sa room na wala pa ang teacher pero ang talagang nakaagaw ng pansin niya ay si Gab na nasa usual seat na nito... nakayuko at naka-earphones. For the past few days mula nang makapag-usap sila ay hindi na sila muling nag-usap nito. Palagi lang silang nagkakatinginan pero deadma. Just like now, nagkatinginan na naman sila pero walang nagsasalita o ngumingiti sa kanila.

I love you, Gab. I hope you still believe that. Gustong gusto niyang sabihin iyon kay Gab pero hindi p'wede... na maling-mali iyon kahit na alam naman nila sa sarili nila na mahal nila ang isa't isa and they can see that everytime na nagkakatinginan sila.

Agaw pansin ang pagpasok ni Mika sa classroom nila kasama ang friends nito dahil tumigil sila sa tapat ng pinto.

"Naka-post na sa labas ang mga dean's lister. And guess who's number one? Me," anunsiyo nito sabay tingin kay Jin na may halong pang-aasar. Halatang proud na proud ito sa nagawa.

Umupo na din ito sa usual seat at mas agaw pansin ang sunod na pumasok sa classroom nila. May isang lalaki na nakasuot ng santa claus costume at may dala-dalang malaking box of chocolates.

"Ho-ho-ho! Sana close is coming to town! Ho-ho-ho!" sigaw nito.

Nang marinig iyon ay ang unang pumasok sa isip ni Jin ay ang knock knock joke niya noon kay Gab. Hindi niya tuloy maiwasan na mapatingin dito pero naibalik ang tingin niya sa lalaking naka-santa claus costume nang i-abot nito sa kanya ang box of chocolates na dala nito.

"Jin Charel, a special gift for you from Zeke! Ho-ho-ho!" sabi nito sabay alis sa classroom nila.

Tuwang-tuwa ang mga kaklase niya at inaasar pa siya dahil sa sweet gesture na iyon. Nagsipaghingian pa ng chocolate ang mga ito except for Mika and Gab. Nginitian niya lang ang mga kaklase na kilig na kilig sa ginawa ni Zeke sa kanya habang si Gab, nakita niya na nagwalk out na lang sa classroom nila at sinundan niya lang ito ng tingin.

MATAPOS ANG KLASE ay agad na lumabas si Mika ng classroom nkasama ang mga kaibigan. Galit na galit siya mula sa nawitness a while ago. The girl na binibigyan ng box of chocolates kanina should've been her. Hindi niya matanggap na Jin and Zeke are back together again at siya itong napag-iiwanan, Jin should be the one na namamatay sa inggit ngayon and not her.

Game of Love RetoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon