"Uy,bhie hindi tayo sabay uuwi mamaya ah sorry." Sabi sa akin ng kaibigan kong si Crisha habang nag-aayos ako ng mga gamit ko dahil uwian na namin.
'Di ko alam kung bakit s'ya nag-aalala na hindi kami sabay uuwi.
'Siguro Best Friend mo s'ya?' sabi ng kabilang isip ko."Ano ka ba,oks lang" sabay ngiti rito at mahina s'yang tinapik sa balikat.
"May date kasi kami ni Jasper mamaya eh. 3rd monthsarry namen" at ibinulong lang sa akin ang huling sinabi nito na ikinatawa ko nang bahagya.
"Ano bang pake nila?" natatawang tanong ko rito.
"Sorry na" at napalabi pa ito at peace sign.
"Baliw"
"Ka rin. Duhhh we're besties,bij" at inikot pa nito ang mga eyeballs n'ya na s'ya ring ginawa ko."Pero sorry talaga ah." ulit pa nito.
"Oo nga" sabi ko rito na parang napipika na ako. Pero alam naman n'ya na pabiro lang yun.
Sabay na kaming lumabas sa room at agad din nagkahiwalay dahil naghihintay na pala si Jasper sa kan'ya kanina pa.
"3B's" paalam pa namin sa isa't-isa.
Ba-Bye,Bij.Bumaba ako sa kabilang hagdanan para agad akong makapunta sa canteen.
Nagugutom ako eh.
Ayaw ko naman na mangayayat ako.
Yes,I'm fat.
70 lbs.
36 waistline.
But, I'm lucky because no one bully me. Like,bully me so bad. They make names to me but I know that they are only joking. That's why I just ride them everytime.Oras na rin.
5pm na kaya konti na lang ang mga estudyante.
Potek kasi,porket nagharutan lang kami ni Crisha kanina agad-agad kaming dalawa na ang piniglinis ng room.Mula dito sa kinatatayuan ko ay may namamataan akong isang lalaki na.... Umiiyak?
Nasa may hagdan ito ng gate kaya agad ko na lang itong nilapitan.
Malamang hindi n'ya naramdaman ang paglapit ko sa kan'ya dahil hindi n'ya ako nilingon.Agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at inamoy muna ito.
Mabango pa naman.
Hindi ko naman din 'to ginamit kanina."Uhmmm.Hi" bati ko dito at tiningala ako nito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang kagwapuhan nito!
'Di ko naman inaasahan na ganito ito kagwapo!
Nahihiya man at nagdadalawang-isip ay inabot ko na sa kan'ya ang panyo at kinuha naman n'ya ito.
Napahawak ako sa dibdib ko nang ipunas na n'ya ito sa mga napaka-ganda nitong mga brown na mata.
Maputi s'ya.
Maganda ang pagkakatangos ng ilong.
Alam ko na natural ang reddish lips n'ya.
Para s'yang half-Korean at half-American!Tumayo ito humarap sa akin na sumisinghot-singhot pa.
Ba't ang gwapo n'ya! Tulong!"Thank you nga pala ah." pasasalamit nito sa akin.
Putek,gwapo rin ng boses!
"Ahh,walang ano man." ngiti ko rito na s'yang dahilan para mas lalong lumabas ang mga matataba kong pisngi.
'Di ko alam bakit ito napatawa.
"Cute mo naman" at pinisil pa ang kaliwa kong matabang pisngi na s'yang dahilan para makaramdam ako ng iba sa aking t'yan.
"Gutom lang yan, Alice" sabi ko sa sarili ko."I'm Chasley. Chasley Smith" pakilala nito sa akin sabay abot ng kamay nito.
Pangalan palang nakaka-inlove na.
"Uhm,Alice. Alice Blossom Bautista" pagtanggap ko malambot nitong kamay.Ngumiti naman ito na s'yang naging dahilan para parang nawala ang mga mata nito.
Ang cute at g'wapo n'ya talaga!
Ganoon na lang din ang ginawa ko.
Pero para lang akong naging masayang baboy.Mula noon ay naging magkaibigan na kami ni Chasley.
Tama nga ako,hindi s'ya pure Filipino.
American tatay n'ya at Filipina naman ang nanay n'ya.
Mas pinili n'ya rito sa Pilipinas,di na n'ya lang sinabi kung bakit.
4 months na ang pagkakaibigan namin.
Tinatawag n'ya akong BB.
Short-term for Biggy Bestie
Tawag ko naman sa kan'ya is PP.
Pa-iyak Po.
Corny,right? We don't care HAHAHA.
Madalas n'ya akong bigyan ng chocolates at pagkain.
Para raw 'di ako pumayat amp."Uy bhie, Valentine's na bukas" paalala sa akin ni Crisha,nandito kami ngayon sa kanila.
"So?" taas-kilay na tanong ko rito.
Inikot muna nito ang mga mata n'ya bago sumagot.
"Duh, sabihin mo na sa kanya" taas-kilay din nitong sagot sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Matagal ko nang inamin kay Crisha na hindi na lang bilang kaibigan ang nararamdaman ko kay Chasley.
"Malabo n'ya akong magustuhan. Natatakot ako na baka sa pag-amin ko ay masira pa ang pagka-kaibigan namin. Ramdam ko naman na kapatid lang ang turing n'ya sa akin." sabi ko walang pag-asa tinig.
"Sumugal ka na,kesa sa nahihirapan ka" sinserong sabi sa akin ni Crisha.
Napabuntong-hininga na lang ako ulit.
"So,ano? saka malay mo di'ba? Gusto ka rin n'ya at nahihiya lang s'ya"
"Edi auto double date na yun bukas" pagpapalakas-loob sa akin ni Crisha.
Ngumiti na lang ako.
Oo na sige na, aamin na ako.
At kapag gusto n'ya rin pala ako ay mangangako na hindi ko s'ya paluluhain tulad ng pagpapaluha sa kan'ya ng ex n'ya nung unang araw na makita ko s'ya."Good luck,bhie!" hagikgik na sabi sa akin nitong si Crisha.
Papasok na kami sa school. Valentine's na.
Walang school works ngayon. Pure saya lang daw. Bait ng principal namin no?
"Kinakabahan nga ako eh,sobra" balisang sabi ko rito.
"Kaya yarn!" at niyakap pa ako nito.
"Hatid lang kita sa building nila ah. Magkikita na kasi kami ni Jasper eh" dagdag pa nito habang naka-ngiti.
"Oum sige,salamat" ngiti ko rin dito kahit na parang sasabog na ang puso ko sa kaba.Nakarating na kami sa building nina Chasley.
"Good luck" sabi ulit sa akin ni Crisha saka ako nito niyakap.
Umalis na si Crisha at nandito pa rin ako sa labas ng building nila Chasley.
Huminga muna ako nang malalim.
"Kaya mo yan, Alice!" pagpapalakas-loob ko sa sarili ko saka na ako pumasok sa building.
Malaki ang mga ngiti ko sa pagpasok sa loob hanggang sa pag-akyat ko 3rd floor kung saan ang room nina Chasley.Akmang papasok na ako sa loob nang may makita ang mga mata ko.
Unti-unting naglandas ang mga luha ko sa nakita ko.
S-si Chasley at ang ex n'ya....
Naghahalikan....Originally wrote: 02-03-21
BINABASA MO ANG
Mini Spells (My Collection of one shots and poetries)
Teen FictionMy one shots and poetries are here. This book (?) have a different genres. Please, bare with the lameness hehe. Even my stories that I wrote a long time ago will be here. Expect some typos and errors since I'm just a beginner. Some of them are raw...