BEHIND THE FACE MASK

6 1 0
                                    

I was busy scrolling on my fb account 'cuz wala lang.
Alaws me ka-chat, alaws lahat.
Haha roon,haha rito.
Share roon,share rito.
Gan'to lang ata ambag ko.
Sana pasweldo rin si epbi ket papano.

*Tutut

Ring at vibrate ng cp ko.
May nag-text.

Pinindot ko ito at binasa.

"Clide uwi ka muna rito." text ng isang tita ko.
Kapatid ng papa ko. Nasa bahay s'ya ng mama nila which is lola namen.
Mag-e-explain ako 'cuz y nut?
Kung ayaw mong mabasa 'to edi don't char.
Galing ako sa broken family.
Dito ako lumaki kay lola na mama ng mama ko.
Si mama wala,nagta-trabaho.
At every sunday lang nauwi.
Drama no?

Anyways, nag-reply na lang ako.

"Bakit po tita?" text back ko rito.
Bleh may load ako. 'Cuz alaws us wifi huhu.
Edi sanawol may waypay.

"Tulungan mo lang kami. Hindi ko kasi masagot modules ng pinsan mo. Wala akong time. Saka bukas na darating yung mga package galing kay tito mo." pagkabasa ko sa huli ay agad akong napatayo---

Sandale,bigla akong nahilo at nandilim saglit paningin ko kasi walang pagtingin sa akin krass ko char.

"Sige po tita" text back ko ulit. Owyeah.

Nagpaalam muna ako kay lola.
"Lola uwi muna ako kina tita ah" paalam ko rito.
"Kailan apo?" tanong ni lola.
"Ngayon na po,handa ko lang po mga gamit ko" sagot ko.
"Osya sige" ngiti ni lola at niyakap ko ito.

Nag-ayos na ako.
Naligo,nag-ayos ng mga dadalhin na gamit and churvaness.

Sinuot ko na ang face mask ko at nilagay ko muna sa ulo ang face shield ko.

"Lola alis na muna po ako"  paalam ko ulit kay lola.

"Sige apo,ingat" sabi ni lola at binaba ko muna  ang face mask ko para halikan s'ya sa pisnge.
"Sige po,salamat po" sabi ko at umalis na ako.

Sumakay ako nang tricycle at nagpahatid sa sakayan.

Swerte ko dahil pagrating ko sa sakayan ay sakto naman na may darating na jeep.
Sumakay na ako rito kasabay ng tatlong nauna sa akin.

Maya-maya pa ay may sumakay na lalaki---wait, SUPER DUPER MEGA ULTRA BONGGANG GWAPO NA LALAKI I MUST ADMIT!

Naka-taas ang face shield nito sa ulo n'ya kaya face mask lang ang naka-suot sa mukha n'ya.

At dahil nga naka-face mask ay....
Shems! Naka-highlight ang makakapal nitong magagandang kilay! Matangos na ulo---rawr rawr rawr!
At owemjiiiii!!!
That super brown eyes! Na gumanda dahil sa perfect din n'yang mga eyelids.
And wait! Maputi at makinis din s'ya!
And last, sanawol clear skin.

Sa harap ko s'ya umupo.
Kalma selp wag you maharot.
Nakita ko ang name tag n'ya.
'Di ko alam saan s'ya nagta-trabaho pero feel ko 19 years old na s'ya.
18 na ako so pwede na kame.

"Fleece, W." basa ko sa pangalan n'ya gamit ang isip ko.
Buti na lang at napigilan kong tumawa.
Tupa naman kase ba't ganyan name n'ya?!
Pero oks lang naman kasi wafu naman siya harhar.

"Bayad po" Rinig kong sabi nito.
Myghasshh!!! why so gwapo ng boses n'ya?!
"Mezhipo ho" sabi pa nito na kinanuot ng ulo ko pati na rin ng konduktor.
"ha?" tanong ng konduktor.
"Mezhipo po" ket ako 'di ko maintindihan wengya.
"Saan?" medyo salubong na ang kilay ni kuyang panot---este konduktor.

Parang bumagal ang lahat dahil hinawakan nito ang face mask n'ya sa taas.
Owemji bababa n'ya ba ito?!
Bakit na-e-excite ako at bumibilis ang tibok ng puso ko?!
Ayan na mygasshh!!
Hinila na nito ang face mask n'ya!
Suta ang gwapo n'ya!!!

"Mexi---" 'di na n'ya natuloy ang ibang sasabihin n'ya dahil muntik nang malaglag ang pustiso nito----
Wait?!
Tupaaaa?!!!!

Originally wrote: Jan 24,2020

Mini Spells (My Collection of one shots and poetries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon