"CHESS""Ok,class alam naman natin na next week na ang sport's day." sabi ni Ma'am Blythe na adviser namin sa harapan ng klase.
Uwian na talaga pero need daw 'to i-annouce.
Saka s'ya yung last sub namin ngayon kaya kumuha s'ya ng 20 minutes sa klase n'ya. Kaya keri lang."Wala pa kasi tayong representatives every sport. So, ngayon ko kayo tatanungin para malista ko na ang gustong lumaban every sport" tuloy nito at tumango kami.
Lahat kami ay seryosong nakikinig."So, sa badminton sino ang mga gustong sumali?" tanong ni ma'am at 5 sa mga kaklase ko ang nagtaas.
"Sa volleyball?" at 6 naman sa mga kaklase ko ang nagtaas.
Pito sa mga kaklasi kong lalaki ang sumali sa basketball.
Running, javelin throw, tennis at soccer. Lahat ng sports ay may nag-represent sa amin."Hoy, ba't 'di kita nakita nagtaas ng kamay sa mga sports na sinabi?" siko sa akin ng kaibigan kong si Clide na ngayon ay katabi ko.
"Ewan, hindi naman ako physical ang sport ko" sagot ko naman at tumango-tango ito."Kaya mo naman mag-volleyball ah?"
"Kaya ko lang pero 'di ako pro"
"Buti pa ikaw marunong mag-badminton" dagdag ko pa rito at nagkibit-balikat lang ito."So,wala kang sasalihan?" tanong pa nito.
"Meron,susunod nang sasabihin ni ma'am""Anyone sa chess?" tanong ni ma'am kaya naman tinaas ko ang kamay ko.
"Sige,Letizia thank you" at nilista na ni ma'am ang pangalan ko.
"Buti alam mo na chess na ang susunod na sasabihin?" takang tanong sa akin ni Clide pagharap ko rito.
"Sinilip ko yung papel kanina. Nasa table lang naman ni ma'am 'yon eh" sagot ko rito.
"Akala ko nga walang chess pero nasa hulihan pala" dagdag ko pa.
"Turuan mo ako susunod ah" sabi na lang sa akin ni Clide at tumango naman ako.*After one week
"EVERYONE, good luck bukas!" Masiglang sabi ni ma'am Blythe sa amin ngayon.
"Opo ma'am!" sagot namin lahat at inayos na ang mga kanya-kanya naming mga gamit para umuwi."Owemji kinakabahan ako bukas" agad na sabi sa akin ni Clide nang makalapit ito sa akin kaya naman inikot ko ang mga mata ko.
"Tsk, magaling ka sa Badminton tas kakabahan ka?" taas-kilay na sabi ko rito.
"Gaga,iba pa rin 'pag actual na laban na" at binatukan ako nito kaya naman hinila ko ang buhok n'ya at ngumisi lang ito.
"Pero good luck bukas" sabi nito.
"Oum thanks, ikaw din" ngiti ko rito."Ayy oo nga pala gaga may chika ako" at bigla ako nitong hinampas sa balikat kaya napaigtad ako.
Hinampas ko rin ito sa balikat.
"Gaga medyo masakit ah" sabi ko habang hawak ko ang balikat ko.
"Zombie apologize" at nag-peace sign pa ito.
"So, ito nga" tuloy nito.
"Ano ba 'yon?" medyo iritang sabi ko.
"Gagsi, si Krenzler chess din ang sport n'ya. Lagot ka" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Uy gags,legit?" 'di makapaniwalang tanong ko rito.
"Oo hayp ka"
"Luh,anong gagawin ko?" medyo kinakabahan kong sabi rito.
"Oy,gaga medyo oa ah" kaya naman sinamaan ko ito ng tingin at ngumisi lang ang loka-loka.
"Crush mo lang naman s'ya eh" dagdag pa nito.
"Eh ano naman?" mataray ko na sabi rito.
"Edi if naging kalaban mo s'ya labanin mo lang. Papatalo ka ba?" taas-kilay na sabi nito sa akin."Gagi,pwedi yon?"
"Ang alin?" tanong nito.
"Na kalabanin mo asawa mo?" kaya naman mabilis ako nitong binatukan.
"Oy nakakarami ka na ah" masamang tingin ko rito.
"Eh sa baliw ka eh" sagot naman nito.
"Uwi na tayo gaga" yaya ko rito at umuwi na nga kami.
"OK,CLASS goodluck! Laban Section Rose!" masiglang sabi ni ma'am Blythe at naghiyawan kami.
Pumunta muna kami sa court para pormal na simulan ang event.
Nag-announce at nag-remind muna si ma'am Principal sa amin bago sinabi ang "Enjoy this sport's day!" at kanya-kanya na kaming punta sa mga sports section namin.Agad na naging erotiko ang pagtibok ng puso ko nang makita ko si Krenzler sa loob ng room kung saan kami maglalaban-laban kaming mga chess players.
Bastos 'tong asawa ko hindi ako tinapunan ng tingin.
'Nasa dulo s'ya malamang' sermon ng utak ko.
Buti na lang at nakaupo ako malapit sa kan'ya.Nag-start muna ng prayer and then some announcements about sa set-up then binigyan na kami ng mga kalaban.
Sa unang laban ko ay kapwa ko grade 10 ang kalaban ko at nanalo ako rito.
Sa pangalawang laban ko rin ay ako ang nanalo."Congrats,Letizia. Ngayon ang makakalaban mo ay si Krenzler" biglang naging mabilis ang tibok ng puso ko at may naramdaman akong kung ano sa tiyan ko.
'Gutom lang 'yan' kontra ng utak ko.Umupo na kami sa isang table at imbes na pagkain ang kaharap namin ay chess board. Potek anong klaseng date 'to?
"I'm Krenzler" nakakatunaw ang ngiti nito habang iniaabot nito ang kamay n'ya.
"Alam ko""Huh?"
"I mean, I'm Letizia." ewan kung mukha na akong aso sa ngiti ko.
Iniabot ko naman ang kamay nito para makipag-shake hands.
And the moment na nahawakan ko ang kamay n'ya ay may naramdaman ako na kuryente na s'yang kinamatay ko. Syempre kuryente 'yon sinong 'di mamamatay char.Inumpisahan na namin ang laban.
Ako ang unang nag-move.
Makalipas lang ang ilang sandali ay ako ang unang nakakain---wait ulit. Pangit pakinggan.
Nabawasan ko ang nga piyesa nito at bishop ang nakuha ko sa kan'ya.Buti na lang at may dala akong panyo.
Maya-maya ang punas ko sa pawis ko na malamig dahil sa kaba.
Ikaw ba naman kalabanin mo future asawa mo."Congrats" halos 20 minutes din ang naging labanan namin at buti na lang at ako ang nanalo.
"Thank you!" matamis na ngiting sabi ko rito.
"You're so adorable" sabi nito dahilan para mag-init ang mga pisngi ko.
"T-thank you ulit""Can you please look at the chess board?" sabi nito at tinignan ko naman ang chess board na ginamit namin.
Magulo pa rin at hindi pa namin iyon inaayos."Anong pinangkain mo sa hari ko?"
"H-ha?" umangat ang tingin ko rito, parang nabingi ako sa daretsong tanong nito at napatawa lang ang loko.
"Sabi ko,anong pinangtapos mo sa akin?"
"A-ang queen ko" sagot ko rito.
"Paki tignan nga ang posibleng kainin ng ALAGA kong horse" medyo diniinan nito ang pagsabi sa salitang alaga.
Tinignan ko naman ang knight nito at biglang nanlaki ang mga mata ko at lalong uminit ang mga pisngi ko.
"A-ang Q-queen ko" mahinang usal ko pero sapat na para marinig n'ya.
Agad ko itong tinignan ang ngingisi-ngisi lang ang loko.WAAAAAHHHH!!! MAMA MAY APO KA NAAA!!! TRIPLETS AGAD!!!
Originally wrote: 02•22•21
VOTE IF YOU LIKE IT!
BINABASA MO ANG
Mini Spells (My Collection of one shots and poetries)
Teen FictionMy one shots and poetries are here. This book (?) have a different genres. Please, bare with the lameness hehe. Even my stories that I wrote a long time ago will be here. Expect some typos and errors since I'm just a beginner. Some of them are raw...