"Omg sisz ang ganda nung my day mo!" rinig kong sabi ng kaklase namin na si Ali kay Selene.
Naka-upo ako at nasa harapan ko sila.
Hinihintay lang namin na dumating ang next teacher namin.
"Thanks" medyo malditang tugon nitong si Selene.
"Sanaol may jowa" naka-ngusong sabi tuloy ni Ali at ngumisi lang si Selene.Dala na rin ng curiosity ko ay tinignan ko ang 'my day' na sinasabi ni Ali.
Di talaga ako pala-gamit ng facebook kaya wala akong alam dito.
I have my own business---a secret business.
Binuksan ko ang fb account ko at tinignan ang story?
Ba't 'story' nakalagay at hindi 'my day' ?' takang tanong ko sa sarili ko.
Basta pinindot ko na lang ang pangalan ni Selene at nakita ko s'ya at ang boyfriend nya na nagde-date.
Binasa ko ang caption at ang sabi "I own his heart""Ba't kailangan mo pang ipakita sa iba na kasama mo ang boyfriend mo?" biglang sabi ko na dahilan para tumingin sa akin ang mag-kaibigan.
Maging ako ay nagulat din kaya napayuko na lang ako." It's none of your business,Karen" Mataray na boses ni Selene ang narinig ko.
"So,shut up" tuloy naman ni Ali.
"Akin yon, kaya nga "my day" diba?" sabi pa ni Selene
" 'My day' ok? 'My day' not 'Your Day' " diin pa na dagdag nito.
"Sorry" mahinang sambit ko na lang.
"May jowa ka rin di'ba? Ba't di ka gumaya?" mataray na tanong naman ni Ali.
"Oh, guess Jr. doesn't really love you" sabi ni Selene sabay ngisi at doon na ako nag-angat ng tingin
"Hindi totoo yan,M-mahal nya ako" Depensa ko.
"Ok fine sabi mo eh" sabi ni Ali at inikot nito ang mga mata n'ya.
"Pwede bang magtanong?" pag-iiba ko na lang.
"Tsk,fine,ano yon?" taas-kilay na tanong sa akin ni Selene.
"You will entertain her?" tanong bigla ni Ali kay Selene.
"Minsan lang naman ako makipag-usap sa 'weird' so,why not?" diniinan ni Selene ang pagkaka-sabi n'ya sa 'Weird'.
"Paano mag my day?" tanong ko na lang.
At in-explain nila sa akin kung paano nga."You can post anything in there" huling sabi na lang ni Selene at nagsimula na ulit ang klase namin.
'Oh, guess Jr. doesn't really love you' naalala ko ulit ang sinabi ni Selene kaya piniling ko na lang ang aking ulo.
Uwian na namin at nandito ako sa cafeteria at hinihintay si Jr.
'Di ko alam bakit gusto nya na dito ko lang sya hintayin at wag na wag ko syang puntahan sa room nila.40 minutes na akong naghihintay.
'Normally, 10-15 minutes lang ako naghihintay ah?' tanong ko sa sarili ko.
Mabilis na ang tibok ng puso ko kaya magalit man s'ya sa akin ay pupuntahan ko na lang sya.Habang palapit ako nang palapit sa building nila ay pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko.
Pero bago pa man ako pumasok sa building ay pumunta muna ako sa banyo dahil naiihi na ako.
Pumasok na ako sa cubicle at umihi.
Nang natapos ako ay may bigla akong narinig.
"Oh,Jr" ungol ng isang babae sa kabilang cubicle.
Dinikit ko ang tenga ko sa harang para alamin kung tama ako.
At hindi ako nagkamali!
May mga tao sa kabilang cubicle!
Rinig na rinig ko ang pagsasama ng mga labi nila.
"Ahh,Jr" rinig ko ulit sa babae---
Teka,anong sabi n'ya?Biglang naging mabilis ang pagtibok ng puso ko.
'Sana mali ako' ulit-ulit na sabi ko sa sarili ko.Sumampa ako sa cubicle para silipin mula sa itaas ang mga naghahalikan.
Parang piniga ang puso ko sa nakita ko....
S-si Jr na boyfriend ko ay may kahalikang ibang babae...
I-I know this girl....
She is one of the famous girls in our school.... Bianca.
Dama ko ang mga luhang lumalandas sa mga pisngi ko.
Dahan-dahan akong bumaba sa cubicle at tahimik na lumabas sa cr habang umiiyak at takip-takip ang bibig ko gamit ang kamay ko.Well, Jr,honey.
You played with a wrong girl.Pag-uwi ko sa bahay ay walang tao. Swerte.
Agad kong tinawagan si Jr sa cp.
Makalipas ang ilang ring ay sinagot na n'ya ito."Hello,love" sabi ko.
"Yes,love?" sagot nito sa kabilang linya.
"Uhm, pwede mo ba akong puntahan?"
"Kailan?"
"Ngayon na sana"
"Just give me 15 minutes"
"Diretso ka na lang sa kwarto ko,wala naman si Mama."
"Sige"
"Sige ingat, Love you"
"I love you too" at binaba ko na ang telepono."You said you love me. Sabi mo sa akin lang ang puso mo..." kausap ko sa sarili ko.
10 minuto ang nakalipas ay tumawag ulit si Jr at agad ko naman itong sinagot.
"Love,ano palang gagawin natin?" nahimigan ko ang excitement sa boses nito.
I silently chuckled.
"Uhm, help me. Saka gusto kong mag-picture tayo. Pang-my day lang" sagot ko rito.
"Ow, sige malapit na ako"
"Tuloy ka na lang sa kwarto ah" paalala ko ulit dito.
"Oum" sagot nito at binaba ko na ulit ang telepono.Maya-maya pa ay may naririnig na akong yabag ng mga paa.
Agad na akong nagtago sa likod ng pinto ko.
3...
2...
1...Bumakas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Jr.
Agad kong hinataw sa kanya ang baseball bat na hawak ko na s'yang dahilan para matumba s'ya sa sahig at mawalan s'ya ng malay.
I smiled like a crazy.Hinila ko s'ya sa paa at papunta kami sa likod ng bahay namin.
May bodega kami at sa bodega namin ay may kwarto sa ilalim.
Doon ko s'ya dinala.
Kung saan ko rin dinala ang ama ko noon.Binuksan ko ang ilaw doon at saka ko s'ya tinali sa isang upuan.
I don't want to make it longer.
I just want to get what he promised to me.
His heart.
I opened his chest using my sharp knife and take his still beating heart.
"Still beating for me.... How sweet..." I said and smiled like a demon.Nilabas ko ang phone ko at kumuha ng litrato.
"Ka-my day,my day" I said happily.
Pumunta ako sa fb at ni-my day ko nga ito.
Sabi nga rin ni Selene "You can post anything in there"
At nilagay ko na caption dito is " I own his heart".
Ano ang litrato?
Ako hawak ang puso n'ya habang s'ya ay nasa likod ko na walang buhay at duguan.I told yah guys that I have my own business, and this is it.
Being a psycho.Originally wrote: Jan 20,2021
BINABASA MO ANG
Mini Spells (My Collection of one shots and poetries)
Fiksi RemajaMy one shots and poetries are here. This book (?) have a different genres. Please, bare with the lameness hehe. Even my stories that I wrote a long time ago will be here. Expect some typos and errors since I'm just a beginner. Some of them are raw...