Chapter 05:

110 10 3
                                    


Autumn's POV:

Pagpasok ko pa lang sa canteen yung iba ay nakatingin sa akin pero wala akong pakealam. Dumeretso kami sa counter para bumili ng pagkain at ng makapili ay naghanap na kami ng pwedeng puwestuhan.

Saktong pag-upo ko ayy dumating si kupal."Hi Autumn hehe sorry na-late, uyy naghintay ka ba Autumn? Sorry ahh," sabi ni kupal.

"Ano daw? Ako hihintayin siya? Kapal talaga ng mukha ng kupal na toh!" Sabi ko sa isip ko. "Bat naman kita hihintayin? Kahit di ka dumating dito ayos na ayos lang sa akin," sabi ko sa kaniya.

Pero sabay lang silang natawa ni Louis sa sinabi ko. Mga siraulo tsk!

"Pre, anu kaba binabati ka lang naman ni Winter," agad na sabi ni Louis ng makaalis si kupal para bumili ng pagkain niya.

"Tsk! Bati? Ehh sa tuwing makikita ko yan napapamura na lang talaga ako at nababadtrip sa pagmumukha niya!" Sagot ko kay Louis.

"Uyy, pre marinig ka," sabi ni Louis.

"Edi maganda!" Sabi ko sa kaniya. "Para iwasan niya na ako at hindi na nasisira ang araw ko," inis na sabi ko.

"Mukhang malabo pre," medyo nanghihinayang na sagot ni Louis.

"Bakit naman?" Agarang tanong ko sa kaniya.

"Ehh mas maliwanag pa sa mata ni Winter ang nararamdaman niya sayo HAHAHAHA," natatawang asar niya.

"Abnoy!" Sagot ko sa kaniya.

Kumakain na kami ng makabalik si Winter sa lamesa namin at nagsimula na rin siyang kumain. Nasa kalagitnaan na kami nang bigla siyang magsalita.

"Ay muntik ko ng makalimutan," masiglang sabi niya pero si Louis lang ang tumingin sa kaniya.

"Pakealam ko jan kung may makalimutan pa siya," sabi ko sa isip ko.

"Autumn para sayo nga pala," nakangiting sabi niya at sabay abot ng supot.

"Uy, ano yan?" Tanong agad ni Louis. "Bukayo! Marasap toh, penge ako ahh hehe..." sabi pa ni Louis saka kumuha ng isang balot ng bukayo at tinikman ito. "Grabe, saktong-sakto lang yung lasa hindi nakakasuya at ansarap," halata nga sa itsura niya na marap ito.

"Iyo na," sabi ko kaniya. "Iyo ng lahat," walang ganang dagdag ko.

"Huh? Pero para sayo yan," sabat ni Winter. "Ginawa ko pa yan para sayo," dagdag niya.

Tinitigan ko siya. "Sino bang may sabi na gawan mo ako," biglang tugon ko." Ehh sa ayoko nga niyan," iritableng sabi ko pa.

"Naku ayos lang," masaya nyang tugon. "Sa susunod yung gusto mo na lang ang gagawin ko para tanggapin mo," masigla niyang tugon.

Kahit anong gawin niya sa tuwing nakikita ko siya nababadtrip ako, sa mga pinaggagagawa niya sa lahat mapapamura na lang ako bigla.

P*t*ng*n* lang diba? Mapapamura ka talaga.

Tapos na kaming kumain at naglalakad na pabalik sa classroom pero si kupal binibida pa din kung pa'no niya ginawa yung bukayo.

"Dapat kasi meron ka nung kinayod na niyog mas maganda kung hindi mo pipigain yung guta at dapat meron ka din nung tagapulot yung gawa sa tubo(sugar cain, tapos isasangkutya mo yon," masayang pagpapaliwanag ni kupal pero si Louis lang ang nagtiya-tiyagang makinig sa kaniya. "At pagkatapos mong lusawin yung tagapulot ilalagay mo na yung kinayod na niyog at hahalyin mo dapat hindi masunog para masarap," masayang kwento niya pa.

When I Hate Her The Most: Autumn Alexander Conan( Heartbeats in Season #01) Where stories live. Discover now