Chapter 55:

63 4 3
                                    

Autumn's POV:

"Your here," nasambit ko sa aking isipin.

"Alex!" sambit nang babaeng nasa harapan ko ngayon at walang ano ano ay bigla na lang nya akong niyakap.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon dahil sa sinambit nyang iyon. Ngayon ko na lang muli nadinig ang boses nya na binanggit ang pangalan ko kung paano nya ito tawagin at aaminin kong nangulila ako doon.

Dumating na ang araw na kung dati ay sabik kong inaantay. Eto ang araw na matagal kong pinakahihintay. Narito na syang muli sa aking harapan. Ngunit hindi ko alam kung ano ba ang magiging sambit ko dahil hindi ko 'to inaasahan.

"Bakit ngayon pa?" pagtatanong ko sa aking sarili at eto pa din sya ay nakayakap sa akin.

"Alex I'm back," sambit na namang nyang muli at ramdam ko ang kanyang pagngiti. Mga ngiti nyang minsang kong hinangaan at pinangarap na araw araw makita.

Halos ilang taon ang inantay ko para lamang sa araw na ito pero bakit ngayon ay Hindi ko napaghandaan na mangyayare ito

"Pero bakit ngayon pa" pagtatanong ko sa aking sarili.

"Oliv" banggit ko sa pangalan nya.

Tumitig sya sa akin at nginitian ako.

"Nakabalik kana," hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong masabi nakakabigla. Talagang nakakagulat.

Kung dati ito ang arw na bawat gabi kong ipinagdarasal pero bakit ngayon hindi man lang ako mahanapan ng kahit na anong tuwa. Hindi ko maunawaan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Yes I'm really back," nakangiti nyang sagot sa akin napakalawak ng ngiti nya samantalang ako eto walang mababakas na emosyon. "I know na nagulat ka but I am here na Alex. Pwede na nating ipagpatuloy yung relasyon natin dati," sagot nya pang dagdag.

"Gising kana pala Alex," pagsasalita naman ni mommy sa likuran namin kaya napatingin ako doon at hindi na nagsalita pa. "Hi Olivia. It's been a while, How are you?" pagtatanong naman ni mommy kay Oliv at ngayon ay nakaupo na kami sa sofa habang si mommy ay nasa harapan namin eto namang si Olivia ay nakakawit ang kamay sa aking braso.

Gusto ko mang alisin ang pagkakahawak nya at tanungin sya ng kung ano ano pero I don't to be sound offendable.

"I am fine tita. Ikaw po kumusta na?" pagtatanong Naman ni Olivia sa kanya. "You look young tita ahh mas bumababa ka," dagdag nya namang sabi kaya napatawa na lang ang mommy ko.

"Kailan ka pa nakabalik?" pagtatanong naman ni mommy ako eto tahimik at nakikinig lang sa pag-uusap nila.

"Hmm kanina kang tita. Napadaan lang ako dito para kay Alex," sagot naman nya saka tumingin pa sa akin nakikita ko na nakangiti sya sa akin pero ako eto at nakatingin lang kay mommy.

"Si Olivia ang kasama ko pero si Winter ang laman ng isip ko,"

Hinayaan ko lang sila na magkwentuhan at kung minsan ay nagsasalita ako pag kanila akong tinatanong.

Hindi na rin sya gaano pang nagtagal dito sinabi nya na gusto lang talaga nya akong makita. Masyadong mabilis ang araw na ito pero eto ako at tulala pa din sa kisame ng aking silid.

Natapos na ang buong araw, ngayon ay gabi na pero qala pa ring nagsi sink in sa utak ko.

Tumunog ang cellphone ko pero hinayaan ko lang iyon. Ngunit paulit- ulit lang kaya napatingin ako dito. Tinignan ko kung kanino galing ang mensahe.

~One new message receive~

From: Winter Elizabeth

~Hi Autumn, Good evening kumusta ka? Sana nakakain ka nang tama at nakapagpahinga na din. Nag message lang ako para sabihing matutulog na ako. Good night Autumn iloveyou,~

When I Hate Her The Most: Autumn Alexander Conan( Heartbeats in Season #01) Where stories live. Discover now