Chapter 51

53 3 1
                                    

Autumn's POV:

Maaga pa rin akong nagising dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa labas na at ito ay tumatama sa aking mata kaya naalimpungatan ako.

Iminulat ko ang isa sa mga mata ko dahil medyo inaantok pa ako siguro dahil na rin sa late na akong natulog kanina.

"Salamat sa panibagong umaga," sa isip isip ko.

Kinapa ko muna ang cellphone ko sa side table ko at tinignan ang oras masyado pang maaga ang gising ko.

Nakamulat na ang pareho kong mga mata pero nakahiga pa rin ako.

"7:30 a.m," pagbasa ko sa numerong nakalagay sa screen ng cellphone ko. "Masyado pang maaga," oo at masyado pang maaga pero hindi na ako nakaramdam ng kahit na anong antok pa.

Tinignan ko ang nasa kabilang gilid ko at ayun makita ko si Louis na mahimbing pa Ang tulog.

"Magpahinga kana muna dyan pre. Masyadong nakakapagod ang buong araw mo kahapon," Sabi ko na para bang may sasagot sa akin. Mga ilang sandali pa ang nakalipas ay bumangon na rin ako para naman maihanda ko ang sarili ko para sa araw na ito.

Tumunog ang cellphone ko at sinyales ito na lowbat na ako kaya bumangon na ako at hinanap ang charger sa mga gamit ko hindi rin naman ganun katagal ang paghaganap ko dahil alam ko naman kung saan nakalagay ang bawat gamit ko.

Matapos kong Mai-charge ang cellphone ko ay lumabas na ako sa veranda.

"Napakasarap talaga sa pakiramdam ng hangin," sa isip isip ko

Masyado pang maaga at ang araw ay nagsisimula pa lang sumikay, malamig din ang hangin. May mga ilang tao na rin sa baba pero bilang lang din ito sa kamay ko.

"Gising na kaya sya?" pagtatanong ko sa isip ko at inaalam kung gising na ba ang taong ngayon ay sya namang laman ng aking isipan.

Gustuhin ko mang puntahan sya pero sa tingin ko ay napakaaga pa at alam kong natutulog din sya. Masyado din syang napagod kahapon dahil na rin bago sya magpunta sa school ay mayroon din daw syang ginawa sa kanila.

Ang Sabi pa nya ay nagpasama sya kay Tatay Wilmar sa isang lugar hindi ko na tinanong kung saan dahil kung gusto nyang sabihin yun ay sya mismo ang magkukusa.

Ilang minuto din ang tinagal ko sa veranda at nagmuni muni. may mga ibang ding masayang lumilipad at ang nga puno ay para bang nagsasayaw ng dahan dahan dahil sa hanging malamig.

Matapos kong nagmuni muni sa labas ng veranda ay pumasok na ako sa loob at ayun pa din si Louis na mahimbing na natutulog kaya naglabas na lang ako ng mga masusuot kong damit at maliligo na ako.

Isang plain na kulay puting t-shirt, hoody na kulay navy blue, short pants  na kulay itim at ang rubber shoes kung kulay itim.

Matapos kong maghanap ng damit ay dumiretso na ako sa banyo para maglinis ng sarili. Naghilamos na muna ako malamig ang inilalabas na tubig pero tama lang ito para magising ako matapos kong maghilamos ay nagsipilyo na ako ng aking ngipin.

Hindi rin naman ako gaanong nagtagal sa loob ng banyo para maligo sakto para malinisan ko ang sarili ko. Syang paglabas ko ng banyo ay ayom si Louis na halatang kagigising lang nya at Hindi na ako magtaka kung namamaga ang mga mata nya dahil na rin sa pag-iyak ag halos ilang oras kagabi hanggang kanina.

"Good morning pre," bati sa akin ni Louis na halatang inaantok pa ang boses nya. "Aga natin nagising ahh..." dagdag nya pang Sabi saka nag-inat inat pa pero nakahiga pa rin.


"Hindi na kasi ako makatulog mung nagising ako dahil sa sikat ng araw," sagot ko maman sa kanya atsaka nagpatuloy lang sa pagpupunas ng buhok ko. "Masyado pa namang maaga kaya matulog ka na lang muna pre para makapagpahinga ka din," sagot ko naman sa kanya habang sinusuklayan ko ang sarili at tinitigan lang sya sa repleksyon nya sa salamin pero ayun sya at abala na naman sa patitipa sa cellphone nya.

When I Hate Her The Most: Autumn Alexander Conan( Heartbeats in Season #01) Where stories live. Discover now