Chapter :38

58 3 1
                                    

Autumn's POV:

A/N: so before I continue the story I just want to thank you for all of my silent reader out there na inaantay Ang bawat update ko na kung Minsan ay nahuhuli. Iba Yung impact sa mga author and aspiring author like me na magpatuloy sa pagsusulat dahil sa pinaparamdam nyo.
Saludo Ako sa bawat Isa sa inyo maraming salamat po! Hindi ko man kayo Kilala o nakikita mahal ko na kayo syempre as a writer nyo.






Matapos Kong mag-isip isip sa labas at pagnilayan Ang ibang bagay ay Hindi na rin mahirap sa akin Ang makatulog ng gabi na. Dahil matapos Ang pagkain Ng hapunan magpahinga lang Ako saglit ay mabilis din akong dinalaw Ng antok kaya Hindi Ako nahirapang makatulog pa.







Maaga akong gumising dahil maaga din akong nakatulog kagabi. Hindi ko Naman ugali talaga Ang kumakain Ng agahan kaya babawi na lang Ako mamayang miryenda na.




Hindi na rin nakakapagtaka kung maaga akong nakapasok. Dinig ko pa din Ang mga tilian Ng ibang babae.






Syempre maaga ding bumungad sa akin Ang pagmumukha ni kupal atsaka sya pa mismong nag abot Ng pagkaing sya raw Ang may gawa.






Nakakapagtaka lang na Wala pa si Louis dahil madalas kapag nandito sya ay mas maaga pa sya kung pumasok sa akin. Lalo na at lunes ngayon anong oras na ay Wala pa din sya malapit na ding nagsimula Ang klase sa unang oras sa Umaga.






Ang Akala ko noong una ay mahuhuli lang sya pero Hindi Naman nya gawain Ang ganoon na nale late sa klase.






Iniisip ko palang kung bakit Hanggang ngayon ay Wala pa Ang Loko na Yun nang biglang mag vibrate Ang cellphone ko sa bulsa at agaran ko Naman itong tinignan.









One message receive:

Hindi na Ako magtaka kung sa kanya galing 'to. At Hindi nga Ako nagkamali  dahil sa kanya nga





From: Louis P.

"Pre, Hindi muna Ako makakapasok ngayon. Ikaw na muna Ang maghatid kay Winter mamayang pag-uwi. Ingat kayo"





Gustuhin ko Mang replyan pa Ang message nya sa akin ay Hindi ko na ginawa dahil bigla ng dumating Ang professor namin para sa umagang iyon.








Habang tumatagal Ang oras Ng klase ay ganun din kabilis matapos Ang bawat discussion nila. Masyadong mabilis Ang oras ngayon na Wala si Louis dito kung paminsan Minsan pa ay hinahanap sya Ng iba naming teacher dahil Hindi rin sila sanay na uma-absent sya.







"Hmm... Hindi ko maalala kung umabsent na ba dati si Louis. Ngayon palang Yata," pagsasabi ko sa isip ko.









Mabilis natapos Ang pang Umaga naming klase at ngayon ay break time na as usual si kupal Ang kasabay ko at syempre hinahanap din si Louis.










"Hindi ko pa nakitang umabsent si Louis dati. Nag-text sya sa akin na Hindi daw sya makakapasok Wala namang sinabi na dahilan," pagsasabi Naman ni kupal pero Ako ito ay tahimik at hinahayaan na lang syang dada Ng dada.






"Wala pa ring ipinagbago Ang babaeng ito, Napakadaldal pa rin." sa isip isip ko.








"Autumn?" pagtawag nya sa pangalan ko kaya napatingin Naman Ako sa kanya at syempre Ayun na Naman Yung ngiti nya.








"Oh?" pagtatanong Kong sagot sa kanya na Hindi makikitaan Ng emosyon sa Mukha.









"Salamat Pala," sagot nya Na naman sa akin Ng nakangiti kaya pinagtaasan ko sya Ng kilay dahil Hindi ko alam kung ano nga ba Ang sinasabi nya. " Salamat Pala nung nakaraan dahil pumayag kang sumama, tapos binigyan mo pa Ako Ng manika then kahapon Yung paapunta ko sa bahay nyo," mahaba Naman nyang dugtong at makikita doon na masayang Masaya nga sya.








When I Hate Her The Most: Autumn Alexander Conan( Heartbeats in Season #01) Where stories live. Discover now