Chapter 01

419 12 1
                                    

Autumn's POV:

Habang naglalakad ako papunta sakaniya sa ilalim ng puno ng Acacia di ko mapigilan ang mapangiti. "Ngayon na lang ulit ako nandito," sabi ko sa aking isip. "Ngayon na lang ulit kita makikita," sa isip ko pa.



"Hi, sorry na-late ako dumaan pa kasi ako sa flower shop para bumili nito," sabay abot ng bulakla at upo sa tabi niya, napabungtong hininga ako bago nagpatuloy sa sasabihin." Alam mo ba may nakita akong mga estudyante," pagpapatuloy ko.



Tag-init ngayon pero kahit na maalisangan ang panahon presko ang ihip ng hangin sa katawan. Nakatingala ako habang tinititigan ang kalangitan "Napakaganda ng panahon," sa isip ko.



"Ikaw agad ang naalala ko,"sabi ko sabay tingin sa tabi ko, napangiti ako pero pilit.


Napabuntong hininga ako at inalis ang tingin sa kaniya. May kaunting kirot sa aking puso di masabi ang gustong sabihin ilang beses pa akong bumuntong hininga bago muling nakapag salita.



"Sa mga estudyanteng yon may isa sa kanila ang napansin ko," napapangiti kong tugon, minsan ko pa siyang tinitigan bago muling tumingala sa mapayapang kalangitan. "Parang ikaw lang siya makulit, masiyahan at cheerful..." pagaalala ko sa nakaraan.


"Naalala mo ba noon?" Tanong ko sa kaniya. "Kung gaano mo ako kinukulit sa loob ng isang araw?" Dagdag ko pang sabi.


"Ikaw nga ang sumisira sa bawat araw ko," sabi ko sa kaniya. "Ikaw lang din ang nakakalapit sa akin noon. Kahit na inis na inis ako sayo at pagtulakan kita tinatawanan mo lang ako," kunwaring inis pang sabi ko.


"Alam mo bang pati sa opisina buhay estudyante din ang pinag-uusapan nila dahil meron daw silang high school reunion..." aniya ko sa kaniya at napabuntong hininga bago muling magpatuloy. "Yung isa ko ngang katrabaho nagtanong ano daw ang karanasan ko nung nag-aaral pa lang daw  ako," dagdag kong sagot habang inaalala ang sagot ko kanina sa aking katrabaho.


"Alam mo ba nung tanungin nila ako sa karanasan ko?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Ikaw yung unang naisip ko," sabi ko sa kaniya.


"Ikaw lang ang nagbigay sa akin ng ganoong alaala... ikaw lang din ang nagparamdam sa akin ng ganon, na sa bawat araw na nagdaan andyan ka parati," sa isip-isip ko.

"Nakasama kita ng matagal, umalis ka at nagbalik pero alam mo kung ano yung masakit nung hindi mo man lang sinabi sa akin," gusto ko mang sabihin sa kaniya iyon pero di ko magawa.

Iniisip ko ang mga nangyari sa nakaraan na hanggang ngayon ay may sakit pa din sa puso ko sa tuwing maaalala ko.

"Mahal mo ako kaya mo nagawa yon?" Sabi ko sa kaniya at muling tumitig sa kalangitan.

"Paano kaya kung sinabi ko noon na mahal din kita?" Gusto ko mang isatinig pero haggang sa isip ko nalang nasabi." Paano kung mas maaga kong sinabi na mahal kita? Siguro hindi sana ito nangyari ngayon," may panghihinayang ako sa aking naisip.

Saglit pa akong tumitig sa kaniya at tinitigang muli ang kalangitan. Napangiti ako, napapikit, ninanamnam ang simoy ng hangin, napabuntong hininga bago inalalang muli ang mga nangyari.

When I Hate Her The Most: Autumn Alexander Conan( Heartbeats in Season #01) Where stories live. Discover now