Chapter 15

786 5 0
                                    

Isang linggo na simula nung nangyari ang pagbubunyag ni Andrea. Nung araw na iyon ay umalis na din si Andrea kahit masakit sa loob niya na hindi sya pinaniwalaan ng kaniyang kaibigan na itinuring na rin niyang parang kapatid.

Ng makauwi sya sa kanilang bahay ay nilapitan sya agad ng kaniyang nanay at kapatid at tinanong sya ng mga ito kung bakit dala dala niya ang lahat ng kaniyang mga gamit. Imbes na sagutin ni Andrea ang tanong ng kaniyang nanay ay ibinuhos nito ang kaniyang mga luha.

Nagulat ang kaniyang nanay at kapatid. Tinanong ng mga ito kung anong problema. At ikwinento naman lahat ni Andrea ang lahat ng nangyari sa kaniya.

Nakaramdam naman si Lorna ng labis na galit at poot sa mga gumahasa sa kaniyang anak . Nakaramdam din sya ng labis na lungkot at awa sa kaniyang anak. Balak pa sana niyang magsampa mg kaso pero pinigilan sya ni Andrea dahil sa sinabi nitong baka mabaliktad lang sila. Lalo na at mayaman ang kanilang kakalabanin. Habang sila ay mahirap lamang. Kaya kahit labag man sa kaniyang kalooban dahil gusto nyang mabigyan Ng hustisya ang kaniyang anak ay wala syang magagawa dahil may Punto ang kaniyang anak. Ipinagdasal na Lang nila sa diyos ang kanilang parusa.

_____________________

Gumising Ng maaga si Andrea dahil ngayon ay maghahanap sya Ng trabaho.

"Oh anak ang aga mo namang nagising magpahinga kana muna Sana"

"Nay kailangan Kong maghanap Ng trabaho, dahil walang mangyayari Kung magmumukmok Lang ako at umiyak Ng umiyak. Kailangan Kong kalimutan ang kahapon at gumising sa bagong umaga"

Napangiti naman si Lorna dahil sa mga sinabi Ng kaniyang anak

"Halika nga rito" Sabi ni Lorna sabay buka Ng kaniyang mga kamay na nagiimbita Ng isang mainit at punong Puno Ng pagmamahal na yakap.

Lumapit Naman si Andrea dito at tinanggap ang yakap Ng isang INA.

"Hmmmm basta palagi mo Lang iisipin anak na Hindi Ka nagiisa. Nandito ako si junjun at higit sa lahat ang diyos."

"Salamat po nay dahil palagi kayong nanjan para sakin"

"Syempre anak , Kaya Sana maging malakas Ka . Alam Kong marami Pang dadating na pagsubok sa buhay mo. At alam Kong may mga dahilan lahat Ng mga ito."



AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon