Chapter 3 (Jun Jun)

2K 5 0
                                        


CHAPTER 3

Isang linggo ng nagtrtrabaho si Andrea bilang isang katulong kila kyla. At excited na syang umuwi dahil namimiss na nya ang kaniyang nanay at kapatid.

"Ipapahatid na Kita Andrea Kay manong Oscar" Sabi Ng kaibigan niya

"Naku Baka makaabala pa ako kyla" pagtanggi nya

"Naku Hindi basta ikaw" Sabi nito habang nakangiti

"Salamat talaga kyla" niyakap nya Ito

"O sige mag iingat Ka" pamaalam nito.

Nagpaalam na din siya dito. Lumabas na sya mula sa mansyon nakita nya Naman si manong Oscar na nag hihintay sa kaniya.

"Alis napo Tayo kuya" agaw pansin nya dito syaka nginitian. Binalik din nito ang ngiti.

"Sige po pasok napo kayo" pag ayaya nito.

Pumasok na sya sa likod Ng sasakyan bitbit ang kaniyang mga ilang pasalubong sa kapatid at kaniyang nanay.

Habang nasa biyahe sya ay nakaramdam Naman sya Ng antok Kaya natulog muna sya.

_______________________________

Nagising si Andrea sa tapik na naramdaman niya sa kaniyang pisngi.

"Ma'am gising napo kayo nandito napo Tayo" Sabi ni mang Oscar.

"Sorry po kuya natulugan ko kayo" hinging paumanhin nya dito

"Ok Lang po ma'am,alam ko Naman pong pagod kayo" Sabi nito

"Sige po salamat po, ingat po sa pag uwe" paalam nya dito

"Sige po ma'am"

"Nakuuu Andrea na Lang po" Sabi niya dito

"Sige ija Andrea"

___________________________

Pagpasok palang niya sa kanilang bahay ay Amoy na nya ang masarap na ulam na niluluto Ng kaniyang nanay. Tumayo sya sa kanilang pinto at pinanood ang kaniyang nanay na hinahalo ang ulam habang kumakanta.

"Jun Jun halika, tulungan mo akong maghanda dito at Baka mamaya nanjan na ang ate mo" utos nito

"Opo nay" magalang na sagot nito

Tapos na sila sa kanilang paghahanda Kaya tuluyan na syang pumasok sa kusina nila. Hindi sya nakita kanina Ng kaniyang kapatid at nanay dahil nagtago sya kanina.

" hmmmm mukhang masarap ang ulam Natin ngayon ahh" may ngiti sa labing Sabi niya

"Anak/Ate" sabay na Sabi Ng kaniyang kapatid at nanay

"Ako nga" natatawa niyang Sabi

"Namiss Ka namin ate" masayang Sabi nito

"Namiss ko Rin kayo" sagot niya

"Anak kumusta Naman ang trabaho, sabihin mo Kung nahihirapan kana" ang kaniyang nanay

"Naku si nanay talaga malakas Kaya to" umakto pa na ipinakita ang muscle nito Kaya nagtawanan sila.

"Hayy naku ikaw talaga anak" ang kaniyang nanay

"Naku nay ,ate Kain napo Tayo" nakapout na Sabi ni Jun Jun.

Kaya natawa Naman ang magina.
Napuno Ng tawanan, biruan , ngitian sa kanilang hapagkainan.

________________________________

Nakatayo ngayon si Andrea sa tapat Ng kanilang bintana Ng nakarinig sya Ng kaluskos. Sa likod Ng kanilang bahay Kaya nakaramdam sya Ng takot dahil Baka magnanakaw iyon.

Pero ipinagsawalang bahala na Lang niya iyon. Papasok pa Lang sana sya para matulog Ng marinig nya ang iyak Ng kaniyang nanay Kaya agad nyang pinuntahan Ito.

Pero nagulat na Lang siya Ng makitang may isang lalaki na may hawak na kutsilyo at nakatutok pa Ito sa tapat Ng tyan Ng kaniyang nanay.

Kaya natakot sya Para sa kalagayan Ng kaniyang nanay.

"Ibigay nyo sa akin lahat Ng Pera nyo" Sabi nito

"Kuya mahirap Lang po Kami maawa po kayo samin wag nyo Naman pong gawin Ito" pakiusap nya

"Ibigay nyo sa akin lahat Ng Pera nyo o sasaksakin koto" Sabi nito sabay tutok Ng kutsilyo sa tyan Ng kaniyang nanay.

"Kuya wag po, ibibigay ko na po" umiiyak niyang sabi

"Bilis" Sabi nito

Kaya agad Naman nyang kinuha ang naipon nyang 3000.

"Ito na po, Yan Lang po ang Pera namin" Sabi niya sabay abot nito sa magnanakaw ang Pera

Hinablot Naman Ng magnanakaw ang Pera Pero bago Ito umalis ay ininduyan muna nito Ng saksak ang kanilang nanay

"Nay" sigaw nya dito sinalo nya Ito bago pa matumba.

"Nay, huhuhuu"

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

Nakaupo Lang siya sa labas Ng E.R. kanina pa tumutulo ang kaniyang luha. Ipinagdadasal nya pa na Sana Hindi malala ang saksak Ng kaniyang nanay at ok Lang Ito. Iniisip nya pa ang babayarin.

Pinunas nya ang kaniyang luha saka hinaplos ang buhok Ng kapatid na nakahiga sa kaniyang hita.

"Ate wag Ka Ng umiyak sigurado akong ok Lang si nanay, si nanay pa eh malakas iyon syaka sya si super nanay Natin"Sabi nito.

Natawa Naman sya dito syaka ginulo ang buhok.

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

Naghintay pa sila Ng ilang minuto bago lumaabs ang doktor

"Dok kumusta po ang nanay namin" tanong nya dito

"Ok Lang Naman sya syaka mababaw Lang ang sugat nya Pero dapat Hindi muna sya gumawa Ng mga Gawain dahil fresh pa ang sugat nya, kailangan ding linisan araw arw ang sugat nya" Sabi Ng doktor habang nakatingin sa kaniya.

Naramdaman nya din ang paghagod Ng tingin nito sa kaniyang katawan. Kaya nailang sya dito.

"Salamat po dok" pasasalamat nya dito at nagpasalamat na din sya sa Diyos dahil Hindi nito pinabayaan ang kaniyang nanay.

"Ok sige mauna na ako sa inyo" pamamaalam Ng doktor syaka sya binigyan ulit Ng huling tingin at tuluyan Ng umalis.

Just comment and vote if you like the story.
(Slowupdate)

AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon