CHAPTER 1
Isang dalagang naninirahan sa isang maliit at lumang bahay . Kasama ang kaniyang nanay at ang kapatid niyang si Jun-jun na nasa siyam na taong gulang pa lamang. Kahit na mahirap lamang sila ay nagsusumikap siyang kumayod para sa pag aaral ng kaniyang kapatid. Dahil hindi na rin nakakapagtrabho ang kaniyang ina na ang pangalan ay Lorna dahil may sakit ito sa puso. Ipinagbabawal dito ang magpagod.
___________________________________
Andrea ang pangalan ko. Oo mahirap lamang kami pero may Diyos kaming kinikilala at sinasamba. Hindi tulad nilang mayayaman na pera lang ang kinikilala at sinasamba na parang Diyos.
Sabi nila Maganda ako,morena ang aking kutis at maganda ang katawan. Pero hindi sa panlabas na anyo nakikita ang kagandahan ng isang tao kundi sa kaniyang panloob. Makinis at maputi ka nga, mala anghel man ang iyong mukha pero sing itim at mala demonyo naman ang iyong puso at ugali.
___________________________________
Ate, naputol ang aking pagmumuni muni ng marinig ko ang tawag ng aking kapatid. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, pinagpag ko ang aking palda at saka dumiretso sa labas kung saan naroon ang aking kapatid.
"Bakit bunso" tanong niya sa kapatid gamit ang normal na mahinhing boses.
"Nandito si ate Kyla ate" sagot agad ng kapatid.
Si Kyla ay isa sa mga kaibigan niya. Pero magkaiba sila ng estado sa buhay, mayaman ito mahirap sila. Pero sa kabila ng yaman nito ay wala itong bahid ng kaartehan. Maputi ito at maganda. Pero may mga taong nagsasabing mas maganda siya dito at maputi lang daw ito. Hindi na lang niya pinapansin ang mga sinasabi ng mga tao dahil wala din naman siyang pakielam.
"Kyla, kumusta kana" may galak niyang bati sa kaibigan.
"Eto buhay parin, ikaw kumusta kana...ay eto nga pala may dala akong groceries" mayroon ding galak na bati ng kaniyang kaibigan
"Ok lang naman kami... syempre laban lang... saka salamat dito ah malaking tulong na din to sa amin" naiiyak niyang tugon sa kaibigan
"Huy wag ka ngang umiyak " pag-aalo ng kaniyang kaibigan
"Nagpapasalamat lang ako sayo kase lagi kang nandiyan para sa amin... S
syempre sa Diyos din kase binigyan niya kami ng anghel na tulad mo"Puno ng pagpapasalamat niyang tugon sa kaibigan
"Wag kana ngang umiyak diyan dahil may good news ako para sayo" may galak na pahayag ng kaniyang kaibigan
"Ano naman" Pang uusisa naman niya
"Kailangan ng isang maid sa bahay...alam kong matagal ka nang naghahanap ng ibang trabaho kase alam kong inaabuso kana ng boss mo...kaya sinabi ko kay mom at dad na ikaw na lang kunin naming kasambahay" may galak na balita ng kaniyang kaibigan
Dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan hindi niya maiwasang yakapin ito.
"Salamat talaga Kyla" umiiyak niyang tugon dito
"Ok lang ano kaba, para saan pa at mag kaibigan tayo diba" may ngiti sa labi na tugon ng kaniyang kaibigan
Bumitaw na sila sa isa't isa at pinunasan na rin niya ang kaniyang mga luha at nagngitian sila, maya maya ay nagtawanan sila.
"Ang drama mo" Ang pahayag ng kaniyang kaibigan kaya natawa na naman sila sa isa't isa.
"Salamat talaga Kyla"
"Ano kaba basta mag empake kana at magresign sa trabaho mo at bukas kana magsisimula"
"Sige pasok ka muna at ipagtitimpla kita ng juice"
"Sige bes thanks"
"Hindi.... dapat ako ang mag thank you sayo"
"Hays yan na naman tayo Andrea...drop it ok... Your my friend so I'll help you with all my heart"
At nagyakapan sila ulit. Nagpapasalamat talaga siya sa Diyos dahil hindi sya nito pinababayaan.
___________________________________
Gabi na ng nag eempake siya ng gamit niya. Nakausap na niya kanina ang kaniyang nanay. Basta daw mag iingat siya at lagi daw sya nitong ipagdadasal. Ganun din ang naging bilin niya dito. Hindi naman niya maiwasang malungkot dahil sabado at linggo na lang niya makakasama ang kaniyang nanay at kapatid. Pero para sa kanila ay magsusumikap siyang magtrabaho.
Naalala na naman niya kanina nang pumunta siya sa dati niyang trabaho bilang waitress sa isang restaurant.
Flashback
Pagpasok palang niya ay dumiretso na siya sa opisina ng kaniyang amo na ang pangalan ay Mark. Si Mark ay nasa 30 years old,may itsura ito at mayaman. May asawa na rin ito at may dalawang anak na lalaki.
Bago sya pumasok ay kumatok muna sya.
"Andrea ikaw pala" sabay hagod ng tingin nito sa kaniyang katawan
"Sir mark mag reresign napo ako sa trabaho" kinakabahan na siya sa mga tingin nito lalo na nang tumayo ito. Pumunta ito sa kaniyang likod sabay lapat ng dalawang kamay nito sa magkabilang balikat niya na parang minamasahe pa nito ang kaniyang balikat. Tinanggal naman niya iyon pero mabilis nitong ibinalik iyon kaya kahit natatakot na siya sa hawak nito ay pinabayaan na lamang niya ito.
"Bakit naman" bulong nito sa kaniyang tenga kaya tumayo siya at lumayo dito.
"Ah sir may bago napo kase akong trabaho" nanginginig na sagot niya dito
Unti unting lumapit naman ito sa kaniya saka siya hinila nito payakap sa kaniya na kaniyang ikinagulat. Pinipilit man niyang tanggalin ang mga kamay nito ay mas sobra pa nitong hinigpitan ang yakap nito sa kaniya.
"Sir b-itawan niyo po ako" pagpalag niya dito
"Shhh"pag papatahan nito sa kaniya kasabay ng paglapat ng hintuturo nito sa kaniyang labi.
Hanggang sa naramdaman na lang niya na hinahalik halikan nito ang kaniyang leeg kaya pinipilit niyang makawala.
"Sir maawa po k-ayo sa akin" pagmamakaawa niya. Saglit naman itong natigilan at tinitigan siya nito sa kaniyang muka.
"Ang ganda mo talaga Andrea" parang nababaliw nitong sambit sabay haplos sa kaniyang buhok. Habang siya ay pinipilit naman niyang makawala.
"Sir uuwe na po ako" Sabi niya dito
"S*x tayo bibigyan kita ng malaking halaga"Sabi nito na para bang sabik na sabik. Kaya mas lalo siyang natakot dito.
"A-yoko po sir mark" pilit niyang pinatatag ang sarili. Pero hindi siya nito pinakinggan bagkus ay nagghubad na ito ng pang itaas na damit.
"Sir m-ark" tatakbo na sana siya sa pinto ng buhatin sya nito pahiga sa sofa kaya napasigaw siya.
"Tulong"
(Edited)
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Andrea
RandomIsang dalagang naninirahan sa isang maliit at sira - sirang bahay . Kasa - kasama niya ang kaniyang nanay at ang kapatid niyang si Jun- jun na nasa siyam na taong gulang palamang. Kahit na mahirap lamang sila ay nagsusumikap siyang kumayod para sa p...
