Noong time na nag-aaral ako...KINDER pa rin. Ipapakilala ko lang si BESTFRIEND. Pero..iba si TISOY..sa tinutukoy kong BESTFRIEND ko ngayon..
Marami ‘nga kasi akong kaibigan nang mga panahon na ‘yun. Lahat nang bata kaibigan ko..mapa-lalaki at babae. Noon ‘yun.
Marami akong kaibigan noon..mapa-matanda at mapa-sanggol kaibigan ko. May kapitbahay kasi kami nang mga oras na ‘yun..As in..Kapitbahay talaga. Kasalukuyan kasi ako naglalaro ‘nong mga panahon na ‘yun..’Yung JEEP-JEEPAN..sa kapitbahay namin. Sila kasi maraming laruan eh..kaya nangangapitbahay na lang ako..kesa magpabili pa di ba? O di..tipid!
Wala nga akong hiya non di ba? So laro...lang ako.
Sa bahay nang kapitbahay namin.Hindi ako maka-concentrate sa nilalaro kasi may naririnig akong palahaw.
Iyak at hikbi. ‘Yung tipong iyak na..ultimo singhot..maririnig mo sa hikbi na ‘yun. Taka talaga ako kung kanino galing ‘yung iyak na ‘yun.
Inaalam ko kung sino ang nagmamay-ari nang boses na ‘yun. Kung sino nagmamay-ari nang iyak at hikbi na naririnig ko.
Ako itong si bulilit...ikot nang ikot hanggang sa mapadako ang mga inosente kong mata sa taas nang hagdan. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan tapos sumilip nang kaunti.
Hindi ko alam kung bakit ‘yun ang ginawa ko..Wala naman akong alam sa ‘mumu non eh...pero..silip lang talaga ginawa ko. Ewan ko kung natatakot ako o ano ba?! Gulo ko. Basta, sumilip ako.
Yung tipong mata ko lang nilabas ko para masilip ang aking pakay. Alam mo kung anong nakita ko? Haha..Ano ba yan?! Parang ayaw kong sagutin ang tanong ko weh. Nanlaki ‘yung mga inosente kong mga mata nang makita ko kung anong nakita ko. Haha. Gulo.
Alam mo kung ano ‘yun?
Isang batang kalbong musmus na basang-basa ang mukha dahil sa kakaiyak. Ewan ko kung ‘yun talaga ang dahilan, pero sa nakikita ko kasi nang mga oras na ‘yun.
Hindi dahil sa mga luha nitong lumalabas sa mga mata nito kundi sa sipon nitong transparent na kumalat na ‘ata sa buong pagmumukha nito dahil sa kakasinghot nito.
Bahagya ko pang sinilip nang maigi ‘yung mukha nang bata para malinaw sa mga mata kong napaka-inosente. Sinilip ko nang todo ang ulo nitong kalbo kasi may nakikita akong parang sugat..
Tapos..ang katawan nito puno nang galis. Ang mga binti nitong sugat sugat na ‘yung iba sariwa pa..yung iba naman luto na. ‘Yung tipong nilalangawan na dahil sa sobrang tagal na hindi tinatapalan nang gamot kaya natuyo na lang sa balat nito.
Ikaw? Kunwari bata ka...Anong magiging reaksyon mo kapag nakakita ka nang ganun?
Maaawa ka ba? Kasi kung naaawa ka..Naku, hindi tayo magkapareho nang sagot. Ako kasi..hindi ako naaawa eh. Bata nga ako di ba? Anong alam ko sa salitang AWA? Di ba?Alam mo kung anong ginawa ko? Lumabas ako sa pader na sinasandalan ko habang nakasilip tapos.... Tapos....Dinuro ko pa ‘yung batang baboy na ‘yun.
Bago...tinawanan ko siya nang malakas. Yung tipong tawa na walang sinuman ang makakapagtitigil sa akin dahil sa kakatwang batang nasa harapan ko. Yung tipong halos maiyak na ako sa kakatawa. Walang tigil. Tingin ko kasi non....isang malaking JOKE ang nakita ko. Haha.
Nyahahaha. Sabi na eh, Naku..kapag nabasa ‘to ni BESTFRIEND. Papatayin talaga ako ‘non. Dalaga na kasi si BESTFRIEND ngayon eh..Ibang-iba ang itsura niya ngayon kesa noon. Dati BABOY ‘yun eh tapos KALBO..ngayon naman..SEXY na..LONG HAIR pa!
‘Yun ang unang beses na nakita ko si BESTFRIEND. Ganun..ang itsura niya. Kaya..hindi ko talaga siya makakalimutan..Haha, dahil sa tuwing maalala ko. Matatawa na lang ako nang walang dahilan.
BINABASA MO ANG
Ge-Gey
RandomA real, actual, true, and honest narrative of mine C'mon! Link up with me and acquire moral session from it. -ghayle