Sa dami din nang naranasan ko sa buhay ko, malamang maloloka, ma-wiwindang at mababaliw ka kung bakit nakangiti pa ako ngayon na parang walang nangyari.
Hindi mo rin mawari kung totoo ba o kasinungalingan, imbento o kalokohan ko lang. Pero sinasabi ko sayo, totoo ito.
It occur in every distinct individual and im pretty aware by that.
However, alam mo kung ano ang isang bagay na pinagmamalaki ko?
I am proud and gratified that the entirely preposterous things take place into moral and ethical lesson. GOD is with me, GOD is by my side. GOD participated with me. GOD is involved with me. Ramdam na ramdam ko kung paano niya ako sabayan sa bawat paglalakbay na ginagawa ko araw-araw. Damang dama ko kung paano niya ako patayuin sa bawat pagkakamali at kabiguin ko sa buhay.
And this is just smithereens of facts that GOD is with me in every footstep I catch on to.
GOOD OR BAD, GOD IS WITH YOU! I assure you, my dear!
NARANASAN KO..
Naranasan ko nang ma-50-50 sa HOSPITAL noong bata pa ako. Naranasan ko nang paiyakin ang mga magulang at mga kamag-anak ko sa harapan ko dahil sa malubhang sakit na akala nila’y ikakamatay ko. Naranasan ko nang maubusan nang hininga sa AMBULANSIYA at labanan ang sakit na pumapaloob sa buo kong pagkatao dahil sa sakit na DENGUE. Naranasan ko nang magsinungaling para lang ipakita sa mga magulang at mga kamag-anak ko na malakas pa ako at kaya ko pa ang sakit na nararamdaman ko sa hospital kung saan ako nakahiga dahil ayokong nakikita ko silang umiiyak sa harapan ko. Naranasan ko nang magmakaawa at magmaktol sa PANGINOON mabigyan niya lang ako nang pangalawang buhay. Naranasan ko nang panuorin ang paghihirap nang mga magulang ko makahanap lang nang pera pambayad sa hospital bill dahil sa lintik na anak nilang katulad ko na ubod nang sakitin at walang ginawa kundi magpabigat sa kanila. Naranasan ko nang magtulog-tulugan at magmukhang busog sa mga magulang at kamag-anak ko ‘wag lang nila akong bilhan nang makakain dahil alam kong gastos na naman ‘yun. Naranasan ko nang ihanda ang sarili ko na mamamatay na ako pero nagising ako isang araw na malakas na pala ako sa tulong ni GOD.
Naranasan kong kamuhian at makipagpalitan nang maanghang na salita sa dati kong bestfriend na si TISOY dahil sa walang-hiyang INA nito na inakit ang napakabait kong AMA na sisira sana sa masaya kong pamilya. Naranasan ko nang kamuhian ang sarili kong AMA dahil sa panloloko na ginawa niya sa aking INA. Naranasan ko nang mag-bingi-bingihan sa daing, hinaing, iyak at pagdudusa nang aking INA dahil sa panloloko nang aking AMA. Naranasan ko nang patawarin ang aking AMA sa panloloko at sakit na katotohanang ginawa niya sa amin noon at magkunwaring walang nangyari maibalik lang ang noon. Naranasan ko nang makipag-away sa bunso kong kapatid na lalaki para lang ipagtanggol ang aking AMA. Naranasan ko nang makipagplastikan sa MALANDING INA ni TISOY para lang kalimutan ang nakaraan na nangyari. Naranasan ko nang kalimutan ang pagiging magkaibigan namin ni TISOY dahil sa mga pangyayari na hindi ko mawari kung totoo pero nangyari na at kahit ilang milyong patawad hindi ko pakikinggan pero nagising na lang ako isang araw na nakangiti na sa kanya sa tulong ni GOD.
Naranasan ko nang magnakaw nang MANIKA noong bata pa ako dahil sa INGGIT na naramdaman ko sa mga kalaro ko. Naranasan ko nang magpakamatay noon dahil sa kababawan na pinagdadaan nang mga kabataan na pinagdadaanan nang sinuman. Naranasan ko nang tutukan ang sarili kong kapatid nang KUTSILYO dahil hindi niya sinusunod ang bawat utos ko. Naranasan ko nang makipag-sabunutan at suntukan sa batang negrang babae dahil lang sa bestfriend ko. Naranasan ko nang magkagusto at magselos sa mga lalaking lumalapit sa bestfriend kong si MITCH dahil akala ko’y isa rin akong lalaki noon.
Naranasan ko nang isugal ang sarili kong kaligtasan at buhay dahil lang sa kaka-apply nang trabaho noon. Naranasan ko nang maging MESSENGER nang bangko dahil paborito akong utusan. Naranasan ko nang magtrabaho nang walang sine-sweldo buwan-buwan dahil sa magaganda at paasang salita na sinasabi sa akin nang MANAGER namin noon. Naranasan ko nang palampasin ang kalokohan na ginagawa at ang illegal na trabahong pinapagawa nang isang kompanyang sumayang nang aking isang buwan na paninilbihan sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ge-Gey
RandomA real, actual, true, and honest narrative of mine C'mon! Link up with me and acquire moral session from it. -ghayle