My lil-brother LOL!

106 2 2
                                    

MAHAL KONG KAPATID

One of the reasons why I did this ‘GE-GEY’ is for you to know me more than you can imagine. Hindi mo ako kilala. Hindi rin kita kilala. Wala din ako ideya kung mayroon ba akong kausap o wala. Wala din ako ideya kung mayroong magbabasa nang munti kong mensahe. Ngunit masaya ako dahil kahit papano’y mailalabas ko ito sa sistema ko dahil sa ‘wattpad na ito. Salamat WATTPAD ha? Salamat.

Lamo kasi, isa ito sa mga pangarap ko, ‘yung ibahagi sa iba ang simple kung pagmamahal sa kapatid ko at sa mga magulang ko albeit they didn’t know this. Pero lamo, mas gusto ko na iba ang magbasa nito kaysa sila mismo. Hindi ko kaya kung sila magbabasa nito. LOL! Nahihiya ako pagdating sa kanila. Sobrang mahal ko sila. Hindi ko kayang makita silang umiiyak kapag nabasa nila ito. Hindi ko kaya. Siguro kung mababasa ito nang mga magulang ko ay ganito ang kanilang sasabihin sa akin: ‘Oh! Ang aming neneng!’

Anyway, ‘yaong larawan sa MULTIMEDIA ay ang kapatid kong lalaki. Wala kasi akong maibahagi na larawan noong bata pa siya dahil nakatago sa probinsiya namin ang picture niya noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Kahit ako gusto kong ibahagi ang larawan namin na magkakasama kami buong pamilya ngunit nasa probinsiya iyon. Siguro kapag nakauwi ako ay ipapa-scan ko iyon para ibahagi sa iyo. Larawan nang kumpleto at masayang pamilya na simpleng namumuhay sa probinsya nang MINDORO. Larawan namin.

Lamo, napaka-cute at napaka-puti niyan noong apat na taong gulang pa lang iyan. Mataba na ma-ala-snow ang kaputian. Inggit na inggit ako sa kutis niyan noong siya’y bata pa. Kasi naman ako noon ay naturingan na babae ay pangit na pangit ang kulay. Sunog na sunog sa araw ang balat ko noon. Palibhasa malapit kami sa dagat ay araw-araw na lamang akong naliligo doon. Siguro ay HIGHSCHOOL ako nang madiskubre ko na pumuputi din ako. LOL!

Noong ako’y limang taong gulang pa lamang ay hindi ko alam kung anong ginagampanan nang isang ATE o PANGANAY para sa kanyang bunsong kapatid. Wala pa akong pakialam noon sa kapatid ko na iyan. Hinahayaan ko iyan na maglaro mag-isa noon sa kalsada. Wala akong pakialam kung awayin siya nang mga kalaro niya. Basta ako ay maglalaro ako dahil iyon ang aking kasiyahan. Bahala siyang maglaro nang kaniya. Ang sama ko di ba? Minsan ‘nga, inaaway ko pa iyan noon. Inaagawan nang pagkain. Tinutulak-tulak ko pa iyan. Lamo ba kung anong bansag ko sa kapatid ko na iyan? Zaa…

Palibhasa kasi ay makintab ang ulo niyan noong bata pa iyan kaya binansagan ko iyan na kalbo. LOL! Actually, ‘yang kapatid ko talaga na iyan ang orihinal at ang may titulong KALBO sa baryo namin noon. Lamo kasi sa probinsiya namin, usong-uso ang ALYAS-ALYAS na ‘yan. Nagpapasalamat ‘nga ako dahil wala akong alyas LOL. Kawawa ka kapag mayroon kang ALYAS! Mamamatay ka sa sobrang yamot at asar kung hindi mahaba ang pasensya mo. Alright, bibigyan kita nang halimbawa:

Palibhasa magkakapatid ang turingan nang mga magkaka-baryo ko sa probinsiya namin ay kung anu-ano nang kalokohan ang pinanggagawa nang mga tao doon. Taong 1996, nauso ang bansagan nang ALYAS-ALYAS na hanggang ngayon ay pinalalago nang bagong henerasyon sa aming probinsiya. (*LOL, History)

SAMPLE:

a)      BUGRIT- ito ang binatang lalaking nakita lamang na tumae nang bugrit sa likod-bahay na hindi nilinis at pinabayaan ay binansagan nang BUGRIT (LOL).

b)      IMPYERNO- ito ang matandang lalaki na nakitaan nang mga kapit-bahay namin noon na sinusundan ‘daw madalas nang apoy dahil sa kamalasan kaya naman binansagan nang IMPYERNO (LOL).

c)       TATTOO- ito ang ama nang kaibigan kong negra noon na punong-puno nang tattoo ang katawan at pabalik-balik sa bilangguan kaya binansagan nang TATTOO (LOL)

Sa totoo lang ay marami akong halimbawa kaya lang ayoko nang pahabain pa. Ipapakilala ko naman ang malapit sa puso ko at ipinagmamalaki kong kapatid na binansagan kong:

Ge-GeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon