April 1995

70 5 2
                                    

Date: April 1994,

Ito ang buwan at taon na hinding-hindi ko makakalimutan. Bakit?

Basta, 

Pinasara kasi ‘yung munti naming BAKERY. Sa totoo lang, wala nang bumibili nang tinapay sa BAKERY namin kasi nag-bebenta ‘daw kami nang panis na tinapay. Alam ko, hindi totoo ‘yun..kasi kitang-kita ko si PAPA kung paano magpuyat para lang makagawa nang tinapay.

Minsan nga, naranasan ko din na mag-benta nang pandesal noon. Gigising ako nang alas-tres nang umaga tapos sasama ako kay ATE-JANETH, isa sa mga nagtatrabaho sa bakery namin noon. (Fiction name). Lihim akong sumasama sa kanya tuwing umaga kasi alam kong hindi ako papayagan ni Mama na sumama para magbenta nang pandesal.

Natural, sino bang INA ang gugustuhin na isama ang sariling anak para magbenta di ba? Hindi ako sumasama upang makatulong kundi sumasama ako para maging masaya ako. Yun lang.

Alam mo bang ako ang taga-sigaw nang PAAANNNDDDEEESSSSAAALLL tuwing umaga noon sa probinsiya namin? Taga-sigaw lang ako habang si Ate-Janeth ang nagbubuhat nang isang-balde na mayroong mainit na pandesal. Buhat-buhat niya habang naglalakad kami sa kahabaan nang baryo. Marami rin naman ang bumibili sa awa nang DIYOS.  Ayun, tuwing-umaga ganun na ang routine nang buhay ko sa murang-edad.

Tapos sasabihin nila na panis? Samantalang kasing-init nang sikat nang araw ang init na inilalako namin na pandesal sa kanila. Bwisit!

Masama talaga loob ko hanggang ngayon, sa totoo lang. Nanghihinayang ako sa puwesto nang munting BAKERY na ‘yun. Ang ganda kasi nang pwesto nang lugar na ‘yun..daanan nang mga tao, daanan nang mga sasakyan. Na ngayon, pagmamay-ari na nang FOREIGNER. Sa probinsiya kasi namin, lalo na ngayon, mga foreigner ang nakatira. Kalat na kalat ang mapuputing tao doon ngayon. Kalat na kalat ang mga engliserong dayuhang puti sa Mindoro. Kahit alam kong tinulungan nila ang PILIPINAS upang maging malayang bansa, masama parin loob ko. Basta,

Aiisssh, sayang talaga ‘yung pwesto nang BAKERY namin. Minsan nangangarap ako na ibalik sa amin ‘yun eh…

Kung may pera lang sana ako noon, hinding-hindi ko ipapabenta ang pwesto na ‘yun. Kung marunong lang sana ako mag-ipon nang pera noon, may ibibigay sana ako kay PAPA para makatulong. Kung alam ko lang ang nagagawa nang pera noon. Aissh, kung alam ko lang talaga.

However, knowing those awful past of mine, I know that GOD might have a great excuse why he let those things happen for unknown reason, Di ba?

Ngayon ko lang nalaman..na,

Ako ang dahilan why GOD allow those things crop up. Bakit?

Dahil ako ang magbabago nang takbo nang buhay namin. Hangin noh? Pero seryoso..

I’m not a performer, I’m not singer, I’m not comedian, I’m not painter…I’m just typical-average girl who take part in portion craving for JESUS endowment.

Kita mo? In almighty spirit, nakatapos ako ngayon at nagtatrabaho. ‘Yung bunso kong kapatid na lalaki, seaman na. Uhmm, 20 na ‘yun..1 year lang tinapos ‘non hindi katulad ko na apat na taon na nag-aral sa kolehiyo. May balak ‘yun na mag-byahe international if GOD’s will. Pero hindi pa dito matatapos lahat.

Nagsisimula pa lang ako. Nagsisimula pa lang akong mabuhay, alam ko marami pang mangyayari sa akin. Patuloy parin akong mangangarap. 

What about you? What desirous goal are you wishing for?

Ask yourself and pray for it. Just be energetic to fulfill it. 

Ge-GeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon