June 16, 2019
“Lance Jacob Santiago, do you take Nadine Beatrice Gonzalez to be your lawful wedded wife, to live in the holy estate of matrimony? Will you love, honor, comfort and cherish her from this day forward, forsaking others, keeping only unto her for as long as you both shall live?”
At that moment, nung tinanong yun ng pari sa lalaking pinakamamahal ko, alam ko na talagang tutulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa mga mata ko.
Napatingin ako sa altar, na kung saan nakatayo ang dalawang ikakasal sa harap ng pari at ng Diyos, at sa unang tingin mo palang, mahahalata mo na talaga kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Parang may sarili na nga silang mundo kung tutuusin. Kahit sino naman yun ang sasabihin eh. At alam na alam ko na ito talaga ang pinakahihintay nilang araw simula nung sila’y magkabalikan.
Pero hindi ibig sabihin nun na natutuwa ako para sa kanila.
Napatingin muli ako sa dating lead vocalist at guitarist ng banda namin. Damn it. Bakit ba kasi punung-puno ng kaligayahan ang mga mata niya ngayon? Aakalain mo tuloy na siya ang pinakamasayang lalaki sa balat ng lupa. Pero kung tutuusin, parang siya na nga. Kitang-kita naman sa mga mata niya eh. And most especially in his smile.
The smile that’s been gone for the past seven years. The smile that only came back when she returned after such a long time. The smile that is reserved only for her and no one else.
And the smile that I really wish was meant for me and not that girl.
Ilang beses akong nag-sniff, at madali kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko bago pa may makapansin.
Lance, I’m begging you. Don’t say it. Please don’t say it.
“I do.”
Sh*t. Damn it.
Instant tears welled up in my eyes once again and immediately flowed down afterwards.
Tanga ka talaga Andrea. Ang tanga-tanga mo talaga. Bakit ka pa kasi dumalo sa kasalang ‘to? Nagpapaka-martyr ka ba? O sadyang nababaliw ka na talaga? Anong ine-expect mo? Na may mangyaring himala at biglang magbago ang isip niya? Na makipaghiwalay siya sa babaeng pinakamamahal niya at piliin ka?
Sakdalan ang katangahan mo kung naisip mong mangyayari yun.
Kasi kahit anong hiling mo, kahit anong pagpupumilit mo, at kahit ano pa mang proseso ang maisipan mong gawin para maisakatuparan yang mga panata mo, IMPOSIBLE pa ring mangyari ang mga ginugusto mo.
Kasi kahit kailan, kahit ano pa man ang mangyari, kahit magkabaliktad pa man ang langit at lupa, hindi pa rin ikaw ang pipiliin niya.
“I think you might need this.” Ang biglang sambit ng lalaking nasa tabi ko, sabay abot ng isang nakatuping panyo sa akin.
Napatingin ako saglit sa kanya at agad na umiwas ng tingin.
“And why should I need that?” Pagdedeny ko, sabay punas muli ng mga luha sa mga mata ko.
I heard him snicker for a moment, tapos mamaya-maya bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko at inilagay doon ang panyo.
“Alam kong kanina ka pa naluluha, so there’s really no point in trying to fool me.” Sabi niya.
I sighed grudgingly and finally used the handkerchief.
“Thank you na lang.” Ang nag-aatubili kong sambit.
May ngiting namuo sa mga labi niya, at tumango na lang siya. Mamaya-maya’y itinuon muli namin ang aming atensyon sa kasal. Nasa proclamation of wedding vows pa rin, pero this time, yung bride naman yung tatanungin.
“And Nadine Beatrice Gonzalez, do you take Lance Jacob Santiago to be your lawful wedded husband, to live in the holy estate of matrimony? Will you love, honor, comfort and cherish him from this day forward, forsaking others, keeping only unto him for as long as you both shall live?”
“I do.”
Ewan ko kung bakit, pero bigla na lang akong napatingin ulit sa katabi ko nung mga sandaling iyon. At nung makita ko ang napakalungkot na ekspresyon sa mukha niya, na-confirm lang ang hinala ko tungkol sa mga nararamdaman niya para kay Nadine Gonzalez.
“Mahal mo siya no?” Ang walang alinlangan kong pahayag, tinitingnan siya nang maigi.
Napabuntong-hininga siya at napatingin ulit sa akin.
“Ganun ba kahalata? O sadyang kanina mo pa ako tinitingnan kaya mo napansin?” Ang tila pilit na biro niya.
Hindi ko mapigilang mag-eyeroll.
“Neither. Sadyang observant lang talaga ako.” Sagot ko naman. Umiwas tingin ulit ako at itinuon na lang muli ang atensyon ko sa altar, pero hindi ko mapigilang maudlot habang tinitingnan ang mga ikakasal na nagbibigay ng kanilang mga panata sa isa’t isa.
Malas ko lang dahil napansin naman yun ng katabi ko.
“Mahal mo siya no?” Sabi naman niya.
Sasamaan ko na sana siya ng tingin, kasi akala ko inaasar niya ako nung mga oras na yun, pero nang makita ko ang pakikiramay sa mga mata niya ay muli akong naudlot.
“Pareho lang naman tayo eh.” Sabi ko, sabay buntong-hininga. “Nagmahal na nga nang lubusan, pero sa huli, hindi pa rin pinili. Sadyang ang sama talaga ng tadhana no?”
Napabuntong-hininga muli siya at tumango.
“Oo nga eh. Sadyang ang sama talaga.” Sang-ayon niya.
Bigla na lang naputol ang usapan namin nang magsalita ang pari.
“Then by the power vested in me by the Lord Our God, I now pronounce you husband and wife. Lance, you may now kiss your bride.” Deklara niya.
Yumuko na lang ako para hindi sila makita. Mamaya-maya’y narinig ko ang malakas na hiyawan at palakpakan mula sa mga bisita, at tumingin ang lahat sa gitna para sa final march ng bagong kasal. Ngumiti ako nang pilit at nakisama na lang sa palakpakan. Nakita kong ganun din yung ginawa nung katabi ko.
“You’re coming to the reception?” Biglang tanong niya sa akin.
Pinagkibit ko ang mga balikat ko at nag-eyeroll muli.
“In this state? Dito pa nga lang luhaan na ako. What more pa kaya doon? For your information, hindi ako masokista.” Sabat ko.
He snickered once again, and a grin formed on his face.
“Come on. Just accompany me for a short while. Para may karamay rin naman ako doon kahit papano.” Pakiusap niya.
Tiningnan ko siya nang maigi, and there was complete sincerity and understanding in his eyes. I crossed my arms and sighed another grudging sigh.
“Fine. Since you’re already begging.” Sabi ko.
He chuckled and gave me a teasing grin.
“Nga pala, I never got to know your name.” Sambit niya.
I couldn’t help but roll my eyes once again.
“Hindi ba’t dapat ikaw yung unang nagpapakilala?” I retorted. “Well anyways, it’s Andrea. Andrea Lope.”
He held out his hand and I took it, shaking hands with him.
“Nice to meet you. I’m Austin delos Santos.”
BINABASA MO ANG
Mutually Unrequited ~ Austin and Andrea's Story ~
Novela Juvenil[My Boyfriend by Accident Side Story] [Summary] Siya ang itinuring na hadlang sa pagkakatuluyan nila. Siya naman ang itinuring na panira sa pagsasamahan nila. Siya si Austin delos Santos. At siya naman si Andrea Lope. Parehong mga tauhang nagmahal n...