Chapter 5

2.7K 62 15
                                    

July 7, 2019

“Okay, hanggang diyan na muna yung practice natin.” Announce ni Alex pagkatapos ng halos apat na oras na walang katigil-tigil na music session.

Agad kong itinabi yung bass ko at lumapit kay Camille, na siyang nag-aayos ng kanyang mga music sheet sa tapat ng keyboard.

“Uy, gusto mong gumala ngayon? Just the two of us? Matagal-tagal na rin kasi since yung last time na nag-outing tayong mag-best friends.” Paanyaya ko, sabay tapik sa balikat niya.

Napatingin na rin siya sa akin, at halatang nag-aatubili talaga siya nung mga oras na iyon.

“A, magpaplano pa kasi kami nina Kate at Jasmine ngayon para sa welcome home party nina Lance at Nadine. After all, they’re arriving two weeks from now.” Paliwanag niya.

Hindi ko mapigilang sumimangot nung mga sandaling iyon.

“Hindi ba pwedeng next time na lang yan? May two weeks pa naman bago ang pagdating nila e.” Pagpupumilit ko.

Napabuntong-hininga siya.

“Drea, next time na lang talaga. Ngayon lang rin kasi available ang lahat kaya sa araw na ito lang talaga kami makakapagplano. Kung gusto mo, sumama ka na lang rin.” Imbita niya.

Mas lalo lang akong napasimangot.

“Seryoso? Sa tingin mo ba gugustuhin ko pang sumama sa inyo? Lalo na diyan sa pinaplano niyo? As if.” Sabat ko, at pagkatapos nun ay sinukbit ko yung handbag ko at dumiretso palabas ng studio.

Nakakainis naman. Pati ba naman yung best friend tsaka mga kabanda ko inagaw na rin ng babaeng yun? Lahat na lang ba ng mga taong malalapit sa akin mapupunta sa kanya? Ano bang meron sa kanya at halos lahat ng mga tao sa mundo gustung-gusto siya? At ano bang meron sa kanya at halos lahat ng mga kalalakihan sa mundo pinag-aagawan siya?

O, nagulat ba kayo dun sa sentimiyento ko? Hay. Eto kasi yung nakakainis na katotohanan e. Sa pagkakaalala ko kasi, hindi lang naman sina Lance at Austin ang nagkagusto sa kanya. Pati si Ralph patay na patay rin sa kanya noon. At kahit hindi man ganun kahalata, alam kong nagkagusto rin si Alex sa kanya. Tsaka wag rin nating kakalimutan na nagkaroon siya ng rumored boyfriend nung namamalagi pa siya sa America. Psh. Edi siya na ang hinahabol ng mga lalaki! Siya na ang mahaba ang buhok! (-_-)

Iritang-irita pa rin ako pagkalabas ko ng building. Hay, makapag-dinner na nga lang sa Le Francine. Nasa mood na naman kasi akong kumain ng lobster. At pampawala na rin yun ng stress kung tutuusin.

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla kong naalala ang mga pangyayaring naganap nung huling beses na nag-dinner ako sa restaurant na yun. Naramdaman ko ang agarang pag-init ng mukha ko, at ilang beses kong pinagsasampal ang mga pisngi ko pagkatapos.

Put a sock in it, Andrea! Letche. Para kang tanga diyan! (=_=)

Ilang beses akong pwersahang umiling at pagkaraan ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

“Welcome and good evening, Miss. Table for one?” Bati sa akin ng maître d.

Nagmasid-masid ako sa loob, at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Austin doon. Tatango na sana ako sa direksyon ng server, pero natigilan ako nang napagtanto kong hindi lang pala nag-iisa ang gung-gong. May babaeng nakaupo sa tapat niya, at pawang masaya pa talaga silang nagkukwentuhan habang kumakain.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong nakaramdam ng pagkirot sa dibdib ko. Nawalan rin ako ng ganang kumain pagkatapos, at para bang mas lalo lang akong nainis nung mga sandaling iyon. Umiling na lang ako sa gawi ng maître d, at dali-daling umalis.

Bwiset naman o. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano naman kung may ka-date siyang iba ngayon? At ano naman kung mukhang masaya siyang kasama ang babaeng yun kanina? Psh. Why should I even care, right? It’s not like I’m committed to him or anything like that. We’re barely even friends. At kadamayan ko lang talaga siya. After all, like what I’ve always said, he’s just a mere acquaintance. Nothing more, nothing less.

Pero bakit ba ako nagiging ganito nang dahil lang sa kanya?

Muli na naman akong pwersahang umiling. Hay naku, Andrea. You’re just too stressed and emotionally drained kaya ka nagkakagayan. Kung anu-anong kahibangan na tuloy ang pumapasok diyan sa isipan mo. Kailangan mo lang talaga ng stress reliever. You need something to distract yourself. You need to have fun. At least for a night.

At saktong-sakto ay napadaan ako sa Grimoire Hill, isa sa mga pinakabago at pinakasikat na bar doon. May namuong ngiti sa aking mga labi at dumiretso ako papasok nang walang alinlangan.

It’s time to party all night tonight.

Mutually Unrequited ~ Austin and Andrea's Story ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon