Chapter 3

3.3K 73 37
                                    

June 22, 2019

“I’m on my way now. Geez.” Sabi ko sa kausap ko sa cellphone nung umagang iyon, sabay labas sa kotse ko.

Sinukbit ko ang dala-dala kong backpack and turned on the alarm of my BMW. Madali naman akong pumasok sa gym na nasa tapat ko pagkatapos.

“You’re late. Again.” Salubong sa akin ng personal trainer at nakatatandang kapatid kong si Calvin Lope. Tinitigan niya ako nang masama at tinaasan pa ng kilay.

I couldn’t help but roll my eyes.

“Ilang minuto lang naman eh.” Depensa ko.

He crossed his arms in irritation.

“Anong 'ilang minuto'? Tatlong oras mo akong pinaghintay dito. Alam mo ba kung anong oras na?” Sumbat niya.

I scowled.

“Geez. Just cut me some slack. Na-late lang ako ng gising.” I muttered. “And besides, kesa magreklamo ka diyan na parang na-menopause na gurang, let’s just get started with the training already.” At bago pa makaangal muli ang mapagreklamo kong kapatid ay tumuloy na ako sa training area at dumiretso papunta sa mga treadmill.

Nakita ko siyang magbuntong-hininga at mamaya-maya’y nag-atubili na siyang sumunod sa akin.

Si Kuya Calvin ang may-ari ng fitness gym na pinapasukan ko. Marami na yung mga branches sa buong bansa, at sa main branch siya nagtatrabaho bilang personal trainer, pero para sa mga piling tao lamang. Instructor naman ang asawa niyang si Ate Guinevere, at siya ang madalas na nagtuturo ng zumba dito rin sa main branch.

Pagkatapos ng ilang pumping sessions, zumba classes at yoga exercises ay dumiretso na ako sa locker room para mag-shower. Almost 1:00 na rin kasi nung matapos ko yung work-out, at gusto ko na talagang mag-lunch.

Nang makapagbihis at makapag-ayos na ako ay tumungo ako sa counter para daanan si Kuya.

“Una na ako ah.” Pagpapaalam ko.

Tumango ang kapatid ko.

“Sige, ingat.” Sambit niya. “And next time, don’t be late.” Dagdag pa niya.

I rolled my eyes once again.

“Yeah, yeah. Quit nagging me already.” I muttered. “Baka mamaya, hiwalayan ka niyan ni Ate Gwen dahil sa pagiging bungangero mo.” Asar ko, at madali akong umalis bago pa niya ako masumbatan muli.

Papunta na ako sa exit nang may bigla na lang akong nakasalubong sa daanan.

“It seems that we meet again.” Pahayag ng walang iba kundi ni Austin delos Santos, may nakalapat na mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin.

I blinked back several times, astonished. Hindi ko talaga ine-expect na magkikita pa kami muli ng asungot na yun pagkatapos ng wedding at reception nina Nadine at Lance. Ni hindi ko nga inaakalang magkukrus muli ang landas naming dalawa. And to think, of all places, dito pa kami nagkasalubong.

“You also work out here?” I tried to ask nonchalantly, pretending to be unaffected and indifferent.

Tumango siya.

“You’re already done?” Tanong niya pagkalipas ng ilang sandali.

I crossed my arms in outright mockery.

“Hindi ba halata?” Sabat ko.

But instead of getting insulted, a mischievous grin formed on his lips.

“Same as ever. But of course, hindi ko naman ine-expect na iiba agad yang ugali mo after only a week.” Sabi niya.

Susumbat pa sana muli ako nang bigla namang dumating ang kapatid ko.

“Mr. Delos Santos, nakarating ka na pala.” Bati niya sa kausap ko.

“Ah, it’s you Coach Lope.” Sagot naman ni Austin.

Nakalapit-lapit na si Kuya sa amin, at dun niya naman ako napansin.

“O, akala ko ba aalis ka na?” Tanong niya sa akin.

Pinagkibit ko ang mga balikat ko.

“May nakasalubong lang kasi ako.” Sabi ko, sabay turo sa lalaking nasa tabi ko.

Napatingin sa aming dalawa si Kuya.

“The two of you know each other?” Tanong niya.

Nagtinginan kami ni Austin saglit, at mamaya-maya’y itinuon ko muli ang aking titig sa kapatid ko.

“We’re just acquaintances. Pareho kasi kaming dumalo sa kasal ni Lance.” Sagot ko.

Tumango si Kuya, pero nanatili pa rin siyang nakatingin nang maigi sa akin. I definitely recognize the look that he was giving me.

“Anyways, nandiyan na ba si Coach Dela Cruz, Coach Lope?” Biglang tanong ni Austin.

Inilayo na rin sa wakas ni Kuya ang tingin niya sa akin.

“Ah, oo. Kani-kanina lang siya dumating.” Sagot niya.

Tumango si Austin at nag-umpisang maglakad papunta sa training area ng gym.

“Sige, I’ll be off then.” Paalam niya sa amin.

Lumipas ang ilang sandali, at muli na naman akong tinitigan ni Kuya.

“Just acquaintances?” Tanong niya.

I couldn’t help but snort.

“Geez. Ayan ka na naman sa mga false assumptions mo, Kuya.” Sabat ko. “Yes, we’re just mere acquaintances. Nothing more, nothing less.”

He chuckled.

“I was only asking. There’s no need to be so defensive, you know.” Apila niya.

I suppressed another urge to roll my eyes.

“Hay naku. Ang mga palusot mo talaga.” Sabi ko. “I know that look, Kuya. And before I let you jump into conclusions, I’m going to clarify you one thing. Imposibleng maging kami ng lalaking yun. Kasi iba ang mahal ko, at iba naman ang mahal niya. Sadyang magkaramay lang talaga kaming dalawa.”

Pero mukhang hindi pa rin naniniwala ang kapatid ko sa mga sinabi ko. At bago siya tumalikod at tumungo pabalik sa counter ay nakita kong may namuong mapang-asar na ngiti sa mga labi niya.

“Wag na wag kang magsasalita nang patapos, bunso. Kasi baka magulat ka na lang, ang mga bagay na inaakala mong imposibleng mangyari ay bigla na lang magkatotoo.”

Mutually Unrequited ~ Austin and Andrea's Story ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon