“Since pre-school?” I asked incredulously, nakatunganga sa kausap ko nung mga sandaling iyon. Hindi ko napigilan ang sarili ko at biglang napatawa. “Ang loyal mo naman. More than twenty years.” Dagdag ko pa.
Napatawa na rin si Austin, sabay sulyap sa first love niya, na katabi naman si Lance sa pinakaharap ng reception area.
“Oo nga eh. Ang tatag ko. Akalain mo yun, for more than twenty years, siya lang talaga ang natatanging babaeng minahal ko nang lubus-lubusan.” Sambit niya.
Tiningnan ko siya nang maigi.
“Pero first love ka rin niya diba? First boyfriend tsaka first kiss?” Sabi ko.
Napatingin na rin siya sa akin, at huminga siya nang malalim pagkatapos.
“As far as I’m aware.” Sagot niya.
Napabuntong-hininga naman ako, sabay sandig sa upuan ko.
“Bakit kaya hindi na lang kayo ang nagkatuluyan no? Tutal, first love never dies.”
“But true love happens only once in a lifetime.” Kontra naman niya.
Tiningnan ko muli siya nang maigi, at mamaya-maya’y nagbuntong-hininga muli.
“Kung tutuusin.” Ang nag-aatubiling pagsang-ayon ko. Napunta muli ang titig ko sa harapan, at hindi ko mapigilang maudlot pagkatapos.
May binibigay na speech sina Clark at ang girlfriend niya para sa bagong kasal, at nagkakatuwaan silang magbabarkada doon, pati na rin ang ibang mga bisita. Agad na bumigat ang dibdib ko nang makita ko kung gaano kasaya si Lance. Kanina pa niya hawak-hawak ang kamay ng asawa niya, at parang wala talaga siyang planong bitawan ito.
“Pero sayang talaga at hindi kayo ang nagkatuluyan. Kasi kung yun ang nangyari, posibleng naging ako ang nasa tabi ni Lance at nagsasaya ngayon.” Ang nanghihinayang kong pahayag.
Oo na, oo na. Alam kong kokontra kayo. Alam ko namang marami kayong may galit sa akin eh. I get the picture. Pero aminin niyo man o sa hindi, POSIBLE pa rin kaming magkatuluyan ni Lance kung nagkabalikan sina Austin at Nadine. Face the probable outcomes! Tutal, kahit sabihin niyo namang wala talagang namagitan sa amin ni Lance sa pitong taong nagkasama kami bilang magkabanda, ako pa rin ay isa sa mga pinakamalapit at pinakamatalik niyang kaibigan. KAYA PWEDE PA RIN SANA KAMI!
Kung hindi lang talaga sila nagkabalikan ni Nadine.
I sighed for what seemed like the millionth time that day. Pero nang mapatingin ako sa aking tabi ay nakita ko namang nakatitig sa akin ang karamay ko, at hindi ko maintindihan ang ekspresyon sa kanyang mukha.
“What?” Ang nagtatakang tanong ko sa kanya, nakatitig na rin.
Understanding flashed in his eyes, and a small sincere smile formed on his lips.
“First love mo siya no?” Sambit niya.
Agad akong umiwas ng tingin at napayuko.
“Ever since the fifth grade.” Sabi ko. “Pero alam ko namang hindi ako ang first love niya. Heck, never nga akong napasama sa listahan ng mga naging girlfriend niya. After all, I will always and forever be just a friend to him and nothing else. At least, I really hope I still am after what happened.”
“What do you mean?” Tanong niya.
I gave him an ironically mocking smile.
“Ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay more than seven years ago.” Ang walang alinlangang sagot ko.
Lumipas ang ilang sandali, at nanatili lang kaming nakatitig sa isa’t isa. Tiningnan niya ako nang maigi, at halatang pinagdududahan niya ang mga sinabi ko.
“Seryoso?” Usisa niya.
Madali naman akong tumango.
“In other words, sa love story nila, ako ang jealous girl na pilit na humahadlang sa kanilang happy ending.” Sabi ko. “Well, after all, every story needs to have an antagonist for it to be great.”
“Pero paano naman yung antagonist? Can’t she at least get a happy ending after everything that happened?” Biglang pahayag niya.
Mas lalo lang akong napatitig sa kanya.
“Have you forgotten? The antagonist never gets the main hero or heroine. And I mean NEVER.” Kontra ko.
He snickered once again, a teasing grin forming on his lips.
“Alam ko yun. But can’t an antagonist become a protagonist? Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang mga istorya. At sa istoryang iyon, tayo ang nagiging bida.” Sabi niya.
Huminga ako nang malalim.
“Eh paano ba yan? Wala pa ring kwenta kahit ako na ang bida. Kasi ang prinsipe ko, nakuha na ng iba.” Ang hindi pagsang-ayon ko.
“Hindi naman lahat ng prinsesa nakakatuluyan si Prince Charming diba?” Sabi naman niya.
Napatingin muli ako sa kanya.
“Kasi yung iba, itinadhana para kay Knight-In-Shining-Armor?” Pahayag ko.
Another snicker escaped his lips.
“Well, you could say that.” Sang-ayon niya.
I tried to suppress another urge to roll my eyes, but end up failing.
“Then he should better find me fast. Because I’m not a patient princess.” Sabi ko.
Nakita kong may namuong ngiti muli sa mga labi ni Austin, pero hindi ko talaga alam kung mapang-asar o seryoso ang ekspresyon sa mukha niya.
“Malay mo, katabi mo na pala siya.”
BINABASA MO ANG
Mutually Unrequited ~ Austin and Andrea's Story ~
Teen Fiction[My Boyfriend by Accident Side Story] [Summary] Siya ang itinuring na hadlang sa pagkakatuluyan nila. Siya naman ang itinuring na panira sa pagsasamahan nila. Siya si Austin delos Santos. At siya naman si Andrea Lope. Parehong mga tauhang nagmahal n...