4

464 107 168
                                    

Arvin Villarin






Nang mahulog ang gabi ay ibinunyag ng madilim na langit ang kanyang nagniningning na mga bituin. Nakakapanghinayang nga lang at hindi ko na kayang hangaan ang kagandahan nito na parang isang lumang litrato dahil nagmamadali kami. Napatalon ako sa aking upuan nang biglang mabilis na imaneho ni Marco ang sasakyan sa isang malaking lubak sa kakahuyan.

Pagkatapos naming maihatid ang dalawang bata na nagb-benta ng baril sa Reefs kanina ay inutusan kaagad ako ni Czar na magnakaw na naman ng mga panibagong alak na ihahatid sa mansyon ng mga Bondoc.

Kung makautos talaga si Czar akala mo ay walang buhay na matataya sa pagnanakaw ng de-kalidad na mga alak. Tumatakas na kami ngayon sa masukal na ruta ng bayan na dating nasa pangalan naming mga Prevosa. Pero dahil nga't umaangat ang pera ng mga Bondoc ay pinilit nilang ipinahiwatig na sa kanila na ang lupaing ito na walang paalam sa amin. Pinunuan nila ito ng mga bantay sa gabi upang wala nang makakuha pa ng mga kalidad na alak sa lungsod. Ang lalakas talaga ng loob pero mga duwag naman, kailangan pa nilang magdagdag ng basagulerong tauhan para makaharap sa amin.

Tinignan ko ang aking orasan. Maga-alas onse na ng gabi.

"Marco, malapit nang rumonda ang mga pulis sa rutang ito." Ang pag-papaalala ko sa aking tsuper.

"Bakit hindi nalang natin sila subukang bayaran ng kahit kakaonti? Tulad ng dati." Ang tanong ni Marco.

Mahigit walong buwan palang ang pagsali ni Marco Del Martinez bilang tsuper ng mga Prevosa kaya wala pa siyang masyadong alam sa nangyayari dito sa loob ng aming pamilya, halos kasing edad niya lang din yung mga batang nakasalamuha namin kaninang hapon.

"Hindi pwede," umiling ako at tumingin sa rear-view mirror para makita kung may sasakyan na ng mga pulis na sumusunod sa amin. "Hindi papayag si Dennis sa baong barya lamang."

"Dennis?"

Dumaan na naman kami sa isang malaking lubak at napatalon na naman ako sa aking upuan.

"Yung bagong Inspektor ng Prohibition Mafia Head." Ang sagot ko. "Galamay iyon ni Bondoc kaya maraming pera ang naibubulsa noong hayop na iyon. Sigurdong magiging barya lang sa kanya ang nasa walet ko ngayon."

Biglang gumawa ng matalim na kurba si Marco sa kanyang pagmamaneho. Hindi ako kaagad nakahawak sa aking upuan kaya muntikan nang lumabas ang katawan ko sa bukas na bintana ng kotse at muntikan pang mahampas ang ulo ko sa nilagpasan lang namin na puno. Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking kumakabog na dibdib sa takot sapagkat pakiramdam ko lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Putang ina, mmuntikan na akong mamatay dahil sa puno. Sabay dumaan na naman si Marco sa mga lubak kaya napatalon ako sa aking upuan at nauntog sa kisame ng kotse.

Tangina para naman akong magiging giniling dito.

"Hoy! Pinapatay mo ako sa pagmamaneho mo!" Ang pagsaway ko kay Marco at hinawakan ng mahigpit ang balikat niya. "Akala ko ba nagmamaneho ka ng taksi?!"

"Pasensya na po, medyo nahihilo ako sa amoy ng alak sa likod natin." Ang paghihingi ng pasensya ni Marco sa akin.

Tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang balikat at bumalik sa pag sandal sa aking upuan. "Pagtiisan mo," ang utos ko sa binate. "Mas madami naman ang naibubulsa mo dahil sa mga alak na iyan, di ba? Kaya mag-ingat ka upang masweldohan ka."

𝑷𝑨𝒀𝑩𝑨𝑪𝑲 (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon