𝐅 𝐈 𝐑 𝐈 𝐍 𝐆

225 25 87
                                    

Eliza Lagos


Ito ang isa sa pinakamadilim na madaling-araw na naranasan ko. Walang senyales ng mga bituing nagbabantay sa langit at dumadalaw ang nakakapangtusok ang lamig ng hangin kahit may dalawang patong na ako ng damit sa aking katawan.

Ipinahiram sa akin ni Ezra ang kanyang dyaket, balabal, at cap dahil natatakot siya na baka ikapahamak ko pa daw kapag nakilala ako ng tauhan ni Joshua.

"Isuot mo iyan dahil hindi mo alam kung ano ang mga maaaring mangayari. Mag-iingat ka." Ang sabi pa niya sa akin bago pa ako umalis. Sa alinmang paraan ay hihiramin ko rin naman ang damit niya dahil baka may makakilala sa akin dito.

Nanatili kami sa sasakyan ni Arvin na ilang metro ang layo sa nasabing bahay aksesorya. Kadarating lang din ni Cole, ang lalaking naghihikayat na ibenta ni Ezra ang kanyang baril sa mga Bondoc noong nakaraang araw, binibilang niya ang paunang bayad upang abalahin ang atensyon ng tauhan ni Joshua. Malawak ang kanyang ngiti na parang isang estadistang gutom sa pera.

"Makukuha mo ang kabuoan ng bayad kung magtatagumpay ka," sabi ni Arvin na nasa may manebela sabay na may inabot siyang bote ng alak kay Cole. Hindi niya kaagad tinanggap ito ni Cole dahil kahit sino, mas lalo na't isa kang traydor, ay hindi mo kaagad tatanggapin ang bagay na iaabot sa iyo ng kahit sino.

"Wag kang mag-alala walang lason iyan." Ang paninigurado ni Arvin.

"Hindi na," ang pagtanggi ni Cole sa alak habang ibinubulsa na niya ang kanyang pera. "Ayos na ako."

"Sa akin na lang," ang sabi ko at kinuha sa kamay ni Arvin ang alak sa kanyang kamay.

"Nasa may kabilang gilid lang ng gusali ang tauhan ni Joshua nagbabantay kaya siguraduhin mong hindi ka makikita sa pagpasok sa pangunahing pintuan." Pagbibigay ng instruksyon ni Cole sa akin habang pinupunuan ko ang aking bibig ng alak.

"Nasa pangatlong palapag si Joshua kasama ang kanyang kasintahan, siguradong kandado ang pintuan kaya tiyakin mong—" napahinto siya sa pagsasalita noong makita niya akong idinura ko ang alak sa aking manggas at nagpahid din ako sa balabal para mag-amoy alak ako.

"Ikaw . . . Sigurado ka bang kaibigan mo si Ezra?" ang pagkukwestyon niya sa akin pero hindi ko lang siya pinansin.

Sa mga ganitong oras ay madalas na nasa labas pa ang mga manggagawa at umiinom kaya walang magsususpetsya kung may isang taong lasing na naglalakad para huminto sa harapan ng bahay aksesorya.

"Magsimula na tayo," ang utos ko kay Cole na nakatingin sa akin na may pandidiri sa kanyang mukha.


Sabay kaming lumabas ni Cole pero parehas kaming dumaan sa magkabilang direksyon para magmukhang hindi kami magkakilala. Sinigurado kong makikita ako ng tauhan ni Joshua na nasa loob ng kanyang sasakyan. Naglalakad ako ng parang lasing sa ilalim ng madilim na araw, pasayaw-sayaw ang bawat hakbang ko bago kunwarian akong mahulog sa harapan may hagdanan ng pintuan sa sobrang kalasingan.

Sa totoo lang, nakakaramdam na din ako ng kakaonting hilo dahil sa dami ng nailagay kong alak sa damit ko. Hindi ko naman alam na ganoon kalakas ang alak na ibinigay ni Arvin at kaunti lang din naman ang nainom ko.

Umupo ako sa hagdanan at isinanandal ko ang aking ulo sa pader. Ipinikit ko ang aking mata at itinago ang aking mukha gamit ang balabal sabay yumuko. Tiyak na nakita na ako ng tauhan ni Joshua dahil nakarinig na ako ng magagaang yabang ng mga paa sa kongretong lupa. Bahagya akong yumuko at sinilip ang lalaking naglalakad. Sigurado ako na nakita ko na kahapon sa Reef ang lalaking ito pero hindi naman ako nag-abala na tandaan ang mga mukha nila pero mas maganda nang handa.

𝑷𝑨𝒀𝑩𝑨𝑪𝑲 (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon