5

298 28 79
                                    

Arvin Villarin


"Sinasabi ko talaga, bubugbugin ko 'yang tarantadong 'yan kapag pinaiyak niya si Grace," giit ko kay Alex habang pinupuno ko ang bibig ko ng pagkain.

Minahal ako ni Grace pero kinakailangan niyang magpakasal sa iba para sa Pamilyang ito tapos nakikita ko siyang nakangiti kahit alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya. Masakit panoorin para sa akin ang kasal na ito at unti-unti ko pang iniisip na magkakaroon din sila ng anak sa hinaharap. At ako pa itong nagisip noon na hindi ka maaaring magpakasal kapag hindi mo naman mahal ang taong nasa kasama mo. Kalokohan. Dapat talaga ako yung unang lumuhod kaso kaso masyado akong naging duwag. Natatakot ako na baka hindi ako nararapat para sa kanya at sa huli ay pinagsisisihan ko ang desisyong ito.

Dapat ako yung kasama niya ngayon.

Dapat ako yung nakatuksedo.

Dapat ako yung hinalikan niya.

Ngunit dumating ang taong mataas ang tingin sa kanyang sarili, may dala-dalang bulkahe ng pera, at kapangyarihan.

Gusto kong magwala kapag nakikita kong hinahawakan ng lalaking iyon ang bewang ni Grace. Kanina ko pa napapansin kung gaano hindi kakomportable si Grace tuwing hinahawakan siya ni Custodio. Inilalayo ni Grace ang kanyang mukha kay sa mukha ng kanyang asawa habang hinaharang niya ang kanyang braso sa kanyang dibdib.

Paano niya nagagawa iyan?

Ang akala ko nakalipas na sa akin ang pakiramdam ng pagseselos ko noong nakaraang isang linggo, ngunit hindi ko inaasahang mas malala pa ang damdaming ko ngayong araw ng kanilang kasal. Dumagdag pa yung sama ng loob ko dahil sa pagkamatay ni Marco. Nakakabaliw!

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Alex. "Wala ka nang magagawa sa mga nangyari nangako na sila sa harapan ng Diyos, ang sab isa kasulatan "Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isa." Kaya tigilan mo na iyang pagiinarte mo, Arvin. Nakakasira ka lang ng gana sa pagkain," naiinis na sinabi sa akin na hindi manlang ginagalaw ang pagkaing nasa pinggan niya.

"Manahimik ka! Mas malala pa sa impyerno ang lugar na ito!" Ang sigaw ko kay Alex at nagpatuloy pang lumamon na parang baboy. Hindi naman niya alam kung ano ang nararamdaman ko, akala niya ganoon kadali kalimutan ang nadadama ko.

"Sa lahat ng iiwasan mo ay ang pangangabit," ang payo sa akin ni Alex habang nagsimula nang kumain. "Mahirap na kapag nakalaban natin ang mga Reveleon. Wala tayong laban sa kanila."

"Mukha ba akong isang taong mangangabit sa may asawa? Alex ang tagal na nating magkatrabaho, dapat kilalang-kilala mo na ako."

Sumubo ulit si Alex sa kanyang pagkain sabay saad, "Kilala nga kita, Arvin. Ngunit hindi mo maipagkakaila na maraming tao ang nagiging hangal dahil sa pag-ibig."

Napatahimik ako sa kanyang sinabi kaya nagpatuloy nalang ako sas pagkain. Matagal kong pinanghawakan ang isang taong na pinangarap kong makasama sa aking buhay. At ngayon ay kumakain ako sa kasal niya kasama ang ibang lalaki. Hindi ito ganoon kadali kalimutan. May mga nakita na akong umiiyak na mga lalaki kapag nararanasan nila ang ganitong uri ng sitwasyon, at ikinatutuwa ko nalang na napipigilan ko pa ang aking luha sa pag-agos.

Ang malala pa sa lahat ay hindi ko na makakausap si Grace dahil ipinagbabawal na kaming mga hindi kamag-anak na lalaki na makipag-usap kami sa mga babaeng asawa sa Pamilyang Prevosa. Kailangan naming respetuhin ang kanilang relasyon upang maiwasan ang pangangabit. Hindi rin naman ako yung lalaking handang manira ng isang relasyon kahit sapilitan pa ito.

𝑷𝑨𝒀𝑩𝑨𝑪𝑲 (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon