Recap:
"Look at me mate" he commanded. I felt a jolt of electricity when he touched my face. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko hanggang sa magkatinginan kami. It can't be! Tell me he's not my mate.
"Arkand" I whispered. Oh no! I'm doomed.
Anya's P.O.V
"Where are you going Marcus?" tanong ko sa kanya, nasa kusina ako kasama si L.A nang makita kong dumaan si Marcus papunta sa pintuan.
"Into the woods baby. My wolf is eager to run" he said then shrugged his shoulders.
"No you cant. You're still injured and not fully healed" I said, teasing him. Alam kong gustong-gusto na ng wolf niyang makawala, tumakbo hanggang sa mapagod. Lumapit siya saakin at hinapit ang bewang ko tsaka ipinatong niya ang ulo niya sa leeg ko at bumulong.
"Please baby?" he said then lick my earlobe. God! Gustong kumawala ng ungol sa bibig ko pero pinigilan ko dahil alam kong nakatingin saamin si L.A.
"Naughty Marcus! Fine, you can run" I said. I can feel him twitch his lips, I think he's smiling. Hinawakan ko ang buhok niya at hinayaan kong paglaruan ito ng kamay ko. I really love his hair, it's soft and silky.
"Thank you. I'll be back later. I love you" he said and kissed my forehead.
"I love you too" I replied. Lumakad na siya palabas ng pack house, habang ako ay umupo ulit sa upuan habang may ngiti sa aking labi. Tumikhim si L.A kaya napatingin ako sa kanya, masayang nginitian niya ako.
"That was so sweet! I already missed my mate" L.A said then giggled. I rolled my eyes at her pero hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko. Yep, that was sweet. Bumalik na kami sa pagkwekwentuhan hanggang sa maisipan naming magluto.
L.A taught me lots of new recipe to cook, kaya naman ang raming pagkain ang nakahain ngayon. Hindi na ako makapaghintay na maipatikim ito kay Marcus at alam kong mauubos rin ito mamaya dahil sa rami ng werewolves na kakain.
"Thank you L.A" sabi ko sa kanya at niyakap siya.
"Walang anuman Luna, trabaho ko pong paglingkudan kayo" sabi niya saakin. I am really lucky to have a friend like her.
Marcus P.O.V
Pagkalabas na pagkalabas ko sa pack house I let my wolf to take over. Kagat kagat ko ang damit na kinuha ko kanina. Tumakbo kami sa pinakaloob ng gubat. I suddenly remembered Arkand said.
FLASHBACK
Naglalakad ako sa likod ng bahay ng makita ko si Arkand na may kinakausap. Nakatalikod ito saakin kaya hindi ko ito namukhaan.
"Kung ayaw mong isabi sa kanya ako ang magsasabi!" rinig kong sabi ni Arkand, galit na galit ito. Anong pinagaawayan nila?
"Wag! Please maawa ka! Papatayin niya ang kasamahan ko pag nalaman niya." pagmamakaawa ng babae sa kanya. Fcvk. Bakit ba ako nakikinig sa usapan nilang dalawa? Wala naman akong pakialam, pero naiinis ako kasi nandito paring ang gagong Arkand na yan.
Napatingin siya sa kinaroroonan ko, agad akong tumalikod at umaktong babalik sa loob ng pack house ng tawagin niya ako.
"Marcus"
"Anong kailangan mo Arkand?" tanong ko habang nakatalikod parin. Palagay ko nakaalis na ang babaeng kausap niya kanina.
"Kailangan kitang makausap" sabi niya. T*ngna wag niya lang sasabihin na aagawin niya saakin si Anya kung hindi papatayin ko talaga siya. Masamang tiningnan ko siya at nagsalita.
"Tungkol saan?" tanong ko.
"Layuan mo siya. Layuan mo si Anya. Hindi karapat-dapat ang isang tulad mo para sa kanya, masasaktan mo lang siya Marcus." seryosong sabi niya.
"Pvtangina mo Arkand. Anong pakulo ito? At sino ka para sabihing hindi ako karapat-dapat kay Anya!?" galit na sabi ko sa kanya at hinawakan ang kwelyo ng damit na suot niya.
"Kill him!" my wolf said. He's enraged "I will" I replied back.
"Hindi mo naiintindihan Marcus. Maraming mapapahamak pag patuloy pa kayong magsasama ni Anya, kaya ngayon palang layuan mo na siya!" sabi niya at umalis. I was stunned for a minute. Anong ibig niyang sabihin na maraming mapapahamak? Anong alam niya?. I was pissed because of what he said, kaya pumasok ako sa loob para kumuha ng damit. I wanted to run, my wolf wanted to run. Baka hindi ko mapigilan at tuluyan kong mapatay si Arkand.
END OF FLASHBACK
Hindi ko man alam ang ibig sabihin ng pinagsasabi niya, hinding-hindi ako susunod sa kanya. I can't leave Anya. I can't live without her. I can't live without my mate, my Anya. I will do everything in order to protect her even if I die.
Vote. Comment. FollowMe
A/N:
Super duper SORRY sa late update. Hirap lang kasi talagang makatyempo, sobrang busy ko kasi. Malapit na graduation kaya subsob na naman kami sa practice kaya natagalan ang update ko, tapos ang ikli pa nitong update ko. (T_T) Gomenasai minna. Baka bukas magupdate ako ulit pambawi sa matagal kong update sa HUM. Pasensya talaga.
Keep reading and supporting guys. I need your comments, sa chapter na ito. Kung pangit ba siya o okay lang. HAHAHAHA Salamat guys. Vote okay? Loveyou!
BINABASA MO ANG
His Unwanted Mate (REVISING)
WerewolfWolf Series #2 Highest Ranking in Werewolf #1 "I don't want your love or anything from you Anya" He flatly said. I smiled bitterly and bowed my head, tears started streaming down my face. I mumbled something inside my head. "I know Marcus, I know be...