Chapter 27

30.2K 459 47
                                    

"In every shadow there is light. In every tear, a smile. In death, I know there still is life that lingers for awhile."

- Anonymous


*************


"Condolences Luna" Michael and L.A both said. I looked at them and smiled sadly. Puno ang pack house namin. Lahat ng pack members ay pumunta, lahat sila nakikiramay at nagdadalamhati sa agkawala niya. We are grieving for our lost at hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa mga nangyari. It's my fault that he is dead. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.

"Condolences Anya" Alpha Allan said. Umupo siya sa tabi ko.

"Condolences Anya" sabi ni Brett at umupo sa tabi ni Alpha. Ngumiti ako sa kanya and mouthed 'Salamat'

"Ikinulong na namin siya" biglaang sabi ni Alpha Allan na nasa tabi ko. Hindi ako nagsalita. Pagkatapos nang labanang naganap at matapos mamatay si Damien nagsitakas ang mga rouges ang ibang sugatan at buhay pa ay dinala sa pack ni Alpha Allan at tinanong kung sino ang nagsabi sa plano namin then the rouge said who was it. Hindi ako makapaniwala sa sinabi saakin ni Alpha Allan. Sumunod na araw ay nasaksihan ko mismo galing sa kanya na siya ang trumaydor saamin. I can't believe it. Sa maamo niyang mukha, sa kabaitang pinapakita niya saakin, sa lahat ng bagay na nagawa niya. I can't believe she's acting. She deceived us. Lilac deceived us.


Flashback


Dalawang araw na ang lumipas ng mangyari ang labanan sa pagitan ni Alpha Allan at sa rouges na alagad ni Damien. Pinapapunta ako ni Alpha Allan para sa interogasyon. Sinalubong ako ni Brett na halatang pagod. Pumunta kami sa underground kung saan naroon si Alpha kasama ang trumaydor saamin.


"Bakit nandito si Lilac?" nagtatakang tanong ko kay Brett. Nasa loob siya ng kwarto kasama si Alpa Allan.

"Bakit hindi niya tayo napapansin?" tanong ko pa kay Brett.

"Nandito si Lilac dahil siya ang itinuturo ng rouge na sumabutahe sa plano natin. Hindi niya tayo nakikita pero nakikita natin at naririnig natin sila." sagot niya sa mga tanong ko.


"Is it true Lilac?" mahinahong tanong ni Alpha Allan.

"Ano po ba iyon Alpha? May kasalanan ba akong nagawa?" mahinang tanong ni Lilac kay Alpha Allan. Brett scoffed "She's definitely acting. Fvck!" he angrily said. Ibinalik ko ang tingin ko kay Lilac at Alpha Allan. I saw Alpha Allan clenched his fist.

"Magsabi ka ng totoo Lilac! Ikaw ba ang sumabutahe sa plano natin!?" Alpha Allan yelled. Napayuko si Lilac at hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Tumawa ito nang pagkalakas-lakas. Papasok na sana sa loob si Brett pero agad ko itong pinigilan.

"Aba! Congrats! Nalaman mong ako iyon" she said then smirked.

"What the fvck!? Bakit mo ginawa iyon Lilac!?" Alpha Allan angrily said. Biglang dumilim ang anyo ni Lilac pero hindi maalis sa labi nito ang ngiti.

"Correction Alpha. My name is not Lilac it's Lemony. Oh! Do you want to know kung bakit ko iyon nagawa? I did it because of my sister" she said. Hindi agad nakapagsalita si Alpha "Do you remember her? Do you remember Cassandra!? Sinira ng pack na to ang buhay niya!" pasigaw na sabi ni Lilac.

"Hindi sapat iyon para trumaydor ka!" sigaw ni Alpha Allan.

"Hindi sapat!? Fvck you! Siya nalang ang nag-iisa pamilya ko pero namatay siya ng dahil sainyo! Your fvcking beta ruined her life! Brett ruined her and you let her leave this pack kaya napatay siya ng hunters!"she angrily said. Pilit niyang inaatake si Alpha Allan pero hindi niya magawa iyon dahil sa silver chain na nasa kamay at paa niya. Napatingin ako kay Brett. Pagkabigla ay bakas sa mukha ni Brett

"P-pinigilan ko siyang u-umalis. But s-she told me s-she's going to be okay. S-she wanted to start a n-new life. H-hindi ko sinira ang buhay niya" mahinang sabi ni Brett habang saganang tumutulo sa mga mata nito ang luha.


End of Flashback


Nagawa niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Humingi ng kapatawaran si Brett sa kanya sa mga nagawa niya. Sana lang mahanap ni Lilac sa puso niya ang pagpapatawad.

"Luna you should rest. Kami na po ang bahala rito" sabi saakin ni Michael. Tumango ako bilang sagot. Tumayo ako at naglakad patungo sa kwarto namin ni Marcus. Hinwakan ko ang seradura at marahang tinulak ko ang pinto. Umupo ako sa kama namin at umiyak. It's my fault. Bumalik isa-isa ang mga pangyayari ng laban na iyon. I let him die. Wala akong nagawa para sa kanya. Suddenly the bathroom door opened.


"Umiiyak ka na naman" sabi niya saakin and a frown etched in his gorgeous face. Umiling ako at pinunasan ko ang luha ko.

"Napuwing lang ako" sabi ko. That's the lame excuse, I know. He sighed. Umupo siya sa tabi ko at niyakap niya ako.

"It's not your fault baby. Mico fought hard and I salute him for that. He's very loyal to this pack at hindi ka niya sinisi sa nangyari sa kanya. It's inevitable. So please stop blaming yourself makakasama iyan sa inyo ni baby" sabi ni Marcus, tumango ako. He kissed my forehead at humiga kaming dalawa. That day akala ko mawawala na si Marcus saakin. Sobrang natakot ako, nang makarating ang tulong agad naming dinala si Marcus sa pack clinic. The doctors said he has no pulse and that made me cry hard. Michael and L.A came then comforted me. Nagpumilit akong pumasok sa loob nang makapasok ako pinagpapalo ko siya sa dibdib telling him that he should wake up. Sinabi ko sa kanya na hindi namin kakayanin ni baby na wala siya sa tabi namin and I even threatened him that hindi ko siya patatawarin hangga't hindi siya nagigising. Then a miracle happened, sinabi ng doctor na bumalik na ang heartbeat ni Marcus. Kaagad nilang inoperahan si Marcus at ngayon maayos na ang lagay niya.

"I love you so much Anya. I'm sorry for all the things I've done. I am such a jerk. Sorry for hurting you physically and emotionally. Sorry for making you feel unwanted. I'm sorry. Gagawin ko lahat para mapatawad mo ako. I know, hindi ako karapat-dapat sa iyo. I don't deserved you Anya. You deserve someone better than me. Tatanggapin ko kung iiwan niyo man ako but always remember that I love you so much" he sincerely said. Hinawakan ko ang mukha niya at inilapat ko ang labi ko sa labi niya. I kissed him passionately. Alam ko, hindi maganda ang pagsasama namin sa simula. I can't unloved him. He is the best thing that happened to me. He had flaws, I know that. He is not perfect, I also know that. Pero kahit na ilang beses niya akong saktan, mamahalin at mamahalin ko parin siya at mapapatawad ko parin siya. I break the kiss and stared at his eyes.

"I forgive you Marcus and I love you too...so much" sabi ko sa kanya. He smiled. A genuine one. Alam ko na marami pa kaming kakaharaping problema ni Marcus pero alam kong kaya naming lagpasan iyon dahil kasama namin ang isa't-isa.

"Let's sleep. Ihahatid pa natin si Mico sa huling hantungan niya" sabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganon din ang ginawa ko sa kanya. I closed my eyes and smiled. I will no longer be His Unwanted Mate because this Alpha already accepted me.

Vote. Comment

A/N:

Sa mga naguguluhan kung sino ang namatay please re-read chapter 26. Thank you! :)

His Unwanted Mate (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon