"Venus! Nasaan kana? Aalis na tayo!" sigaw ko habang karga ko si Elijah. Ang bunso namin ni Marcus.
"Mommy! I can't find my shoes! Tinago na naman siguro ni Lucas" nakapout na sabi ng panganay ko. Ibinaba ko si Elijah at binigyan ng laruan.
"Bantayan mo muna si Elijah at hahanapin ko si Lucas at ang tatay mo" sabi ko sa kanya. Tumango ito at tumabi kay Elijah.
"Lucas! Where are you?" sigaw ko. I heard him giggled. Nagkunyari akong hindi siya narining pero lumapit ako ng bahagya sa kinaroroonan niya.
"Hmmm. Nasaan na kaya ang baby Lucas ko?" tanong ko. Again, I heard him giggled. Lumabas siya sa pinagtataguan niya at dinamba ako, niyakap ko naman agad siya.
"Mommy! I am not a baby! Big boy na ako" sabi niya ng nagdadabog. Ang cute lang ng anak ko, sarap kurutin sa pisngi.
"Okay, sige na big boy kana. Saan mo tinago ang sapatos ng Ate mo?" tanong ko sa kanya.
"Mommy look! Elijah's toy car, maglaro tayo" pag-iwas niya sa tanong ko I tsk-ed.
"Lucas" warning ko sa kanya. He smiled sheepishly before storming out dala ang toy car ni Elijah.
"Lucassss!" sigaw ko. Suddenly, I felt Marcus hugged me.
"What's the problem baby?" tanong ni Marcus. Hinarap ko siya at ngumuso.
"Yang anak mo, napakakulit! Hays. Tinago na naman niya ang sapatos ng Ate niya" sabi ko.
"Ako na ang kakausap kay Lucas okay?" sabi naman niya sabay halik sa lips ko. I responded, he pulled me closer and deepened the kiss, mahina ko siyang tinulak.
"Sige na kausapin mo na si Lucas at ng makaalis na tayo. Sigurado akong kanina pa sila naghihintay roon" sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Bitin" he murmured before walking away. Napatawa nalang ako. Binalikan ko sa sala ang dalawang anak ko.
"Oh my god!" I said, horrified. "What did you do to your brother?" tanong ko. Venus smiled at me.
"I didn't do anything! I think he's asking some food kaya binigyan ko siya!" sabi niya. Tiningnan ko si Elijah na busy kakakain ng cake niya na ibinigay ng Ate niya. Elijah giggled. Tuwang-tuwa siya habang nilalantakan ang cake. Kinuha ko ang cake sa kanya at nagsimula ng magtubig ang mga mata niya.
"No Elijah. Stop eating. Ang dumi-dumi mo na oh! May pupuntahan pa tayo nila Daddy okay? Mamaya na tayo kakain pag nandon na tayo" sabi ko, mukhang nakakaintindi naman siya at inistretch ang kamay akmang magpapabuhat. Binuhat ko siya at umakyat kami sa taas. Kumuha ako ng damit niya at pinaliguan siya ulit. Matapos paliguan si Elijah, bumaba na kami.
"Lucas ibigay mo na kay Ate Venus ang sapatos niya" rinig kong sabi ni Marcus kay Lucas. Lucas pouted at patakbong pumunta sa kusina. Pagkalabas niya dala na niya ang sapatos ng Ate niya.
"Now ibigay mo na iyan kay Ate then say sorry" utos ni Marcus. Lucas nodded. Pumunta siya sa pwesto ng Ate niya at binigay ang sapatos.
"I'm sorry Ate" he said. Venus patted his head.
"Its okay" sabi ni Venus.
"Hurry up guys. alis na tayo" sabi ko sa kanila. Nagsuot na ng sapatos si Venus at binihisan naman ni Marcus si Lucas.
"Done Mommy!" sabay-sabay nilang sabi. I laughed. Magkahawak kamay kaming lima na lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Mate (REVISING)
WerewolfWolf Series #2 Highest Ranking in Werewolf #1 "I don't want your love or anything from you Anya" He flatly said. I smiled bitterly and bowed my head, tears started streaming down my face. I mumbled something inside my head. "I know Marcus, I know be...