EKSAKTONG isang linggo mula ng ikasal si Alfonso kay Ligaya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na asawa na niya ito at palagi na silang magkatabi sa pagtulog. Bagaman at hindi na naulit pa ang unang pagtatalik nila bago sila ikasal. Ayos lang iyon sa kaniya dahil hindi sex ang habol niya kay Ligaya. Kumbaga, bonus na lamang ang bagay na iyon.
Isang umaga, matapos mag-almusal ay naghanda silang mag-asawa upang dalawin ang magulang niya sa sementeryo. Matapos magbihis ay nakita niyang may iniinuming mga gamot si Ligaya.
Bago pa iyon mainom ni Ligaya ay kinuha niya ang kamay nito kung nasaan ang mga gamot. “Ang dami naman niyang iinumin mo.” May pagtatakang turan ni Alfonso.
Dalawang capsule at dalawang tablet ang nasa palad ni Ligaya.
“Pampaganda kasi ang mga ito. Gluta, slimming pills, Vitamin-E at ascorbic acid.”
“Hindi ba masama iyan sa katawan? Ang dami, e.”
“Kung masama matagal na akong patay at hindi mo ako asawa ngayon. Saka ito ang dahilan kung bakit may maganda kang asawa!” Natawa pa si Ligaya at itinuloy na nito ang pag-inom ng mga iyon.
Mabilis siyang hinalikan ni Ligaya sa labi.
“Tara na? Okay ba itong suot ko? Nabili ko ito kahapon sa ukay-ukay, e.” Umikot si Ligaya at ibinida ang kulay puting bestida na hanggang tuhod. Bulaklakin ang laylayan. Simpleng flat shoes ang sapin nito sa paa.
Ngayon niya lang nakitang nakasuot ng ganoon si Ligaya mula ng magkakilala sila. Dati kasi ay puro luwa ang dibdib at hita ang kasuotan nito. Walang problema kay Alfonso kung ganoon manamit si Ligaya pero naninibago siya ngayon dito.
“Napakaganda mo sa ganiyang suot!” puri ni Alfonso.
“Talaga ba? Hindi ba ako mukhang manang?”
Umiling siya. “Ano ba ang nakain mo at nagsuot ka ng ganiyan?”
“E, sabi mo dadalaw tayo sa puntod ng nanay at tatay mo. Baka nandoon ang kaluluwa nila tapos makita nila na luwa ang kaluluwa ko sa suot ko. Ayokong multuhin nila ako, 'no!” Malakas na tumawa si Ligaya. “Saka naririnig ko sa ibang tao na para daw akong pokpok manamit. Ano bang ini-expect nila? Pokpok naman talaga ako!”
“Dati.” Pagtatama ni Alfonso. “Ngayon ay asawa na kita. Isinara mo na ang parteng iyon ng buhay mo at sinisiguro kong hindi ka na babalik sa ganoong trabaho.”
“Drama?” Umiwas ito ng tingin. “Eme ka!”
“Sino ba kasing nagsasabi sa iyo ng ganoon? Kakausapin ko.”
“Naririnig ko sa labas. Hindi ko kilala. Tara na nga at sobrang init na mamaya! Sayang ang iniinom kong whitening kung maaarawan ako ng sobra.”
“Magdadala ako ng payong para protektahan ka,” nakangiting turan ni Alfonso.
“Aww! Ang sweet talaga ng asawa ko!” Naglalambing na yumakap si Ligaya na labis na nagdulot ng saya at kilig sa kaniya.
-----ooo-----
INAAMIN ni Ligaya sa sarili na labis siyang nakokonsensiya sa ginagawa niya kay Alfonso. Hinayaan niya na may mangyari sa kanila at magpakasal silang dalawa kahit na wala siyang nararamdaman para dito. Pinapaniwala niyang mahal niya si Alfonso kahit hindi. Ito na lang kasi ang nakikita niyang may kakayahang prumotekta sa kaniya laban kay Ronnie.
Ngayong araw ay nagtungo sila sa sementeryo upang puntahan ang puntod ng mga magulang ni Alfonso. Magkatabi ang himlayan ng mga ito na nasa dulo ng sementeryo. Medyo makapal ang damo sa lugar at maraming tuyong dahon na nagkalat. Marami-rami kasi ang puno sa paligid.
BINABASA MO ANG
Trust Me, This Is Love
RomanceSa kabila ng magulo at puno ng misteryo na pagkatao ni Ligaya ay inibig pa rin siya ni Alfonso. Hanggang sa naisip ni Ligaya na gamitin ang lalaki upang makatakas sa kaniyang madilim na nakaraan. Pinakasalan niya si Alfonso kahit wala siyang pagmama...