Chapter Three

564 37 2
                                    


BORING. Iyon ang isang salitang maisasagot ni Ligaya kung tatanungin siya kung ano ang masasabi niya sa customer niya para sa gabing iyon na si Alfonso. Masyado itong tahimik at mahiyain. Kung hindi pa siya magtatanong o magsasalita ay hindi siya kakausapin. Natutuyuan na siya ng laway kakasalita.

Nakakapanibago dahil palaging ang mga lalaki ang bangka sa pakikipag-usap sa kaniya. Maraming tanong ang mga ito na parang gustong halukayin ang buong buhay niya. Pero itong si Alfonso ay kakaiba!

Pakiramdam niya tuloy ay hindi sapat ang kagandahan niya para makuha niya ang atensiyon ng lalaki. Nakakainsulto iyon para sa kaniya. Nag-make-up pa naman siya, nagsuot ng sexy na damit at nagpabango tapos hindi magagandahan sa kaniya?

Hmm… Bakla siguro… turan ni Ligaya sa sarili habang matamang nakatingin sa katabing si Alfonso.

Sayang kung ganoon dahil medyo gwapo ito. Hindi kagaya ng kagwapuhan ng mga taga-lungsod na mapuputi. Si Alfonso ay kayumanggi ang balat na parang babad sa ilalim ng araw. Tapos na kasi ang pagsasayaw ng mga babae kaya pinatay na ang patay-sinding ilaw. Normal na ang ilaw sa loob ng bar kaya nakikita na nila ng maayos ang isa’t isa. Pinatanggal na rin niya ang suot nitong shades dahil nagmumukha itong tanga.

Hindi man lang siya tinitingnan ni Alfonso na para bang wala talaga itong interes sa kaniya. Sabagay, babayaran naman siya nito sa oras niya. Pero kahit na! Dapat ay iparamdam nito na maganda siya!

Kumuha ng isang bote ng beer si Ligaya sa bucket nila ni Alfonso. Medyo natigilan siya nang mapansin na hindi pa rin nauubos ni Alfonso ang isang bote na kinuha nito kanina pa. Samantalang siya ay pang-lima na ang hawak.

Nilalasing ba ako ng mokong na 'to? Naningkit ang mga mata na tanong ni Ligaya sa sarili.

Sakto lang naman siya sa alak. Hindi malakas, hindi mahina. Depende sa iniinom. Kapag ganitong beer ay sakto lang ang tama sa kaniya. Pero medyo malakas yata ang tama ng alak sa kaniya ngayon. Hindi niya alam kung bakit.

“Bakla ka ba?” Hindi alam ni Ligaya kung saang lupalop niya kinuha ang lakas ng loob para tanungin ng ganoon si Alfonso.

“Ha?” Maang na napatingin si Alfonso.

“Bakla ka ba?” ulit niya sa tanong. Lasing na nga yata siya. Umaalon na kasi ang pagsasalita ng ng kaunti.

“Hoy, bakla ka!” saway ni Cheska habang pinanlalakihan siya ng mata. “Naku, sorry. Lasing na yata si Aya kaya kung anu-ano na ang sinasabi.”

“Hindi pa ako lasing, 'no! E, kasi itong lalaking ito… Parang hindi nagagandahan sa akin. Hindi ako kinakausap. Hindi ako tinitingnan. Bakit ba? Naliliitan ka pa ba sa dede ko? Hoy, for your information, pangalawa ako sa may pinakamaling dede sa bar na ito!” Dinuduro-duro pa niya sa Alfonso na para bang naghahamon siya ng away.

“Hindi ako bakla.” Mabilis na sagot ni Alfonso.

“E, bakit—”

“Talagang nahihiya lang ako sa iyo kasi sobrang ganda mo, Aya! P-parang alangan akong tumabi sa iyo kasi isa lamang akong hamak na taga-probinsiya.” Titingin sa kaniya tapos babawiin din si Alfonso sa kaniya. “A-ang ganda-ganda mo kasi. Aya.”

Napamaang si Aya sa sinabi ni Alfonso. Inakusahan pa niya itong bakla at hindi nagagandahan sa kaniya iyon naman pala ay sa sobrang ganda niya sa mata nito ay nahihiya itong tumingin sa kaniya.

Sa dami ng lalaking nagsabing maganda siya ay ngayon lang siya nakaramdam ng mga paru-parong naglalaro sa kaniyang tiyan. Napaka sincere kasi ng pagkakasabi ni Alfonso. Walang halong libog. Walang kapalit na hinihingi. Genuine.

Trust Me, This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon