PAKIRAMDAM ni Ligaya ay pumasok siya sa impyerno matapos siyang isama ni Ronnie sa loob ng magulo, mabaho at magulong kwarto sa isang motel sa bayan. Agad niyang nakita ang baril sa side table. Habang si Ronnie ay nakahiga sa kama at naninigarilyo. Wala itong pang-itaas at ang tanging suot ay isang boxer shorts. Halos hindi siya makatingin dito.
Pikit-mata siyang sumunod sa nais nito upang hindi masaktan si Alfonso.
“Tatayo ka na lang ba diyan, Aya? Lumapit ka sa akin. Tumabi ka dito.” Tinapik nito ang espasyo sa kama sa kaliwa. Itinapon nito sa sahig ang sigarilyo at ngumisi.
Upang hindi na humaba ang usapan ay sumunod na lang si Ligaya. Nanginginig sa takot na umupo siya sa gilid ng kama. “S-sabihin mo na ang gusto mong sabihin p-para makaalis na ako.” Napalunok ng laway si Ligaya dahil tila may kung anong nakabara sa kaniyang lalamunan.
“Wala akong sasabihin. Gagawin, meron!”
Impit na tumili si Ligaya nang hilahin ni Ronnie ang isa niyang braso. Sa lakas ay napahiga siya at mabilis na pumaibabaw ang lalaki sa kaniya.
“R-ronnie, h-huwag…”
“Anong huwag?” Tila nainsultong tanong ni Ronnie. “Sa akin, ayaw mo pero doon sa lalaki mo gustung-gusto mo! Bakit, Aya? Mas magaling ba siya? Mas malaki ba ang sa kaniya—”
Lumipad ang palad ni Ligaya sa pisngi ni Ronnie. Hindi niya napigilan ang sarili dahil hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig nito. Kahit nasaktan ay nakangisi pa rin si Ronnie.
“Kung sex lang ang habol ko kay Alfonso, maraming lalaking mas higit sa kaniya. Pero iba siya, Ronnie! May respeto siya sa akin at hindi kagaya mo na isang bagay ang tingin sa akin!”
“Ang kagaya mo ay hindi dapat nirerespeto! Pokpok ka, Aya, baka nakakalimutan mo! 'Wag mong sabihing mahal mo na ang gagong iyon?! Talagang binibigyan mo ako ng dahilan para patayin ang asawa mo!”
“Gawin mo na ang gusto mo sa akin at 'wag mong gagalawin ang asawa ko, Ronnie. Babuyin mo ako pero huwag mong ilalapat kahit dulo ng daliri mo sa kaniya.” Inilayo niya ang tingin kay Ronnie.
Nakita niya ang baril at matiim iyong tiningnan. Ano kaya kung kunin niya iyon at gamitin upang ipagtanggol ang sarili? Pero baka hindi siya magtagumpay at lalong magalit si Ronnie. Ngunit hahayaan niya na lang ba na magtagumpay itong angkinin siya ngayong may asawa na siya
Napapikit sa pandidiri si Ligaya nang dilaan ni Ronnie ang pisngi niya sabay bulong. “Akala mo ba ay makakaligtas ka sa akin nang magpakasal ka? Wala akong pakialam kahit may asawa ka pa, Aya! Akin ka at hinding-hindi mo na ako matatakasan. Kahit sa impyerno ka pa magpunta ay masusundan pa rin kita! Mahal na mahal kita, Aya!”
Nagtatayuan ang balahibo niya sa buong katawan habang paulit-ulit na dinilaan ni Ronnie ang pisngi niya. Nakakadiri ang pakiramdam ang laway nito na malagkit at amoy sigarilyo. Ngayon pa lang ay parang ang dumi-dumi na niya.
Para kay Alfonso… Para kay Alfonso… Paulit-ulit niyang sabi sa sarili.
Ipinikit ni Ligaya ang mga mata at inisip na panaginip ang lahat, na mamaya ay magigising siya na nasa tabi ni Alfonso.
-----ooo-----
IMPIT ang pag-iyak ni Ligaya habang balot ng kumot. Nagtagumpay si Ronnie sa pag-angkin sa kaniya ngunit iyon ay itinuturing niyang panggagahasa dahil labag sa kalooban niya ang lahat ng nangyari.
Humihilik at tulog na tulog si Ronnie sa tabi niya. Labis itong napagod sa ginawa sa kaniya.
Kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon. Kapag nagising ito ay baka hindi na talaga siya makatakas sa kamay nito!
BINABASA MO ANG
Trust Me, This Is Love
RomanceSa kabila ng magulo at puno ng misteryo na pagkatao ni Ligaya ay inibig pa rin siya ni Alfonso. Hanggang sa naisip ni Ligaya na gamitin ang lalaki upang makatakas sa kaniyang madilim na nakaraan. Pinakasalan niya si Alfonso kahit wala siyang pagmama...