Chapter Twenty (The Final Chapter)

704 57 37
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.












“ANO ka ba? Wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin. Ginusto ko itong mangyari. Ayokong sinisisi mo ang sarili mo, Ligaya. Ginawa ko ito dahil mahal na mahal kita.” Pag-alo ni Alfonso sa kaniyang umiiyak na asawa.

“Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko para ibigay ka ng Diyos sa akin. Hindi kita deserved, Alfonso. Puro problema ang ibinigay ko sa iyo.”

Kumalas siya sa pagkakayakap kay Ligaya at nakangiti itong tiningnan. “Hindi mo alam kung gaano ako kasaya simula ng dumating ka sa buhay ko. Lalo na nang ikasal tayo at sabihin mo sa akin na mahal mo na rin ako. Kaya 'wag mong sasabihin iyan.” Hinaplos pa niya sa pisngi ang kaniyang asawa.

Matagal itong nakatingin sa kaniya na para bang may gusto itong sabihin pero nagdadalawang-isip ito.

“M-may gusto pa sana akong sabihin sa iyo.”

“Ano 'yon?”

“M-may sakit ako, Alfonso. HIV positive ako. Nakuha ko 'to sa nanay kong HIV positive din kaya isinilang akong meron na nito. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ako nakikipagtalik sa iyo ng walang proteksiyon. A-ayokong mahawa ka sa akin… Kung magagalit ka sa akin dahil ngayon ko lang sinabi ay mauunawaan kita, Alfonso.”

Nanatiling nakangiti si Alfonso at hindi kakabakasan ng galit ang kaniyang mga mata. “Walang kahit na anong bagay ang kayang magpabago ng pagmamahal ko sa iyo. Mas malakas ang pag-ibig ko sa iyo, Ligaya! Masaya ako na sinabi mo iyan sa akin. Mahal pa rin kita. Walang labis, walang kulang!” sinsero niyang sambit.

“Napakabuti mo, Alfonso!” Hindi makapaniwalang sabi ni Ligaya. “Mahal na mahal kita. Maraming salamat sa iyo! Hindi ko alam kung paano kita masusuklian!”

“Wala kang dapat gawin. Sapat na sa akin ang alam kong mahal mo ako…”

Ipinaliwanag ni Ligaya kay Alfonso ang pagkakaroon nito ng HIV para maunawaan niya ang lahat. Anito, wala siyang dapat ikabahala dahil may nakukuhaan ito ng maintenance medicine nito. Dapat ay tama sa oras ang pag-inom ni Ligaya ng mga gamot. Siniguro nito sa kaniya na wala siyang dapat ipag-alala. Sinabihan na lang niya ang asawa na huwag magpapabaya sa kalusugan at bilhin palagi ang mga gamot na kailangan nito.

Matapos ang madamdamin nilang pag-uusap ay unti-unti nang gumaan ang lahat.

Masayang ikinuwento ni Ligaya sa kaniya kung paano nito tinutulungan si Toper sa pagpapatakbo ng kanilang sakahan. Ipinapagawa na rin nito ang mga sira sa bahay nila. Hindi naman nito binabago bagkus ay pinapatibay lamang. Humingi na rin daw ng tawad si Marites kay Ligaya. Natutuwa siya na nagawa agad patawarin ng asawa niya si Marites sa kabila ng lahat. Iyon nga lang, hindi daw kaya ni Ligaya na makipag-kaibigan kay Marites. Sapat na iyong pinatawad nito ang dati niyang kaibigan.

“Oo nga pala, may ibibigay ako sa iyo…” Isang nakatuping papel ang ibinigay ni Alfonso kay Ligaya. “Naisip ko kasi na sulatan ka. Alam mo na, bawal ang cellphone. Kaya kapag nami-miss mo ako, basahin mo iyan kahit paulit-ulit. Saka may request din ako, Ligaya…”

Trust Me, This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon