#TVD3
"Kid! Samahan mo 'ko!"
Napasilip ako sa gilid ko nang sumigaw si Jerlyn. Naramdaman ko naman na tumayo si Kid sa gilid ko. Ramdam ko ang titig niya sa 'kin habang tumatayo siya. Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa ko at sinuot ang hood ng jacket na suot ko. Napahikab ako dahil inaantok ako sa ginagawa ko.
"Nandiyan ba si Jianreiy?" Napaangat ako ng ulo ko ng marinig 'yon. Ngumiti naman ako ng makita si Cedrix.
"Ayun oh." Sagot ni Timothy. "Yie, bakit mo siya hinahanap?" Usyoso nito.
"May pinapagawa lang sa 'min si Sir Lagdameo." Maikling sagot ni Cedrix. Lumapit na ako sa kanila at bago lumabas ng pinto ay binatukan ko si Timothy. "Masyado kang ma-issue!"
"Buti mabilis kang mag-isip!" Sabi ko kay Cedrix nang makalabas. Sinilip ko naman mula sa pinto si Maya at nakitang nakatitig ito sa amin pero napaiwas ng makita ako. Napangisi naman ako. Buti pa 'tong kaibigan ko maka-crushback.
"Ha? May pinagagawa talaga si Sir Lagdameo sa 'tin." Tugon ni Cedrix.
Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi niya, "Na naman?!"
"Yep, unfortunately. Absent kasi class secretary namin ngayon kaya ako muna ang substitute." Paliwanag niya. Napairap naman ako sa kawalan. Ilang araw na kasi sunod-sunod na may inuutos sa amin si Sir Lagdameo, class secretaries to be exact. Common teacher kasi namin si Sir sa General Biology.
"Last day na 'to, kaya gawin na natin." Saad niya. "After, magpapatulong sana ako sa'yo." Nahihiya at nag-aalangan pang sabi pa nito habang napapakamot sa batok.
"Oo, alam ko na 'yan. Sinabi ko naman na sa'yo tutulungan kita." Natatawang sabi ko at mabilis na kaming naglakad papunta sa faculty.
Pinag-encode kami ni Sir ng mga score namin sa quizzes and test ng section namin at tag-isang ABM section. Mabilis lang naman dahil naka-arrange na 'yon alphabetically pero ilang quiz at exams din 'yon kaya anong oras na kami natapos. Naiintindihan din naman namin kung bakit nagpapatulong si Sir sa amin. Ilang buwan na rin kasi simula nang mamatay ang anak ni Sir. Ka-batch din namin. Si Xenon.
Hinintay lang ako matapos ni Cedrix bago bumaba sa canteen para mag-lunch. Maraming tao doon ngayon, karamihan, grade 12 students kasi wala na kaming klase pero required pa rin pumasok dahil sa completion ng requirements at practice ng graduation.
"May naisip ka na ba para sa surprise mo kay Maya?" Tanong ko pagkakuha ng pagkain namin.
"Wala pa nga e," tugon nito. "Ano bang mga gusto ni Maya?"
"Alam mo, 'Drix. Simple lang naman 'yon si Maya. Mababaw lang kaligayahan no'n, hindi rin materialistic. Basta pinag-effort-an, matutuwa 'yon." Payo ko bago ko kinagatan ang sandwich na binili ko.
Natahimik naman kami saglit nang bigla akong tanungin ni Cedrix.
"Maganda ka pala."
Nabulunan ako sa sinabi niya at nagnamadaling tinusok ang choco drink na binili ko. Binuksan din naman nito ang tubig nito at mabilis na inabot sa akin pero nag-thumbs up ako para sabihing okay na.
Bumuga ako nang malakas na hangin pagkatapos ko malunok 'yung tinapay sa lalamunan ko. Hinahabol ko pa rin ang paghinga ko ng marinig ang mahina pero palakas nang palakas na tawa ni Cedrix. Sinamaan ko siya ng tingin dahil kasalanan naman niya 'yon!
"Funny ha?" Sarkastikong sabi ko pero unti-unti rin natawa dahil nakakahawa 'yung paraan ng pagtawa niya.
Pinagtinginan kami ng mga kalapit na mesa namin dahil sa lakas nang tawa namin. Matapos nang ilang minuto ay humupa na ang tawa namin at nagpupunas pa ako ng munting luha na namuo sa sulok nang mga mata ko.
"I feel bad for laughing but I can't help it! 'Yung itsura mo kasi nakakatawa! Ngayon ka lang ba nasabihan na maganda ka para magulat ka nang ganoon?" Saad niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Oo nga 'no. First time ako masabihan na maganda ako?
"O-Oo," nauutal kong sagot at nag-iwas ng tingin.
"Seryoso?" Paninigurado niya. "Well, you are pretty. Really. You caught my attention talaga the first time pero ewan ko ba, na-fall ako sa malakas na tawa at boses ni Maya," aniya at natawa ng mahina. Napangiti naman ako sa sinabi niya. He really likes my friend.
"Ang cheesy ba?" Biro niya.
"Oo, lalo na nanggaling sa katulad mo!" Pambubuska ko pa sa kaniya.
Nahagip nang tingin ko si Kid at Jerlyn na nag-uusap kasama ng mga kaibigan ni Jerlyn. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila nang magtama ang tingin namin ni Kid.
Nagkwentuhan pa kami saglit ni Cedrix bago tumayo at umalis na sa canteen. Hindi pa 'man kami nakakalayo roon nang bigla akong mabangga sa isang tao. Napahawak ako sa noo ko kasi sa balikat niya ako nauntog.
"Ano ba 'yan—"
"Hello, Jianreiy." Bati ni Sean na nakangisi.
Nice timing, ha?
BINABASA MO ANG
That Valentine's Day (COMPLETED)
Short StoryJianreiy has been stressing about their upcoming senior prom. Of course, it doesn't matter if you don't have a date to prom. However, it is a big deal for her, especially that the event is scheduled on the same day as Valentine's Day. So, wanting so...