#TVD6
Present
Natatawa na lang din ako habang tinitignan silang tumatawa nang malakas habang inaalala 'yung mga kagagahan na ginawa ko noon.
"Hindi ko talaga alam kung saan mo nahugot 'yung idea na 'yon, Mars! Nakakahiya pero at the same time, big brain ha," malakas na sabi ni Net at nagpupunas pa ng kunwaring luha.
"True lang! Kung ako 'yon, hindi na ako papasok sa school!" Gatong pa ni Maya.
"Wala rin naman akong jowa nung time na 'yon pero hindi ko 'yon naisipan," sabi rin ni Alice na nagpipigil ngayon ng tawa.
"Tama na! Binabaon ko na nga 'yon sa limot e!" Namumulang sabi ko at tinakpan ang mukha.
"Hanggang nandito kami, bubuhayin namin 'yon!" Pang-aasar pa ni Maya.
"Here, wife."
Biglang dating ni Sean at nilapag ang isang platong hawak niya sa harap ni Alice. Napangiti naman ako sa kanila.
Who would've thought that this overconfident man would fall in love with a quiet lady who's totally out of his league?
"Thank you," Alice replied and smiled at him. Kinuha naman ng huli ang mga kubyertos nila at pinunasan muna iyon gamit ang tissue bago inabot sa asawa. Yes, they are now married for over three years now. Ang tagal din bago namin nalaman na si Sean pala ang boyfriend niya. She prefers a lowkey relationship daw kasi, kaya sa sobrang lowkey, hindi na talaga namin nalaman.
"Ang OA mo naman, Sean! Hindi naman mahilig si Alice sa alak," eksaheradang sabi ni Maya.
"Kahit na. Naninigurado lang!" Depensa naman nito.
"Hoy, alam ko naman na buntis ako. Nag-iingat din ako duh," irap ni Alice sa asawa.
Naiintindihan naman namin kung bakit ganiyan na lang ka-overprotective si Sean sa kaniya. Alice has two miscarriages already. Laging mahina ang kapit ng bata. Kaya ngayong buntis na siya ulit, todo bantay sa kaniya si Sean.
"Kapag nagpakasal tayo, ganiyan din naman gagawin ko." Biglang singit ni Cedrix.
"Sa tingin mo naman papayag ako?" Balik ni Maya habang nakataas ang kilay.
Nagkibit-balikat lang si Cedrix at inabutan din siya ng plato at mga kubyertos. Since first year college, sila na ni Maya. Pangalawa sila sa mga unang naging mag-boyfriend at girlfriend pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nagpapakasal. They both love to travel, one reason kung bakit travelling agency ang napiling business ni Cedrix.
Napatingin naman ako ngayon kay Jason na kararating lang at may hawak din na plato at nilapag sa mesa. Inabot nito 'yon kay Net at ngumiti bago umupo sa tabi nito. Yes, they ended up together. We have nothing against them because we know how much they love each other.
Pupunahin ko na sana 'yung mga pagkain na kinuha niya nang biglang may sumigaw sa gilid namin.
"Nandito lang pala kayo! Kanina pa kita tinatawagan, Kid! Hindi mo ako sinasagot!" Inis na sabi nito at nakita kong may kasama ito.
"Daddy!" Tili nito at nagmamadaling kumandong kay Kid. Hinalikan naman ng huli ang pisngi ng bata. "Why are you here, baby?"
"Namiss po kita, Daddy! Kahapon pa po kita hindi nakikita." Nakangusong saad nito. Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya.
"Siya lang namiss mo?" Pagbibiro ko.
"Kasama lang po kita kanina, Mommy e!" Pagdadahilan naman nito sa akin.
Yes, I ended up with Kid. Bago pa kami mag-college naging kami na and after one year since we graduated, we decided to marry each other and four years after our marriage, Erin came into our life.
BINABASA MO ANG
That Valentine's Day (COMPLETED)
Short StoryJianreiy has been stressing about their upcoming senior prom. Of course, it doesn't matter if you don't have a date to prom. However, it is a big deal for her, especially that the event is scheduled on the same day as Valentine's Day. So, wanting so...