Day 5

201 12 8
                                    

#TVD5

 Habang namimili ako ng sapatos para sa Sabado, napatingin ako ngayon sa kasama ko.

"Ito, maganda 'to," sabi ni Jason sabay abot sa akin ng isang stiletto.

Hindi ko alam kung bakit hanggang dito sinusundan niya ako? Simula kanina pa niya ako sinusundan. Nag-hi at hello lang naman kami at nagulat na lang ako nung hintayin niya ako sa labas ng classroom kanina. Pero, wait? Dahil ba 'to doon sa form na sinend ko sa kaniya.

"Uhh... Jason," tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" tugon niya at inalis ang tingin sa mga sapatos sa harapan namin.

"Wala ka bang ibang gagawin?" tanong ko.

Nag-isip pa 'to bago sumagot. "Wala naman. Free ako hanggang sa prom dahil natapos na ang competition." Sabi nito at ngumiti.

"E bakit sinasamahan mo ako? As far as I can remember, hindi naman tayo close?" Nahihiyang sambit ko.

"Kilala naman kita. Lagi kang nakukwento ni Net. Actually, lahat kayo bukambibig niya palagi." Paliwanag niya. Si Net ang kaibigan niya talaga. Kumbaga, common friend namin si Net. Sinama kami ni Net sa game niya isang beses and naging crush ko siya dahil sa galing niya maglaro at kung gaano siya ka-gwapo rin sa court.

"Gano'n ba?" Mahinang usal ko.

"Bakit hindi mo kasama sila Net ngayon?" Kuryosong tanong niya.

"Kukunin na ni Alice 'yung gown niya kasama si Maya," tugon ko.

"Si Net?"

"Wala naman siyang nabanggit pero maaga raw siya uuwi ngayon." Dagdag ko at umupo na nang makapili ng mga sapatos para sukatin.

"Bakit kasama mo 'to?" Sabi ni Kid na ngayon ay hindi ko alam kung paano napunta rito.

"Uy, Kid! Bakit ka nandito—"

"Sagutin mo muna ang tanong ko." Aniya habang seryosong nakatingin kay Jason.

"Huy, bakit? May problema ba?" Nagtatakang tanong ko dahil blanko na ang mukha niya.

"Bakit kasama mo 'to kako? Kaya ba ayaw mong samahan kita kasi kikitain mo lang 'to?" Dire-diretsong sabi niya.

"Saan mo ba nakukuha 'yang mga sinasabi mo?" Naiiritang sabi ko. "Kaya hindi kita sinama kasi 'di ba may usapan kayo ni Jerlyn?"

"Pwede ko naman siyang hindi samahan para masamahan kita!" Galit na sabi nito.

"Ayos lang naman sa akin, naiintindihan ko naman kung bakit kailangan mo siyang samahan!" Malakas na sabi ko. Unti-unti na rin akong naiinis sa inaasta niya. Hindi ko naman sila pinapakialaman ni Jerlyn a. Natanaw ko naman itong mag-isa na tumitingin ng gown. "Iniwan mo siya doon, Kid?"

Hindi ako makapaniwala habang tinitignan siya. Hindi ito 'yung kilala kong Kid. He's always calm and all smiles at higit sa lahat, gentleman.

"Kasama naman niya ang mama niya." Maikling sagot nito.

"Kahit na! Bakit mo ginawa 'yon? Nakakahiya," pangaral ko sa kaniya.

"Wala na akong pakialam!"

"Ano bang nangyayari sa'yo?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Nagseselos ako. Hindi ko na kaya na hindi na lang ako 'yung nginingitian at laging kasama mo." Sambit niya habang diretsong nakatingin sa mata ko.

"Huwag mo akong pinagloloko, Kid." Malumanay na sabi ko pero sa totoo lang, gusto ko nang sumabog sa kaloob-looban ko.

"Gusto kita." Mabilis na sabi niya pero umiling-iling ako. Bakit ang lakas ng loob niya para sabihin 'to kahit na may gusto siyang iba?

"Hindi, Kid. Nasanay ka lang na ako ang lagi mong kasama kaya mo nasasabi 'yan," sarkastikong tugon ko at tumalikod na. Ramdam ko naman na nakasunod sa akin si Jason at hindi nagsasalita.

That Valentine's Day (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon