Day 4

208 13 13
                                    

#TVD4

Cedrix excused himself at naiwan ako ngayon kasama si Sean. Nakatingin sa amin ngayon ang mga tao. Yeah, right. Kapapanalo lang kasi ni Sean as Mr. Intrams namin two weeks ago kaya matunog ang pangalan niya. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Alam kong gwapo ako pero huwag mo ako masyadong titigan at baka matunaw ako. Sayang naman, wala ka nang makikita pang ganito ka-gwapong mukha," dire-diretsong sabi nito.

Eh?

"Isara mo 'yang bibig mo, baka pasukan ng langaw," nakangising sabi pa nito at hinawakan ang baba ko. Mabilis ko namang inalis ang kamay niya at lumayo nang kaunti sa kaniya.

Kababata ko ba talaga 'to?

"Ikaw ah, crush mo siguro ako since Elementary pa lang," dagdag pa nito.

"Ang hangin ah." Bulong ko at pinaypayan ng kaunti ang sarili ko.

I heard him chuckled with what I did. Nagtataka ko naman siyang tinignan.

"May nakakatawa ba?" Tanong ko.

"Ang hot ko talaga siguro 'no? Napapa-paypay ka pa sa sarili mo," sabi nito at ngumisi ulit.

"Anyways, gusto mo 'ko maging date sa prom 'di ba?" Tanong niya bigla. So, kaya siya lumapit sa akin dahil dito?

"Sorry to say pero, I plan on going alone sa prom. Masiyado akong gwapo para sa lahat, baka masapawan ko pati ka-date ko." Nakangiwi ako habang tinitignan at pinakikinggan siya sa mga sinasabi niya.

"Ayos ka lang?" Sarkastikong sambit ko.

"Ayos na ayos. Baka nga ikaw 'yung hindi ayos diyan e. Lalo na 'yang mga mata mo," nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Baka nasilaw ka sa ka-gwapuhan ko e."

"Uh, Sean, okay na. May ka-date na ako pero thank you for approaching me." Saad ko at nawiweirduhang tumawa. Wala pa akong date pero ramdam ko ng sasakit ang ulo ko kapag siya ang naging date ko sa prom.

"Okay, 'yun lang naman sasabihin ko." Huling sabi nito bago tumalikod.

That was so weird! Nagme-make face pa ako pagkatalikod niya nang mahagip ng mata ko si Jason na nakikipaglaro ng volleyball sa mga ka-team niya. Nakita ko itong nakangiti at natatawa sa akin. Tinignan ko ang gilid at likod ko at nang makitang walang tao roon ay agad na namula ang mukha ko. Isa siya sa mga sinend-an ko. Napapikit ako sa hiya.

Nagmamadali akong naglalakad papalayo doon nang may humawak sa balikat ko. Tinignan ko ito at nakita si Kid na parang may gustong sabihin.

"Bakit?" Tanong ko.

"I want to say sorry," panimula niya. "Hindi naman talaga ako pupunta sa prom e kaso may utang kasi ako kay Jerlyn—"

"Okay lang, naiintindihan ko," putol ko sa sasabihin niya.

"Hindi, si Jerlyn kasi—"

"Okay nga lang, Kid. No big deal. Medyo nagtampo lang naman ako sa'yo kasi hindi mo 'man lang sinabi sa 'kin. Nagsinungaling ka pa. Ako lang 'to, hoy!" Sarkastikong ani ko.

"Are you sure?" Nananantyang tanong niya. Napangisi ako at sinagot siya. Hindi niya talaga mahalata na hindi okay sa akin 'yung ginawa niya.

"Oo naman! Ilang taon na tayong magkaibigan hindi mo pa rin ako kilala!" Biro ko sa kaniya.

"Kid! Samahan mo akong mamili ng damit mamaya ha," sabi ni Jerlyn pagdaan sa gilid namin. "Hello, Jian!"

"Hello, Jer," bati ko rin pabalik. "Sige, una na ako. Babalik na ako sa room." Paalam ko sa kanilang dalawa at naglakad na pabalik.

"Hey." At, ayan na nga si Jason.

"Hello!" Bati ko sa kaniya. Ilang minuto kaming magkaharap at wala namang ginagawa.

"Una na ako ha?" Sabi ko at mabilis na umalis sa harap niya at sumakay na sa elevator paakyat ng room.

Pag-akyat ko, napansin kong nagkakagulo ang mga tao sa room at puno ng tilian. Pagsilip ko ay nakaawang ang mga labi ko nang makita si Cedrix sa harap ni Maya habang inaabot ang isang box.

Pinanlakihan ako ng mata ni Alice kaya mabilis akong pumunta sa pwesto nila at pinanood ang dalawa. Ngumiti at nag-thumbs up ako kay Cedrix dahil kitang-kita ang kaba sa mukha niya.

"So, matagal mo na akong gusto?" Dahan-dahang tanong ni Maya. Impit naman na napatili sa gilid ko si Net. Tumango naman si Cedrix.

"Alam mo ba? Crush ni Maya si Cedrix since grade 8 tayo," kinikilig na sabi ni Net. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Weh ba?!" Pasigaw na bulong ko. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko dahil medyo napalakas.

"Kalmahan mo, Sis! Sinisira mo 'yung momentum nung dalawa e!"

Ilang taon din nasayang sa dalawang 'to! Matagal na palang may gusto sa isa't isa. Sana all na lang.

"Will you be my date to prom?" Nagtilian ang lahat sa tanong ni Cedrix at tuluyan na ngang nagulo ang buong classroom nang tumango si Maya.

Saglit pa silang nag-usap ni Cedrix at inabot na nito sa kaniya tuluyan ang box na hawak nito kanina pa. Umalis si Cedrix sa room pero nginitian niya muna kami bago tumalikod.

Hinampas naman ako ni Maya bigla at nakangusong nakatingin sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon niya at alam ko na agad kung bakit niya ginawa 'yon.

"Kainis ka, Ji! Alam mo pa lang gagawin ni Cedrix 'to?!" Malakas na sabi niya.

"Sorry na! Siyempre gusto ko rin makita kang may lovelife nang matigil ka na kaka-sana all diyan!" Barumbadong sagot ko pero inirapan lang ako nito.

Pinuna ko na lang ang binigay sa kaniya na box. Pag-open ko ay bumungad sa akin ang isang kwintas na nakapatong sa mga rosas na gawa sa papel. Namangha ako sa pagkakagawa ng mga rosas, halatang pinaghirapan. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang umilaw 'yon.

Cedrix: Thank you for giving me the tip. Muntik ko pang hindi ituloy 'yung surprise ko ngayon. Oo nga pala, hindi ko na sinobrahan 'yung surprise. You said she likes simple things.

He said and added a smiley emoticon in the end.

"Sino nagbigay sa'yo niyan?" Biglang tanong ni Kid na kararating lang.

"Hindi akin 'to, sira!" Sabi ko at tumawa. Tumango-tango lang ito at ngumiti bago pumunta sa upuan niya. Sumunod naman ako dahil gusto kong magbasa hanggang mag-uwian. Pag-upo ko naman ay sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Sinilip ko ito at nakitang nakapikit na ito. Hinayaan ko na lang siya dahil lagi naman siyang ganyan.

Nilabas ko na lang ang iPad ko at nagbasa hanggang dismissal. Kinalabit ko naman si Kid dahil mag-aayos na ako ng gamit ko.

"Aalis ka?" Tanong niya. Madalas kasi ay late kami lumabas sa classroom dahil nagchi-chikahan pa kami nila Net pero kailangan ko kasing bumili ng sapatos na gagamitin ko sa prom.

"Oo e. Kailangan ko bumili ng shoes ko for Saturday," tugon ko habang nilalagay ang iPad ko sa bag.

"Samahan na kita," Offer niya. Umiling ako ako at ngumiti. "Huwag na! Sasamahan mo pa si Jerlyn mamili 'di ba?"

Ngumiti na ako at sinukbit na ang bag ko sa likod ko. "See you tomorrow, Kid!"

Nagulat naman ako nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Jason paglabas ko ng pinto. 

That Valentine's Day (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon