Day 1

346 22 27
                                    

#TVD1

10 years ago

"Bwiset! Pahirap talaga kahit kailan ang General Chemistry!" Pagmamaktol ni Maya. Katatapos lang kasi ng last exam namin ngayong finals.

"Thank you po, Sir!" Sigaw ni Net. In short daw 'yun for Kenneth. Mabilis naman na napaupo ulit si Maya sa pwesto niya at straight pa talaga ang likod. Kanina pa talaga nakalabas si Sir ng classroom.

Tumawa kami nang malakas ni Net sa ginawa niya dahil halatang-halata na nataranta si Maya.

"Tawang-tawa? Tawang-tawa? Happy?" Sarkastikong sabi ni Maya sa amin habang kami ay hindi pa rin humuhupa ang tawa.

"Gulat na gulat, girl? Kabang-kaba?" Balik sa kaniya ni Net habang tumatawa pa rin.

"Tawa kayo nang tawa diyan, ubos na naman panigurado 'yung waffle sa canteen!" Iritadong sabi ni Alice.

"Ay oo nga! Tara na!" Sabi ni Maya at hinablot kami.

"Weh pagkain ba talaga habol mo sa baba, Maya? O 'yung mga varsity na nagbe-break time sa canteen?" Pang-aasar ni Net.

"Both lang naman sila masarap nang pagkain," makalat na sabi ni Maya.

"Hoy ano ba 'yan ang kalat!" Saway ko habang tinitignan ang wallet ko kung kasya pa ang pera ko pang-gala mamaya.

"Pautangin kita?" Biglang sulpot ni Kid sa gilid ko at inakbayan ako. Agad ko naman itong sinamaan ito ng tingin. Sumakay na kami ng elevator pababa sa canteen.

"Ayoko nga! May interes utang sa'yo e!" Pagtanggi ko.

"Ito naman, parang hindi mo ako kaibigan! Siyempre, meron talaga," nakangising sabi nito.

"Ako na lang magpapautang sa'yo, Ji." Sabi ni Alice sa gilid ko. Napatango-tango ako.

"Sige, kapag nag-kulang pera ko." Nakangiting sabi ko at inangkla ang braso ko sa kaniya sabay inirapan si Kid.

Paglabas namin ng elevator, nakita namin na nagkukumpulan ang mga tao sa lobby. Lahat sila may tinuturo sa bulletin board. Ang iba ay nagtatalunan, ang iba ay napapakamot sa ulo.

"Ay chismis oh. Tara, mars." Sabi ni Net at hinila si Maya. Sumunod kami sa kanila at nakisiksik papunta sa harap para makita ang announcement.

A Night to Remember: Hearts and Dance

Senior Promenade

When: February 14, 2011

Who: Grade 12 Seniors

Venue: Salvador Hall in Manila City

Note: The prom's fee is already included in your tuition fee. All you need is to prepare and look your best!

"Ay beks! Taray! Senior Prom na!" Tili ni Maya.

"Nakapagpatahi na ako last month pa para rito! Kailangan talaga awrang-awra ako rito 'no!" Sabi ni Net at nagpo-pose pa na akala mo ay nasa magazine siya.

"Sasama ka ba?" Baling sa akin ni Alice.

"O-Oo! Oo naman!" Nauutal kong sagot. Bakit naman nasakto pa ng Valentine's Day?!

"Bakit natahimik ka?" Dagdag pa ni Alice.

"Nasakto kasi ng Valentine's Day!" Nakasimangot na sabi ko.

That Valentine's Day (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon