Day 2

214 16 14
                                    

#TVD2

Mabilis akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina para magdala na lang ng tinapay. Naabutan ko pa si Mama na nanonood ng TV habang nagkakape. Napatingin ito sa akin at ngumiti.

"Good morning, Ma!" Bati ko at kumuha ng dalawang piraso ng tinapay. Pagkatapos ay hinablot ko ang tumbler ko at naglagay doon nang kape at nilagyan ko ito ng gatas. Kumuha rin ako ng yelo sa refrigerator at nilagay din doon.

"Bakit parang nagmamadali ka? Jian, 6 am pa lang. Alas siete pa naman ang pasok mo." Nagtatakang tanong ni Mama.

"May kailangan lang pong gawin bago pumasok, Ma. Bye po!" Mabilis na sagot ko at mabilis na naglakad pero napahinto nang may makalimutan. Binalikan ko ang baon kong pera na nakapatong sa mesa. "Bye po ulit!"

Malapit lang naman ang school ko sa bahay pero madaling-madali ako, baka kasi ito na. Kilig na kilig naman ako sa naisip ko. Wala naman masamang umasa 'di ba? Akalain mo nga naman, nag-work pa 'yung kalokohan ko kahapon.

Nginitian ko si Kuya Guard na laging nagbabantay rito kapag umaga. Nag-tap na ako ng ID para malaman na nasa school na ako.

"Extra aga natin ngayon ah." Puna ni Kuya Guard pero nginitian ko na lang siya at nagmamadaling pumunta sa may parking lot sa bandang likod ng school.

Pagdating ko doon ay tumingin ako sa kanan at kaliwa para tignan kung nandito na ba si Cedrix. Napatayo ako nang tuwid nung hindi ko siya matanaw.

"Hello—"

"AHHH!" Tili ko nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Wait, wait, Ji! Ako 'to si Ced!" Sabay nito sa akin. Kumalma naman ako nang makita ko siya pero shit! Ngayon ako kinabahan!

"Ah.. Hehe.. Hello!" Awkward na bati ko sa kaniya at napatalikod ulit.

Napangiti naman ako at inayos nang kaunti ang buhok ko. Ang bilis naman pala nito, buti na lang naisipan ko gawin 'to. Napabungisngis ako sa mga sinasabi ko.

"Uhh.. Ji, listen," panimula nito. Mabilis akong napaharap habang pinipigilan ang ngiti ko.

"Yes?" Tanong ko at ngumiti.

"Sorry." Mahinang usal nito na muntik ko nang hindi marinig.

"Sorry? For what?" Kuryosong tanong ko. Nawala ang ngiti ko dahil ramdam ko na kung ano ang sasabihin niya.

"I've got to turn you down." Sagot nito. Kiming ngumiti lang ako sa kanya dahil tama nga ang hinala ko.

"H-Ha?" Pag-uulit ko para manigurado.

"Sorry pero may nasa isip na ako na gusto kong yayain sa prom." Nakayukong sabi ni Cedrix. Akala ko payag siya?

"A-Ah.. Ayos lang naman! Wala 'yun!" Nahihiyang sabi ko at napaiwas ng tingin.

"Sorry talaga!" Paulit-ulit na saad niya habang nakayuko. Napatingin naman ako sa paligid ko habang pinapaangat ko ang ulo niya.

"Huy! A-Ayos nga lang, Ced!"

"Sure ka?" Paninigurado niya.

"Oo naman!" Tugon ko sa sinabi niya.

"Nakaplano na talaga ako kahit wala pa nung prom kasi matagal ko na siyang gusto." Paliwanag niya sa akin.

"E bakit hindi ka na lang nag-reply sa form ko?" Nagtatakang tanong ko.

"That would be too rude. You deserve a proper explanation." Parang maiiyak naman ako sa sinabi niya. Kaya naging crush ko 'to e, masiyadong mabait.

That Valentine's Day (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon