Hikari's note:
Had to remove some parts since the word counts might exceed 100k if I put them, after all, my goal in this story is with maximum of 90k word counts only.•••
“Gigising pa ba sya?”Tamad na tumingin ako kay Shinoa na nanatiling nakatingin kay Mikaela na kanina pa tulog.
“You've been asking the same question since earlier, and to answer you with the same words I've been saying, yes, the healers confirmed it.”
Ngumuso ito sa aking sinabi. “Ang tagal nyang gumising, three hours na syang tulog,” aniya habang may pag-aalala sa kanyang boses.
Kahit ako naman ay nag-aalala para rito, ngunit hindi tulad nito na halos hindi mapakali at kanina pa tanong nang tanong. Huminga ako nang malalim at ibinuka ang aking bibig, handang magsalita nang marinig ang boses mula sa taong kanina pa nya tinatanong kung magigising.
“Shinoa Achylls, panira ka ng tulog.”
Sabay na nagawi ang tingin namin kay Mika na dahan-dahang idinilat ang kanyang mata, at kahit nandito ang aking paningin, sa aking gilid ay narinig ko ang boses ni Shinoa.
“Wow, pasensya ka na't nag-aalala ako, ha?” untag nya at naglakad palapit. “Kumusta ang pakiramdam mo? Saan ang masakit—” Hindi pa niya natatapos ang kanyang sinasabi nang umeksena kaagad si Mika.
“Nag-aalala ka because—” sabi nya habang umuupo, na ikinaangat ng aking kilay at mabilis na pinutol ang kanyang sinasabi.
“Sinabi ko bang umupo ka na?” Natahimik sila sa pagsingit ko, na kahit si Shinoa ay naubo na parang nasamid sa kanyang laway. Ew.
Tumingin si Mika sa akin at sumimangot. “Bawal na ba akong umupo?”
“Kailangan mong magpahinga,” sagot ko sa kanyang tanong.
Umirap ito ngunit pinagpatuloy ang kanyang pag upo. “Ang boring mahiga.” Ngumisi ito pagkatapos iyong sabihin na dahilan ng aking pag-irap, ngunit tinulungan rin ito. “What about the practice duel?”
“It's still happening, don't worry,” I said as I sit down again once she's already sitting on her bed, wearing a blue gown for patients and surrounded by white boring things from this infirmary.
“How do you feel sabi ko!”
Sabay kaming napabaling kay Shinoa nang sabihin nya iyon, na ikinailing ko dahil alam ko na ang mangyayari.
“Bakit ka galit?”
“Mukha ba 'kong galit?”
At sa gitna ng bangayan ng dalawa, mabilis akong napaayos nang upo nang makarinig ng boses sa aking utak.
“Everyone, go inside your dorm and don't go out unless we say so. Now. Those who will be caught venturing at the academy's premises will be reprimanded.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig, at mukhang hindi lamang ako ang nakarinig noon at pati ang dalawa sa aking harap, dahilan upang sila'y maging alerto.
“I just heard Mr. Montez inside my head. Telepathy.” I said, thinking if we just experienced the same scenario where someone just penetrated those thick walls that are surrounding our head, and that I alone wasn't the one who felt it.
And the expression they're showing right now confirmed it.
“Luh, wala naman sya rito,” ani Shinoa at lumingon-lingon sa paligid, nagkatinginan kami ni Mika at walang pinalampas na oras, na kahit hindi pa ito tuluyang magaling ay tumayo na agad ito habang nakasunod kami.
BINABASA MO ANG
Seraphic of the Dawn ✓
FantasyCOMPLETED | TAGLISH | PRS BOOK #1 A Fantasy/Adventure Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Xechateus, a world where Midnight Children reside, exists with its sole purpose: to make those creatures stronger by employing to reach the top in terms o...